Oo. Tuwang-tuwa ako nang hinawakan niya 'yung payong. Tuwang-tuwa ako nang tanungin niya ko kung kumain na ko. Tuwang-tuwa ako nang hinawakan niya ang balikat ko. Bakit ba?
Hay. Ansakit mo sa ulo, Optimus Prime! Gustong-gusto na kitang yakapin ng mahigpit na mahigpit. ^______^
------------
Mahirap. Parang dinudurog na naman ang puso ko. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin. Maglalaro pa ba ako (with all the responsibilities attached to it) o magpapaka normal na graduating student na lang ako?
Hay. Medyo nakapagaan sa pakiramdam 'yung pakikinig nina Kuya Charlie, Shen and the rest of the people sa beat. Special mention sa dalawa kasi mas nakining sila. Hay. At least, mas naiintindihan ako ni Kuya Charlie. Yeah, he has a point. We can do things para makahatak ng players. Oh crap. Bat ba kasi pati na lang sa mga kinahihiligan ko grabe ring pagmamahal binubuhos ko. Bwisit.
Wala naman ngang SUPERB BENEFITS na naghihintay sa bawat panalo sa isang tournament. Pero heto, SAMPUNG WALANG TIGIL na TAON na kong IN LOVE pa rin sa TABLE TENNIS.
Gusto ko na rin namang bumitaw. Pero tulad ng true love, minsan kahit wala ka namang natatanggap na magandang bagay mula sa minamahal mo, ayos lang. Kasi 'yung mismong LIGAYA na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo o kasama mo siya ay wala ng kapantay. Ganoon 'yung pakiramdam ko pagnagnaglalaro ng table tennis. Tuwang-tuwa parang laging in love. Kung minsan nagkakaroon ng LQ dahil sa ilang mahirap intindihing bagong techniques pero okay lang, mahal ko e.
Leche.
Hay. Susukuan ba kita o hanggang dulo sasabay ako sa'yo?
------------
Say pwede dyan magkugos sako? Lintik. Para table tennis. Sus. T____T
No comments:
Post a Comment