Friday, December 14, 2012

Ano ba talaga ang gusto mo?

Mamundok
Magtanim ng marijuana
Sumapi sa mga kapatid na rebelde
Mamuhay na parang ermetanyo sa Ibong Adarna

Mag-self exile sa isang isla.
Maging mandaragat sa pagkagat ng umaga't
magpa-fiesta sa gabi,
uminom ng alak ng parang wala ng bukas.

Mag-ala city girl.
Malula sa taas ng mga tore
Mag-elevator paakyat at pababa
Magbayad ng buwis na sa
mga buwaya mapupunta
Isiping ika'y maraming naabot
kasabay ang kape galing sa Starbucks

Magpaka-promdi sa syudad
Tingalain ang lahat
Sumunod sa uso,
sikaping takpan ang bakas ng pinanggalingan
Matakot sa daan-daang kotseng nagkakarera
Mag-ikot nang mag-ikot nang mag-ikot
kahit wala ka ng luntiang makita

No comments: