Monday, June 27, 2011

So when I open my eyes, I saw it too. Stars falling down, and I fall for you.

I stopped wanting you.

I stopped believing in you.

You became a piece of memory to be forgotten.

You transformed into a figment of imagination.

You turned into a dust floating in the air.

You became nothing to me.

Then,

things started to become dreary.

Darkness blanketed the horizon.

The air seemed to send quivers.

The night was endless.

Devouring my heart.

Frightening.

Tormenting.

White.

Gray.

Black.

Rumbling thunder.

Roaring.

Deafening.

Then,

silence.

Saturday, June 25, 2011

Walang malay.

Nakaka...

Nakaka...

Ewan ko ba.

Tatahimik na lang nga ako.

Sige.

Hindi na muling magtatanong.

Hindi na makikialam.

Hahayaan na lang ang mga bagay at magmamasid sa di kalayuan.


----------

Four leaf-clover, I miss you. Salamat hah, at hindi mo ko rineplyan. Hahaha! That was not okay. Duh. Minsan nakakatampo ka na. Nakakainis. Minsan pagnakikita kita parang ansarap mong batukan! Alam mo 'yun? Tipong, leche pare, kelangan ko bang ma-flutter dahil hindi mo ko linalandi per se? O kelangan kong mainis dahil hindi mo ko linalandi/pinapansin? Hahaha! Heck. Ano ba? Kapag masama ang loob mo, pinapaalam mo naman sakin kahit hindi ko naman matukoy kung ano talaga dahil ayaw mo I-SHARE! I understand that part. Pero mahal ko, nakakaloka na kasi. Eeeee. If there are shits inside your head, dude, septic tank 'yung nasa ulo ko! Anytime, sasabog na! Whew!

Hay. Why can't I resist your charm? Darn it! Why do I find you sooo awesome? Nak ng tokwa! Eeeee...Ansarap talagang batukan tapos sabay halikan. Hahaha!

Thursday, June 23, 2011

Sirang plaka.

Nakakainis ang ulan.

Nakakalungkot.

Naiisip na naman kita.

Kamote. Hindi na nga ba talaga ako makakausad?

Gusto ko ng pakawalan ang nararamdaman ko

pero paulit-ulit akong bumabalik sa'yo,

naghihintay ka man sa'kin o hindi.

Nasanay na 'ko. Marahil nasanay ka na rin sa'kin.

Parang hibang lang.

Humihiling ako sa mga bituing sana'y mapansin mo ulit.

Sana mabigyan muli ng pagkakataon.

Ngunit, ewan, tila ba sagabal din ako sa buhay mo.

Minsan naisip ko, baka masyado na nga talaga akong makulit.

Isang kaibigang patuloy na naniniwala sa'yo.

Ewan, tinamaan kasi. Letse.

Hindi na nga kita gaanong nakakausap.

Tamang paggalaw ng mga kilay mo at

pagguhit ng ngiti sa mukha mo

ang alam kong paraan mo nang pagpansin sa'kin.

Kung se-swertehin ay tatanguan mo at

madalang na kawayan mo;

paalis ka man o parating.

Hay.

Pero pare, makita lang kitang naka-ngiti

kahit huwag mo na 'kong pansinin maghapon

ayos lang.

Kahit papano alam kong ayos ka pa.

Hindi na rin ako makapghintay na dumating ang araw

na hindi na ikaw ang titingnan ko,

hahangaan, iisipin at mamahalin.

Sana kapag dumating ang oras na 'yun,

masaya ka rin.

Ewan, pati pagiging masaya mo e pino-problema ko na rin.

Nakakatuwa. Nakakatawa. Nakakabaliw.

'Yaan mo, isang taon na lang naman.

Pag di na tayo nagkikita,

baka makalimot na rin ako.

----------

Whew. Keribells. Hehehe... Yah. Sana hindi na ko matuwa sa mga ngiti mo. Hahaha...

Malanding umaga.

Ikaw ba naman habulin ng crush mo para lang sabihin niya sayong, "Garo kaya ika si nag-agi, ika palan talaga." O di ba? It will surely make your day. Biglang humaba 'yung buhok ko. Hahaha!


Eksena sa Phelan.
Galing ako ng theBeat at nagmamadali ng bumaba para makauwi na. Nasa hagdanan na ko pababa nang may biglang dumungaw at tinawag ako.

Crush: El!
Ako: *gulat* O! Tara? Sain ka hale?
Crush: May klase kaya ko diyan tapos nag-agi ka. Dae ko sigurado kung ika pero garo ika si nag-agi, ika palan talaga.
Ako: Ah... *tawa*
Crush: Masain ka na?
Ako: Mauli, makakan. *tawa*
Crush: Ah. Sige, sige... ingat. *ngiti*
Ako: *ngiti*


la-la-la-la-la... ^______^

Masaya lang. Hihihi. Ewan. Baliw din si crush! At may pagka-kirs. Hahaha.
Sayang may girl friend na. Tssk. Keri lang, tamang pampaugma sa stormy weather.

----------

anlammeeeeg. payakap nga po?

Tuesday, June 21, 2011

I've never done this before, promises, promises. But I'm enjoying the illusion and the things my body says.

Ang taong ito at ang susunod pang mga taon ay kinakailangang tingnan sa POSITIBONG PANANAW upang hindi mapadali ang kamatayan. Hahaha!

Great.

Difficult times. Trying times.

Sasagarin ang pasensya mo... Babasagin utak mo... Babastusin ang dignidad mo... Yuyurakan ang buong pagkatao mo... Ito ang mga oras na hihilingin mong hindi ka na lamang nag-evolve mula sa pagiging uni-cellular organism.

Hay. Ewan. Halo-halo mga iniisip ko. Letsugas.

Ayaw na.

Sana mag-concentrate na lang ako sa pag-aaral. Kung sino man ang mag-do-doodle ng puso sa mga mata ko, ewan, umeffort ka, kung sino ka man. Hahaha! Napapagod din naman ako. Hahaha! Kung walang darating ngayong taon, oh well, keri lang.

Inhale-exhale. Inhale-exhale.

Focus, Malean, focus.

----------

Baket ba ko laging naka-register sa COMBO20? Hanep. Wala namang matawagan. Hahaha!


----------

NAGPUPUMILIT. SABOG NA ISIP.

IKAW AT ANG MALANDI KONG PUSO.

NAKAKASAWA NA.

HINDI KO MINSAN MAUNAWAAN.

PAGOD DAW PERO NANDITO PA RIN.

HAYAAN MO'T ISANG ARAW, MAWAWALA NA LANG AKO SA'YO.

SANA'Y UMIBIG NA SA IBA, NOW NA!

KAIBIGAN: GUSTO MO PA SIYA?
AKO: OO.
KAIBIGAN: HUWAG KA NA DOON!
AKO: *TUMAHIMIK*

PASENSYA NA, AYOKO KASING SUKUAN ANG ISANG TAONG KASING-AWESOME MO. ^______^ ALAM KONG MARAMI PA DIYAN. DUH? MARAMI RIN KAYA SAKING NAGHIHINTAY. PERO AYOKO, HANGGANG SA HINDI PA KO EXHAUSTED SIGE LANG. HANGGANG DI PA KO SA'YO BAD TRIP, KERI LANG. HINDI NAMAN 'TO RELASYON NA OBLIGADO KANG IBALIK ANG IBINIBIGAY SA'YO. MAHAL KITA. PERIOD.

ANG KESO. AMBADUY. HAHAHA!
----------

Apparently, he's not the one for you. FIND ANOTHER ONE. Opo? Opo. :|

baliw-baliwan ka na MALEAN!!!

IYO o DAE?

HABO MO NA O KAYA PA?

DECIDE! ANDAMING NAKA-ABANG. HAHAHA!

Monday, June 20, 2011

If fear doesn't exist I would run up to you, kiss you and tell you that I love you.

Lucky for you, it does exist.
Hahaha!

-----------
So many times that I have to deal with my emotional psychotic blabbing...

Hala! Umaabuso na ang pagkapraning ko. Whew. Tell me, sinong hindi mababaliw sa kakaisip ko ng isang bagay na sobra ang halaga sa akin at sa ibang tao pero di namin malaman kung pano gagawan ng nararapat na solusyon. Great. It sucks. Being helpless sucks!


-----------

Heto na naman ako at isang buong araw inaatake ng pagka-ATHEIST kuno ko. Siyet. Baket ba kasi hindi ma-gets ng dalawang taong importante sa buhay ko na I DON'T SHARE THE SAME FUCKING BELIEF? Mahirap bang tanggapin na ang GOOD GIRL mong anak ay hindi malanding fan ng CHRISTIANITY at ng DIYOS? Mahirap bang tanggaping sumasagot siya dahil pinaninindigan niya lang kung anong alam niyang tama? Mahirap bang tanggapin isinasabuhay niya lang lahat ng mga kagandahang-asal at matalinong pag-iisip na itinuro niyo sa kanya? In this case, your GOOD GIRL finds RELIGION a crap-ish thing to hold on.

Walang pagkakaiba sa fairytale nina Prince William at Kate ang relihiyon. Isang ilusyon na pinanghahawakan ng mahihinang nilalang. Ilusyong pinagkukunan nila ng inspirasyon. Something a person will strive for and dream of. Anong pagkakaiba ng mapasama sa listahan ng bisita sa Royal Wedding at mapasama sa listahan ng aakyat sa langit? Don't give me that she's-a-demonic-traitor-of-god-look. I have had enough. Utang na loob. SALVATION my ASS! Heaven is such a boring place to dwell. Been there. Hahaha! Charos!

Pero 'yan. Hindi naman ako SAGAD sa BUTO kung tumuligsa sa mga FAN ng DIYOS (at kung ano pang tawag mo sa kanya) dahil naiintindihan ko rin naman na buong buhay TAYO (oo, kasama ako) na ikinondisyon ng lipunang ito na manalig sa iisang lumikha. SIYET. Ewan ko ba. Lahat tayo e pinapaikot pa rin ng mga punyemas na grupo ng taong umibento sa konsepto ng diyos. Epektib. Malala. Parang malawakang orgasm na tumagal magbuhat ngayon.

Minsang pinagdudahan ko na ang pag-iisip ko ng ganito. Baka nga naman ako lang ang may sayad. Kasi naman bata pa lang ako andami ko ng tanong sa BIBLE. Kung baket ganito, baket ganyan. Very basic na tinanong ko, "Bakit lalaki si Papa God?" Onga naman. Tang-ina, (INA) malaman-laman ko PATRIARCHAL pala noong unang panahon. Siguro mga INSECURE na LALAKI ang umimbento sa kanya. Sadyang kelangan nilang i-up lift ang mga bayag nila dahil mas matalino ang FEMALE SPECIES. Baka kaya nagkaroon ng kaisipan na mas mababang uri ang babae dahil sa pagkaimbento kay PAPA GOD. O, huwag mong tunawin ng tingin ang blog ko. BAKA LANG NAMAN. Pero di ba, posible rin namang isa lang akong naliligaw na tupa na may topak sa ulo kaya heto't winawasak ko imahen ng diyos, like HELL.

Hahaha!

Baliw-baliwan lang ba. I'm open to enlightenment but in one condition. Dapat CREATIVE ang PRESENTATION mo, CREDIBLE ang SOURCE ng mga ARGUMENTO mo, at higit sa lahat may ALAM ka tungkol sa ATHEISM. Babe, never bend something you aren't aware of.


From the movie PAUL...


Saturday, June 18, 2011

Fucked up.

These and those.

Nak ng tinapa.

Sasabog na ho ako.

Baka pwedeng...O fuck. never mind.

simpleng problema lang 'to.

hay. tang ina.

hindi na naman makakatulog ng maayos. letsugas. T___T

ayokong kainin ng problema ko.takte.

will somebody hear me out?

IRONIC GRACE.

Would like to thank the following:

Nikko Caudilla for being so generous. Pasensya na at nabasa ang kama mo at nagulo ang kwarto mo. :)

Khrisna Herrero, salamat sa pangungulit at pagiging waitress namin. Hihihi! Love you, dear!

Koren Azuela plus Roeder Egwaras, salamat sa ragrag sa kama ni Nix. Joke! Salamat sa jamming! ROEDS! Nag-inom yan si KC! Hahaha! (di naman mababasa ni roeds. haha! )

Jolynson Abante, thank you sa paghabol. I was waiting for you, don't you know that? Hahaha! Chos! Pirmi na lang kaya mga college friends mo inaatupag mo. Hmp! Maray man yaon ka ulit ngunyan. :)

Reuben Muni, sa pangongolekta ng contribution at pagiging early bird tulad ko. Sa uulitin ulit kaibigan! As usual, kita na naman ang last men standing. Hahaha!

-------------
Salamat sa 1 kahong tanduay ice na hindi naman naubos, sa mapait na ice cream, sa V-Cut, Clover, Andoks super half chicken (haha) at sa siopao.

Salamat kasi kahit papano e nawala ang bigat ng mga iniisip ko. Now, back to reality at wala pa rin akong desisyon. Pasensya hindi ko na-share problema ko. I honestly don't know kung masasakayan niyo pero alam ko namang maiintindihan niyo kaya lang iba pa rin.

Oh well.

Haaaay.

I'm about to die.

Effin CHOICES.

LIFE sometimes SUCKS BIG TIME!

Kagabi pa ko di mapakali dahil dito. Oh my!
Would somebody listen to my rant? I don't want my effin blog. Kelangan ko ngayon tao at malapit na kaibigan who has the same passion for things. :|

Friday, June 17, 2011

Love is insanity at its finest.

ubod ng random lang muna tayo.

Oo! Isang malaking kahangalan ang pag-ibig.
But hell! Consume me, love, consume me!

-----------
natutuwa naman ako dahil kahit papano ay may .5% na kaming pag-usad sa thesis...well, tentative pa lang ang topic namin but we're quite determined to pursue it. di ba mga thesis mate? hahaha!

----------

ka-text ko si VP ngayong umaga at para kaming tanga. wala lang. kung anek-anek lang. hahaha! yey! papasalubungan niya ko ng ROCKY ROAD na doughnut from COUNTRY STYLE: BISTRO DELI!!! Soooo happy! Antagal ko ng nag-ke-crave sa doughnut na yun! Isa sa mga na-miss ko sa ABS-CBN. Nam, nam! I prefer it than Krispy Kreme's doughnuts. Panalo talaga!

plus, pag-uwi niya pa...he promised we'll make doughnuts! syeaa! kasi naman, yun ang dahilan ng over time niya sa Starbucks, ang magluto at kumain ng doughnut. hahaha.. ang sipag sa trabahow! haha..hmm..
na-excite na tuloy ako..hahaha!

----------

may mga bonggang wish ako.

greater LIBERATION OF THE MIND

at

greater UNDERSTANDING OF THE HEART


------------

anak ng tipaklong ang mahal ng AD CONGRESS! 8,500 php sa estudyante, regular rate nila 18,500! Chuwe! wala akong ganyan! hahaha!

naalala ko ng minsang nag-re-research si Ms. Dannie sa rate ng CWC dahil dun nga nila balak gawin ang ad congress.

Nakakamiss naman ang mga tao sa Creative Communications Management (CCM).

TEAM CCM

Sir Robert Labayen. Boss ng CCM. Tinitirikan raw siya ng kandila pagdating sa ADVERTISING. Pero huwag ka, BICOLANO 'to! O di ba? Isa pa, napaka-down to earth niyang tao. Wala kang masasabing masama. Napakagaling na, ambait pa! Kinausap niya kami bago umalis. Tinanong niya kung nag-enjoy naman kami at kung may mga natutunan pa raw. Nag bibiro nga siya na sa bahay niya na lang kami nag-stay para mas tumagal kami sa office. Hehehe. Nabanggit niya rin yung Ad Congress. Mag-volunteer daw kami para kita-kits sa November. I'm sooo looking forward to this. Sana makasingit sa hectic niyang sched. ^_____^

Sir Ira Zabat. Boss namin sa News and Current Affairs (NCA)team. Madalang lang namin makita si Sir Ira. Pero nung last day, nang abutan namin siya ng kape at nang magpaalam na ko sa kanyang aalis na e nakipag-beso-beso. May yakap pang kasama! Siyet. Nakaka-touch. Nag-apologize pa nga siya kasi masyado raw siyang busy at hindi na ko na-accomodate ng bongga. Weee! Siya nga pala ang responsable sa BOTO MO, IPATROL MO (BMPM) campaign. Awesome!


Ms. Faith Zambrano. Siya nag immediate head ko sa NCA. Very competetive ang aura niya sakin. Pero sobrang baet din! Every now and then e chini-check niya ang development ko sa team. Laging nangangamusta kung ano na ang mga natutunan ko. Masaya siyang katrabaho and she really wows me with her ideas.


Ms. Pam. Love na love ko to si Ms. Pam. Isa siya sa mga lagi kong ka-bonding sa team NCA. Pagwala akong ginagawa siya iniistorbo ko para humingi ng kung ano pang gagawin. Nang minsang mag-occular visit kami sa Zambales at madaling araw na kami nakabalik ng Manels sa bahay nila ako natulog. Nakakatuwa siya kasi nakakita ako ng BIG SISTER figure sa kanya. Ansaya. Tapos ibinigay niya pa sakin yung isang libro niya. Ambait!


Ms. Jill. Si Ms. Jill naman ang nagturo sakin ng pasikot-sikot ng TV Patrol plugs. Karamihan sa technical skills na na-acquire ko ay dahil sa kanya. Simula sa pag-operate ng betacam player hanggang sa kung paano mag-time change at mag-dub out. Nang una akala ko e boring ang gagawin ko. Pero ng kalaunan, tuwang-tuwa na rin ako. Lalo na pag nagpplay na yung plugs na pina-monitor at pinaayos sa akin. Masarap sa pakiramdam. Lalo na pag TVP wrap up na! Yun, pati script akin! Ansaya!


Sir Niño. Siya ang katuwang ni Sir Ira at ng buong team sa BMPM. Lahat naman ng mga konsepto sa CCM siya nagturo sakin. Nakalimutan ko nga lang yung INSIGHTS at MESSAGE. Siyet. Sabing huwag kalimutan at importante yun! Pfft. My bad. Pero yan, akala ko nung una, masungit siya pero friendly naman pala. Nakakausap ko siya pagmay mga kung anong tanong ako sa pinapagawa ni Ms. Faith. Siya rin nagbigay sakin ng sandamukal na tapes para i-shot list. Hahaha!


Sir Ermil & Sir Nathan. Si Sir Ermil ang laging kakwentuhan namin ni Sir Niño. Siya rin nagbibigay inspirasyon sakin na pagka-graduate e pumasok na ng CCM, tulad ng ginawa niya. O di ba? Bongga! Si Sir Nathan naman ang ka-brainstorming ko, ever since. Bago lang siya sa CCM pero andami niya na palaging projects kasi magaling din siya. Nakakabilib di ba?


---------------

Your smiles remind me that love isn't blind at all.

Tuesday, June 14, 2011

Ang gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako.

Arogante ka raw pagnag demand kang mahalin.

Bakit sino bang ayaw mahalin?


-----------

Naloka ako sa tanong ni Ate Zara.

"El, nuarin ka magkaka-boyfriend?"

Naman! Kabog! Hahaha! Bukas? Sa isang araw? Sa isang linggo? Mamaya?
Malay ko. Hindi ko alam.

Parang ewan.

Si kaibigang Reuben na by the way, like yata si Ate La, ay binigyan na ko ng deadline para magkaroon ng boyfriend. On or before OCTOBER. SIYET.

October. Unang linggo nito lumulutang sa tuwa ang puso ko ngunit ang huling linggo ay sadyang masalimoot.

Back to Ate Zara. Naloka pa ko nang nagtanong siya kung anong gusto ko sa lalaki. O kung ano yung trip ko.

E halos gusto kong isigaw sa kanya na, 'YANG KATABI MONG LALAKI? YAN! YAN ANG GUSTO KO! hahaha! Pero syempre, hindi ko yun ginawa. Inabot din naman ako ng hiya. Hehehe...

I just told her the basics. Tamang may looks, may utak, at may magandang pag-uugali.

But if I have to make that more profound then it would sound something like this.

"I would prefer someone who could and would make me feel so effin important. A guy who would send butterflies somersaulting inside my tummy. Someone who would give me the tightest hug. Someone who would have the ear to listen to my endless rants. Someone who would value my freedom as much as he would value our bond. A guy who would be my best confidant and coolest friend. Someone who would join me turn into the best of ourselves.
"

Hahaha..

Ampait.
Nape-pressure na tuloy ako.
Kahit nangatwiran na kong bata pa naman ako at hindi minamadali ang ganyang bagay. Hahaha. Yeah, I know, it sucks. Hahaha.

Pa-experience nga po ng pakiramdam ng may boyfriend. One time lang o! Hahaha!

------------

Plak!

Desperate much?!

Tssk.

Too bad kasi I'm still stuck on Four-leaf Clover. :(

Yep. I miss you and my daily dose of hugs.

PAYAKAP NGA PO ULET? ^_____^

Sunday, June 12, 2011

LASLAS ka na 'te!

Hahahaha!

Nak ng tokwang utak este puso kong 'to!

Lumandi na kaya ko ng tuluyan sa iba? Hahaha! Lumandi is the TERM. Pak!
arg. Nah. That sounds desperate. Not good. Not kewl.

Kung lalandi naman kasi ako sa iba, arg.. pahirapan lang 'yan sa kanila. Hahaha. Hay. Ewan. Kahit kelan talaga. Sows.

Chill nga lang...chill.

Malay naten makalimutan mo rin nararamdaman mo kay four-leaf clover. Kelangan mo lang ng taong magpapakalimot sa'yo...Hay.

And that person MUST know me well.
MUST be as awesome as him...

Bat ba kasi AWESOME ang tingin ko sa'yo?

Letsugas. Leche flan!

Enough, Malean. ENOUGH.

HAPPY INDEPENDENCE DAY!

Ang post na ito ay para sa isang kaibigang mahal na mahal ko.

Yeah!

HAPPY BIRTHDAY, VP!

Oo, ako na ang late ng 30 minutes sa pag-greet. Pfft. Kamusta naman 'yun. Tumawag na nga ako, ako pa ang late! Chos! Hahaha! Sadyang may pantawag para sa birthday mo. Ganoon talaga ang kaibigan. ^______^

Need I say more?

Kilalang-kilala niyo na rin naman si VP/the Ideal, di ba?

More than anything, ang gusto ko sa taong ito ay lumigaya. Sana after 5 years e matupad niya na ang bucket list niyang : stable career, house&lot, bachelor's degree at GIRLFRIEND. Hahaha! Matutuwa na ko niyan ng bongga para sa kanya.

Uhm, kahit di mo 'to mababasa, gusto kong magpasalamat.

Thank you for being supeeeeer nice to me. Kahit ilang milya ang layo mo at kung saan ka man napapadpad, salamat sa pagiging in touch. Thank you for making me a part of your life. Thank you for the trust, thank you for the friendship.


Sa lahat ng kapeng ikaw ang nagbayad...
Sa lahat ng linuto mong pinag-fiesta-han namin...
Sa lahat ng pang-aalok lumabas...
Sa lahat ng librong ipinahiram mo...
Sa lahat ng sulat na ibinigay mo...
Sa lahat ng COMMENT sa FRIENDSTER...
Sa lahat ng WALL POST sa FACEBOOK...
Sa lahat ng missed call sa madaling araw...
Sa lahat ng text, mapa-Globe man o Smart...
Sa lahat ng pagtawag sakin ng TITA...
Sa lahat ng kwentong nakakatawa...
Sa lahat ng gabing ikaw ang laging naiiwan para ihatid ako pauwi...
Sa lahat ng DATE na hindi naman talaga date...
Sa lahat ng concert o gig na naisip mo kong alukin...
Sa lahat ng linakad nating kalsada...
Sa lahat ng mga ngiti...
Sa lahat ng oras na in-lababo ako sa'yo...
Sa lahat ng naidulot mong kakaibang saya sa buhay ko...



MARAMING SALAMAT!

Thursday, June 9, 2011

Shades of YELLOW.

Hindi sinasadyang nakita ko ang history ng inbox ko. Nandun pa rin pala yung pinaka-unang message sakin ni four-leaf clover.

Ngayon ko lang nahalata na ang greetings niya sa umaga ay hindi lang...

good morning hot fudge sundae...

kundi...

gud morning my hot fudge sundae ^____^ +hugs+

wala naman. natuwa lang ako. HAY.


Oh table tennis. :(

SI PERS LAB at si FOUR-LEAF CLOVER.

Oo. Tuwang-tuwa ako nang hinawakan niya 'yung payong. Tuwang-tuwa ako nang tanungin niya ko kung kumain na ko. Tuwang-tuwa ako nang hinawakan niya ang balikat ko. Bakit ba?

Hay. Ansakit mo sa ulo, Optimus Prime! Gustong-gusto na kitang yakapin ng mahigpit na mahigpit. ^______^

------------

Mahirap. Parang dinudurog na naman ang puso ko. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin. Maglalaro pa ba ako (with all the responsibilities attached to it) o magpapaka normal na graduating student na lang ako?

Hay. Medyo nakapagaan sa pakiramdam 'yung pakikinig nina Kuya Charlie, Shen and the rest of the people sa beat. Special mention sa dalawa kasi mas nakining sila. Hay. At least, mas naiintindihan ako ni Kuya Charlie. Yeah, he has a point. We can do things para makahatak ng players. Oh crap. Bat ba kasi pati na lang sa mga kinahihiligan ko grabe ring pagmamahal binubuhos ko. Bwisit.

Wala naman ngang SUPERB BENEFITS na naghihintay sa bawat panalo sa isang tournament. Pero heto, SAMPUNG WALANG TIGIL na TAON na kong IN LOVE pa rin sa TABLE TENNIS.

Gusto ko na rin namang bumitaw. Pero tulad ng true love, minsan kahit wala ka namang natatanggap na magandang bagay mula sa minamahal mo, ayos lang. Kasi 'yung mismong LIGAYA na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo o kasama mo siya ay wala ng kapantay. Ganoon 'yung pakiramdam ko pagnagnaglalaro ng table tennis. Tuwang-tuwa parang laging in love. Kung minsan nagkakaroon ng LQ dahil sa ilang mahirap intindihing bagong techniques pero okay lang, mahal ko e.

Leche.

Hay. Susukuan ba kita o hanggang dulo sasabay ako sa'yo?

------------

Say pwede dyan magkugos sako? Lintik. Para table tennis. Sus. T____T

Wednesday, June 8, 2011

The Devil's Advocate.

Freedom of expression.

Alright. I've heard about that.

At kung mambabasa ka ng BLOG na 'to, you know my rules.


Ang dami ko na namang naririnig na kung ano-anong isyu ng mga estudyante sa Ateneo. Mahigit sa maraming beses e, kakampi ako ng mga estudyanteng 'to. Oo, bulok ang pamamalakad ng unibersidad natin. Maraming butas ang dapat tapalan. Maraming baho ang dapat buhusan ng sampung galon ng pabango pero hindi ba natin na isip na parte tayo ng dumi ng binabastos nating sistema.

Ewan ko lang. Masyadong self-conceited ang ibang estudyante. Kung makapagsalita akala mo andami ng napatunayan sa buhay. Akala mo kung sinong perpektong tao. Pwe. Hilaw pa tayo at walang alam, pero kung makapagbato ng mga salita (o sige, para sa mga naghuhugas kamay, KUNG MAKAPAG-ISIP naman tayo) para bang ang gagaling natin.

Kung ikaw ba tatanungin ko, ilang beses mo na bang winaldas ang perang pinaghirapan ng magulang mo? Ilang beses ka na bang natuwa dahil ipinasa ka ng prof mo kahit sa sarili mo alam mong hindi sapat ang naibigay mo? Ilang beses mo na bang dinaya ang sarili mo at linamangan ang iba tao dahil gusto mo lang ipasa ang 10-item quiz o pati na midterm exam mo? Ilang beses mo na bang inuna ang pagbili na yosi kesa sa dumiskarte ng isang piraso ng tablet paper? Ilang beses mo na bang linait ang freshmen dahil kung maka-kilos sila e parang high school? Ano na bang napatunayan mo sa sarili mo? Huwag kang plastik. Minsan mas masahol pa tayo sa bulok na sistema nating ginagalawan.

Buti nga ang sistemang 'to may naibibigay sayo. Kahit papaano, aminin mo marami ka rin namang natutunan. Buti pa ang sistemang tao, marunong tumanggap ng mga hilaw na Atenista. Best university in Bicol? Yeah, fuck that! But then again, it maybe right. Ateneo's the best university in Bicol but that doesn't mean it has the best students.

Ewan. Nakakainis lang kasing marinig ang ilang reklamo. Reklamo nang reklamo. Mga wala namang silbi. Parang iresponsableng MEDIA kung maka-dada kung minsan. Hanggang salita na lang ba ang kaya natin? Hanggang pagmumura na lang ba tayo?

Sus! Huwag kang plastik. Nakikinabang ka rin naman sa pangalan ng unibersidad na (HUWAG-MONG-IPAGMALAKI-SAKING-BINAYARAN-MO) nagbibigay sa'yo ng self-satisfaction sa tuwing may nagtatanong kung saan ka nag-aaral.

Kung magaling tayong talaga, dapat alam natin kung paano makikipaglaro sa bulok na sistemang 'to. Huwag mong isigaw ang INJUSTICE at CORRUPTION dahil isasampal sa'yo ng kasaysayan ng buhay mo na GUILTY ka rin sa dalawang salitang ito.

Sabi nga, kung hindi ka parte ng solusyon, parte ka ng problema.

I like being submerged in your contradictions, dear.

Bulate.

Kelangan kong mag-mind set.

Kelangan kong ulitin sa sarili ko na,

WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.
WALA ng FOUR-LEAF CLOVER. WALA.


Pffft.

HECK.

Every time I see you, the urge of throwing my arms around you is inevitable.


I hate myself for loving and liking you almost at the same degree.

Something's telling me it might be you.

-sabi ng kanta sa coffee shop...

-----------
*eksena sa SM*


Ako: Uy! Si ano! Si...!
Reuben: Sisay man? Ay iyo! Si....
Jols: Say man diyan? Ito yang nahiling ta sa my South Star? Ah..iyo.



Ako: Mayo. Mahali na kaya siya. Dae na kami makakapag-ulay, forever... :(
Jols: E di i-text mo na! Sabihon mo nasa SM ka man!
Reuben: Iyo. Agdahun mo na.
Ako: Inagda naman niya ko dati, medyo nag-dae ako.
Reuben: Bulat naman! Grabe man pa-keme mo Malean ay! Dali na, i-text mo na!



*matapos i-text*
(not the exact words)

Jols: Ano nagreply na? Anong sabi? Sabihon mo pakakanun kita, despidida niya.
Reuben: Iyo. Dae mi ika itatao hanggang dae siya nanglilibre.
Ako: Inda daw. Uy! Iwawalat ko kamo pagnagreply ni... *tawa*
Reuben: Basta magwalat kang kakanon. Hahaha..
Ako: Ano man na? Bigla man ni naging sensitive!
Reuben: Iyo ta sensitive ako pag gutom!
Jols: Iyo, ipabisto mo na kami saiya.
Reuben: Tapos i-clear mo na friends mo lang kami.
Ako: What the fudge?! Waaa! Dae kamo magkontra ngunyan. Please lang.


-----------

In short, nagtatampo yung dalawa, dahil iniwan ko silang gutom. Hahaha! Alam ko namang naiintindihan niyo ko at nang-go-good time lang kayo. Di ba? Di ba? Hehehe.. ^______^

Mahal ko naman kayo kaya pagbigyan niyo na 'ko.

----------


There, naganap ang aming pag-uusap sa isang coffee shop. I ordered the usual, MOCHA MADNESS. Pinapa-order niya ko ng pagkain, pero umurong ang kawalang hiyaan ko. Hahaha. Wala namang mushy sa pag-uusap namin. Tamang stress-free lang. Isang pag-uusap na nangangailangan ng malawak na imahinasyon. Nakakatuwa siyang kausap. Halatang matalino. Maganda ngumiti. Ang pinkagusto ko e nakikinig talaga siya pagnagsasalita ako at taga-puno siya ng mga sandaling wala na kong masabi. Kahit medyo awkward dahil nakatingin talaga siya. Hahaha. MASAYA.

Nothing romantic. No silly acts.


----------

Hay. Kung sakali man maging higit pa ito sa mga inaasahan naming dalawa sana lang hindi tragic ang ending. Sana walang EX na babalikan. Sana walang unfinished business sa dating linigawan. Sana walang issue sa kanya kung hindi ako naniniwala sa konsepto ng diyos. Sana manatili siyang KEWL.

Andaming sana. Bahala na. Hindi pa naman mangyayari ang hindi inaasahan. At since matatagalan bago ko pa siya makita, malamang makahanap na rin naman siya ng iba. HUWAG UMASA. ^_____^


----------

Sa iyo matalinong nilalang,

Good luck! Sige, ipagpatuloy mo ang pagpapa-cute sa Manels. Tama yan. Pfft. Hahaha! Hirilingan na lang kung nuarin. Bahala na sa'to si Batman. Salamat sa worry-free conversation. Hindi na tayo VIRTUAL! Hahaha! ^______^

Monday, June 6, 2011

THESE and THOSE.

Hahaha. Pagkabasa ko ng post ni Rica eh bigla kong na-realize na parang masyadong malungkot ang mga blog post ko. Puro na lang ka-dramahan sa wala namang pag-usad kong love life. Panay lang akong reklamo sa masaklap na mga bagay na ibinabato sakin ng mundong ito. Pero to be fair with me, e, marami rin naming nakakatuwang mga post na narito. Balance, ika nga. Tama si Rica, masarap nga makipag-usap sa isang bagay na di ka sususmbatan, papagalitan o babatukan. Iyan ang BLOG. Hahaha!

----------

YEAH! GRADUATING NA KO!

OO, MAYABANG AKO, alam kong ga-graduate na ko! Wohooo!

Kung may award man ako o wala, the hell with it...
ay bigla kong naalala si ate jess.hahaha!
ganito kasi yun...

Lunes. Nasa MRT kami ni Shen. Galing kaming ABS-CBN at inasikaso ang aming evaluation form sa internnship. Ayoko pang umuwi ng bahay, si Shen after mag-Metro Point kelangang umuwi na kasi ba-byahe na siya pabalik ng Bicol that night. Bilang may alam kuno ako sa Manels, inalok ko si Ate Jess pumuntang MOA. Nasa Manels din kasi siya nang mga oras na 'yun at nasa Makati lang siya. Subalit (haha) hindi niya kabisado ang papuntang MOA, kaya sa Glorietta na lang daw kami gumala. Masaklap nga lang kasi hindi ko na tanda papuntang Glorietta, simula kasi nang maitayo ang MOA e dun na kami pumupunta. Anyway, hayan, tinanong ko si Shen kung pano pumunta dun. MRT lang naman daw, baba lang sa Ayala Station and poof napapaligiran ka na ng Glorietta, SM Makati, Landmark at pati na Greenbelt.

Hayan, pagkarating ko sa may Ayala, ilang minuto pa dumating na rin si Ate Jess. Natuwa ako nang makita siya. Nagtext pa ko ng mga kung sinong tao na nasa Manels. Tinext ko si Ate Ingrid, kaso malayo siya sa Ayala. Tinext ko si VP, hindi nagreply. Ayos.
To cut the long story short, matapos maglakad-lakad sa Glorietta e kumain na kami ng dinner ni Ate Jess sa food court ng Landmark. At ang nakakatawa, marami pala kaming pagkakapareho. O di ba? Example, favorite teacher namin nang high school si Sir Maskom (pasintabi sa mga batchmates namin na ayaw sa kanya). Of course, pareho naming rini-respeto ang legendary kong Itay sa Media Studies. Pagdating sa acads pareho kaming seryoso (minsan pala, ako hindi). Hahaha! Eto pa ang malupet, pareho kaming SCORPIO ang zodiac sign. Awesome. Kaya naman pala. Yeah, we both came from Naga City Science High School, parehong walang inabot na honors nung araw. Hahaha!
Wala lang. kahit papano mas na-appreciate ko siya. Mas naintindihan ko ang ugali niya. I admire her. She's tough and passionate. Kahit may mga flaw kung minsan, siya yung tipo ng tao na hindi sumusuko. She'll make her own name someday. :))

-dumating rin nga pala si VP, humabol siya at linibre kami ng kape sa Starbucks at nagpalakad-lakad sa Greenbelt...at yan, nang ihatid na namin ni VP sa sakayan si Ate Jess, ako naman ang hinatid niya. Syeaaaa! toinks! joke lang! I mean, opposite train kasi dapat siya. South ako, north siya, pero sinabayan niya ko hanggang Taft until makasakay ako ng jeep pauwi. Cubao siya nag-sstay nung time na yun, which means almost dulo na rin ng MRT. Anyway, nakauwi naman kami lahat ng ligtas.


-----------
at tapos na nga ang SUMMER 2011.......hello AY 2011-2012!

Y.

Natutuwa.

Naiinis.

Natatawa.

Naiirita.

Bwisit!

Can I just feel nothing? Darn it!

Sunday, June 5, 2011

TMNHYP.

Really.

I find you so attractive and charming.

But why the hell are you so stubborn? Pfft.

I hate you.

I'm trying all my will just to resist every bit of you. But here I am reading your messages, having a good time reading your marvel stories and all.

I'm still afraid. They might be right. You might just need me for now. You might not be afraid to lose me because you know that I will always come back. Sad.

Go fuck yourself.

-sabi ni Wolverine nang lapitan at nagpakilala sa kanya sina Charles at Erik.

----------
Now playing: Stellar by Incubus

------------

Hahaha! Pak! Lapatak!

L-R: ching,REUBEN,ako,JOLS,koren






Gusto ko munang pasalamatan ang aking "long-lost" friend,
Jolynson. Cheers! At ang ever, thru THICK and THIN kong kaibigan, Reuben. Nang dahil sa inyong dalawa, nanood na naman ako ng X-MEN:First Class. Damn it! Ang mahal ng friendship naten, bwisit. Hahaha! Well, thank you for walking me home. Hindi yun ka-sweetan, sadyang may pinagkwekwentuhan lang tayo. Pfft. Hahaha!

Jols, keri yan. Dae para-problemahon. Dakol pang ibang bagay na nangangaipuhan nin atensyon mo tska for sure, wala talagang binatbat sayo ang pinalit ng babaeng yun. Don't worry, that's a FACT. ^______^ At sana'y di mo na kami nakakalimutan at ipinagpapalit sa iba. Hahaha! Chos lang. Mahal ka namin. ^_____^ *nagkakaroon na tuloy ako ng negative bias over collegialas*


Reuben, kita na lang tada! Syeeet! May dini-date na si pareng Nikko. Nadagos daw si movie date ninda? Yiheee! Anyway, okay lang yan dude. We know for a fact that we'd rather be on our own than be with someone who does not deserve us. Yun o! Fighting spirit! Maabot na lang yang, MAY LOOKS, MAY UTAK, asin MAY MARAY na UGALI na hinahanap ta. Saro ka man, mayo ka talagang mahahanap dyan sa university nindo. Hahaha! *ay may negative bias na nga sa mga babae mong skulmates*

------------


SCENE: Ako, Reuben and Jols, nasa harap ng Jollibee. Nagtatalo kung saan magkwe-kwentuhan.

Jols: sa tricycle na lang kaya...
Ako: sure ka? gusto mong istoryahan ta yan habang nasa tricycle kita
Reuben: (tumatawa)

*lakad papauntang advent*

tumigil sa harap ng mercury.

Ako: duman na lang kita agi sa balyo... *super smile*
Reuben: Tano?
Ako: may gusto akong mahiling.. *beautiful eyes*
Jols: say yan? sa may jollibee?
Ako: bako. basta.. *ngiting parang kinikiliti*
Reuben: hilinga na si Malean, kinikirilig. Hahaha!
Ako: Hahahaha! *super smile*
Jols: o tara..
Reuben: kinikirilig talaga ang ngirit ni Malean.. minsan lang yan, men! Tara!

*May nakita kasi akong someone. Ewan, bigla lang ako kinilig. Hahaha. Well, ambilis rin naman nawala, pakalampas, kalmado na ko at parang walang nangyari. Hahaha!*

Sa inyong dalawa, THANK YOU for TOLERATING my CRAP. ^_____^

Thursday, June 2, 2011

Mutant and Proud.

Nananana!

Alright. Heto na naman ang "surviving/being-totally-happy-without-you-101" at ang lahat ng drama kasama nito.


Okay. I was kinda thinking na sana kasama kita kaninang napapa-WHOA sa mga X-MEN scene. Naisip ko rin na pakatapos ng movie e sabay nating ina-analyze ang ibang mga kwento ng X-MEN, na pakiramdam ko na ikaw ang magpupuna ng mga blank space na hindi ko alam tungkol sa X-MEN, gut feel lang. Hahaha! Tawang-tawa sana tayo sa ilang mga lines na binitiwan ng ibang mga character and well, I'll ALLOW you to walk me home. Masaya sana. Mas masaya. Mas kumpleto sana ang araw ko.

Pero, since wishful thinking lang yan. Buti na lang at nagkita kami ni pareng Reuben sa centrow at nakapagchikahan ng kung anek-anek. At least, hindi na kita gaano na miss kahit ilang minuto.

Oh well. Life's been like this.

Keri lang.

Fuck. Fuck that lie. Keri lang, my ass!

Ta man na hayop yan.

Hahaha! Naiinis na ko!

O mga dude, kung may kilala kayong:


-MAY UTAK. (average-above average)
-pwede na rin ang STREET SMART
-MAY TALENT o SKILL o kahit anong kaaya-ayang ABILIDAD (pwedeng yung magaling sa ART?hihi.nagbabakasakali lang)
-SPORTY o kahit kaya lang ako sabayan mag-jogging, pwede na yan
-HINDI POSSESSIVE
-MALANDI pero ako lang ang lalandiin
-HINDI MABAIT sa mga babae. HAHAHA!
-Good looking, hindi kelangang kamukha ni ROBIN(see other post) basta kaaya-aya sa mata
-MALAMBING ^____^
-MAHILIG MANYAKAP ^_____^
-May SENSE of HUMOR at may SENSE KAUSAP
-Nag-wo-worry sa future nya. O kung hindi man siya worried, siguradong may direksyon ang future nya.
----alright tama na at mukhang may isang tao lang akong idini-describe.saka na ulit ako magre-review ng aking standards pag waley na kong affection sa kanya. hihihi.

---------

bakit ba ang hirap mong KAUSAP?
bakit ang hirap mong KAINTINDIHAN?
para ka minsang BATA!
minsan para kang CHIX!

---------

ay wow. bigla kong namiss, NA NAMAN, yung mga biglaang yakap mo sakin. yiheeee! yung mga oras na, sasabihin nating "ay COLD palan, COLD" pero ang SWEEEET mo pa rin. Hahaha!

Iba rin epekto mo sakin no? Ayos!

---------

I miss you, ASSHOLE! :'(