Friday, April 29, 2011

ISANG GABI SA MAY TIMOG AVE.




Whew! Medyo wala naman akong masyadong ginawa buong araw pero yun medyo marami ring naka-abang for the next week. Anyway, kagagaling lang namin ngayon sa Mcdo sa may Timog Ave. Ang oras ng pag-uwi e 1:38am, ayos! Naka-pantulog pa kami't lahat-lahat pero keri lang. Hayan, kwentuhan ng mga naganap at kung anek-anek pang drama at katuwaan sa buhay.

Thankful ako na itong tatlong ito ang nakasama ko sa bahay. Bukod sa bigla kaming apat naging masisipag dito e sadyang masayang kasama sila. Napaka-light hearted nila, understanding, hindi matampuhin at higit si lahat walang napipikon. Hahahaha! Tuwang-tuwa talaga ko sa kanila. ^____^ Walang stress sa buhay. Right this moment e nagkukulitan pa rin kami, to think na may mga shoot at work pa maya-maya. Hahahaha!

Wala. Masaya masyado. Nanlibre pa si John, kaya bongga talaga. O di ba? THIS IS LIFE!


WORK HARD. PARTY HARDER! ^______^



Wednesday, April 27, 2011

Even the best fall down sometimes. Even the stars refuse to shine. Out of the back you fall in time.

oh well, hindi ito tungkol sa aking internship.

wala naman. natutuwa lang ako dahil dalawang magkasunod na gabi ko ng naririnig ang boses ni four-leaf clover. frustrated sya ngayon. badtrip na bongga si pogi. naiintindihan ko sya kaya lang iba pa rin yung talagang napi-feel nya. na-bother na rin ako kasi basagan nga naman talaga ng trip yung nangyari sa kanya. hindi ko alam kung pano sya ikocomfort. ni hindi ko alam kung makikinig na lang ba ko o mag-aadvise. medyo narindi rin ako sa mga murang malutong pa sa chicharon.hahaha..pro understood naman kasi masama ang loob nya. ambigat sa pakiramdam wala kasi akong magawa. i don't even know kung pwede nya kong panghugutan ng inspirasyon. hay. pero yan, lagi lang naman akng nandito para sa kanya. i will always be his number one fan.

hay, kaya lang, nakakalungkot..wala ng hug back, ni hindi na rin ako tinatawag na hot fudge sundae. ewan. nagmumukha na naman akong hibang. shet. malean, wag ulet maro-wrong.naku, tandaan mong hindi ka niya minahal. yan lang dapat isipin para di na mawrong pa...

hindi ko naman malambing tulad ng dati kasi lagi na lang pamimilosopo ang sagot at ang madalas na "K". hay buhay, gusto ka na sya ulit makita at mayakap. hay...

JERK!
takte..alam mo yung feeling na pilit kang humahanap ng "kalandian" para lang ma-divert yung atensyon mo. e ang mga nakukuha ko naman di matytyaga...di man lamang ako magawang tawagan.ahhahaha..of course, except kay VP. given na yan. pffft. o tapos ano? puno na naman ng pangalan niya ang inbox ko? tuwang-tuwa naman ako kapag tumatawag siya. what the fuck, el. what the fuck. eto naman talaga si gaga, super concern. letsugas.

sana masabi ko rin minsan yung, "I DON'T GIVE A SHIT!"

Saturday, April 16, 2011

"Ate, baka naiingayan ka na sakin.."- Mika dela Cruz

Oh well, no biggies.

Hayan, dumating din ang hinihintay naming orientation. Cool at nasa 13th floor ang training hall. Hahaha. Masaya. 102 interns ang lahat ng nasa hall na 'yun. Una, pinapanood kami ng video tungkol sa corporate values ng abs. Ayos. inspiring. para tuloy gusto kong maging-kapamilya na. not bad kung tutuusin. pero syempre, mainstream is mainstream, at business pa rin yun. anyway, yan, nagkaron ng surprise recitation kung ano yung mga corporate values ng company. may mga nagvolunteer at may mga napilitan. hahaha. pagkatapos e diniscuss na yung policies, hanap ulit ng mapipilit at magvvolunteer magbasa. hayan, nakapagbasa naman ako, yung proper work decorum. hahaha. and finally, down to daily time record, evaluation at kung anek-anek pa...then, bigayan na ng kontrata..haha..feeling artista e may kontrata. hahaha..

since lunch time na natapos, kumain na kaming lima, ako, john, chan, shen at kuya charlie, sa the loop.mala-high class na -canteen yun ng abs located sa ground floor. hayan, nagkalat ang mga going bulilit stars. at dahil hindi ako ganun kahilig manood ng going bulilit tamang tiningnan ko lang sila. ang cute ni bugoy tsaka ni cha-cha. nandun din si aaron, nash, mika at marami pang iba. medyo naawa ako sa kanila kasi kahit kumakain e may mga nagpapa-picture sa mga bata. hmm. sakto di ko namalayan sa may likod ko lang pala ang table nina mika at nash. o di ba bongga?! hahaha.

ako: nash.
nash: ano po?
ako: ilang taon ka na?
nash: 12 po.
ako: ahhh. (medyo maliit sya para sa 12years old)

maya-maya e si mika naman. abalang-abala kumain, makipagkulitan sa mga friends, at makipagpicture-ran sa mga fans. medyo sumisigaw na nga siya..

mika to me: ate, baka naiingayan ka na sakin...
ako: ay hindi naman.. *smile* dito ba kayo nagla-lunch talaga?
mika: opo...

tapos maya-maya e na-absorb ko na na mga artista nga pala tong mga batang to...so hayan, kinausap ko ulit si mika.

ako: mika, pa-picture ako pagtapos mong kumain.
mika: ay sige po, sure. *smile*
ako: salamat, pero pagkatapos mo na... *smile*

nakatalikod na ko nang bigla ulit syang nagsalita.

mika: pano ate kung bukas pa kami matapos? hihintayin mo pa kami? *tawa*
ako: ay ganun ba? o sige uwi muna ko ha? balikan kita bukas.. *smile* nag-oojt naman kami dito kaya baka magkita pa tayo.
mika: saan pong show?
ako: hindi sa show e. sa creative communications kami.
mika: ahhh..

well, medyo bored na kami at tapos na rin naman kumain. hindi na rin ako ganun ka-enthusiastic na magpapicture. kaya nagbabye na ko sa kay mika. feeling close? hahaha!

ako: ay sige, mika. alis na kami. bye!
mika: (medyo na-bother si baby girl) ay!
ako: okay lang magkikita pa naman tayo dito. *smile*
mika: sige po. *smile*

------
fast forward tayo.

right this moment e solo ako sa condo. umuwi muna sina shen, chan at john. tinatamad akong umuwi. inaalok ako nin victor mag-makati nandun kasi up dharma down. di naman ako marunong mag-mrt mag-isa at aanga-anga ako pagdating sa pagtawid. past 12 na rin daw mattapos yung gig. nag-offer naman siya na ihahatid nya ko, pero, yan. next time na lang. hehehe. SAYANG ba? well, wala, ayoko lang. pakipot na friend? hahaha!

-------

natuwa naman ako at kahit medyo napagsabihan ako ni four-leaf clover na wag magreklamong solo ako dahil gusto ko naman e okay lang. geeez. NYAAH! sounds like may conviction ang statement nya. hahaha. bihira pa sa blue moon ang lalaking pinagsasabihan ako. at pramis mas madalang pa sa halley's comet na natutuwa ako kung pinagsasabihan ako.pero hayan, ako' natutuwa. ^_____^ hindi naman ako nagpapapansin. ahm, medyo, pero KONTI lang! hahaha! wala lang. bakit ba? masaya na kahit papano e concern sya sa katangahan ko.hahaha!




-------

whew! makatulog kaya ako ngayong gabi?
multuhin kaya ako? nak ng tokwa. wag naman sana! hahaha!
wag din naman sanang may mangyaring kung ano..hehehe

GOOD VIBES.

I do believe I am independent. Hahaha! Keribells lang. ^______^

Friday, April 15, 2011

See for yourself.

Para sa paborito kong lalaki,

HAPPY BIRTHDAY, PAPA!

I'm glad di na yosi ang peborit mong hawakan. Hahaha. Salamat sa walang hanggan mong pagpapasensya at pagmamahal sa akin. Thank you for the trust you never fail to give. Pwede na ba ko mag-boyprend? Joke! I LOVE YOU SO MUCH!

Sana makahanap din ako ng lalaking katulad mo. Mama is such a lucky lady! I love you both!

^______^

--------

Boredom. Yeah, it kills.

Tulog ang tatlo kong kasama. John, Chan and Shen. Heto ako at halos di ma pakali. Oh come on, bring the work on! GAME TIME na kami! AS IN!

You won't hear me nagging about how tiresome the works are. I don't care if my boss will make me run the ELJ building for a minute or more. I just need to have an effin work! Geeez. I'm starting to envy my classmates who are already comfortable with what they're doing. Come on, I need some work.

I've finish a book lend to me by a friend. We have seen not less that two movies per day. We walked through the streets of Quezon City. We went to different malls and already familiarized ourselves with ABS-CBN's ins and outs. Arg...

I'm becoming impatient.

I don't want another week of vacation. Time's running out and our money's drying up.


Pleaaaassse.

*crossed-fingers for tomorrow*

Wednesday, April 13, 2011

Para kang Lycopene Kasi Your'e good for my heart.

*keso*

MAGASTOS.

Yesssir!

I'm assuming a life of an independent. Well, not that much...almost. Hahaha. First, we rented a decent condominium worth more than the price of a nice apartment back in Naga. Second, the four of us are all happily adjusting to "household" chores. We did some cooking, cleaning and fixing of some stuff right there and then. Third, we explored the place. And fourth, we keep on mumbling words of encouragement to survive everything that will happen here.

Of course, I miss home. I miss my friends and my classmate who are also busied by their internship in different networks and media companies.

Yeah, and I miss someone. Do I have to mention it's him again? Arg. It's annoying me. I hate the feeling. I miss him and I don't even know why. I haven't seen him before I left so it doubles the yearning to seem him once more. But obviously, that idea is quite absurd because we're miles away. The fact that he doesn't miss me is not of any help to what I feel right now. Darn it. I want to hear his voice. I want to listen to his stories. I want to hug him so tight while I tell him how excited I am about this whole internship thing. I want to whisper to him how thankful I am for his "good luck and have fun" message.

Cut the crap, Malean.

Shit. Why did call me Malean again? such a jerk...pfft.

Can we skip the drama? All I want is to enjoy a hot fudge sundae, have a nice chat with you and be in your arms? Are these to much to ask? *sigh* I know the answer.

---------

*umuwi kasi si chan ng mandaluyong..kami natirang tatlo sa aming condo.hayan walang magawa...past 11 na yata to kagabi*


Friday, April 8, 2011

Ugbos Kalabasa.

Should have asked her what's wrong...
Should have told her my apology...
Should have explained my side...

I don't care about what anybody else is thinking. I only care about her thoughts, obviously, because she's my friend.

I'm still bothered. Maybe it was really me. Oh, stupid fb statuses. I'm starting to hate facebook. Grr. Some people are really fond trash talking other people without having the guts to face them. Arg. Yeah, sometimes it makes them feel better after the words were thrown. But have these people thought about their "audience"? No. They kinda ruin someone's mood and make them all blue. Arg. My only point is, I want to know if my friend hates me. I want to know what were the words and actions that lead her in hating me. And yes, I want to talk this out and fix everything.

I know in my heart that I have no intentions to make her feel bad. But if she was offended, I'm willing to humble myself and apologize.

-----------

Good luck fellow INTERNS!

POSITIVE VIBES! ^______^

Wednesday, April 6, 2011

Kwentong Kamote.

Diskurso.

Ewan ko ba. Ano bang dapat?

Naiiyak na naman ako.

Okay. Mababaw. Isang status sa fb na alam kong ako ang tinutukoy. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko. Haay. Masama ang ugali ko. Okay.

Kung ano man 'yun wala akong intensyong masaktan ka. Sana inisip mong hindi ako ganoon at sana isipin mong hindi lang ako ang nagdedesisyon.

Masakit dahil nasaktan kita. Sorry hindi ko sinasadya.

ay syet.umiiyak na naman ako. bat ba pagnararamdaman kong naiinis o nagtatampo ka sakin e naiiyak ako? ano ba naman! FRIEND! SORRY. :(


nga pala, miss na miss na miss na kita. sana alam mo...
----------

Oh well, balik sa kinatatakutan ko. Dapat talagang dumidistansya rin ako paminsan-minsan mga taong malapit sa akin. Hindi ko naman pinagsisisihan, siguro hindi ako dapat naging malapit sa kanila. Haay.

Ayoko pa naman ng mga isyung ganito.

malungkot at masakit.

Tuesday, April 5, 2011

:))


O baka HOT FUDGE SUNDAE lang naman ang gusto... ^_____^

Monday, April 4, 2011

Matabang ang timpla ng kape.

Ewan. Eto na nga ba yung sinasabi ko e. Hindi raw grade-conscious. Pwe! Ewan. Sadyang mayabang lang talaga siguro ako. Hay. Pero bakit ganoon? Bakeeeet? Okay. Here's the truth. Masyadong mababa ang 86 na grade sa major. Yes. Major subject po yun. At pagsinabing MAJOR, SERYOSO ako, WALANG BIRO. Pfft. Hindi ako nagpapabaya sa mga ganoon bagay. Haay. Ewan. Hindi ko na rin alam. Baka sadyang nag-eexpect lang ako ng mataas. Mayabang lang siguro talaga. Haay. Parang nangyari na 'to sakin dati. Yung PEYBORIT subject ko na talagang pinaglaanan ko ng panahon at talino ay nauwi rin sa ganitong kwento. Mabuti pa yung iba kong kaklase na kapareho ko yung nakuha na hindi naman masyadong nag-effort e solb na sa ganoong grade. Paano naman akong nagbuhos ng effort? Ganoon na lang yun? Hay. Ewan. Magmumukha naman kasi akong tampalasan kung tatanungin ko kung bakit ganon yung grade ko di ba? Haay. Baka isipin nila nagmamagaling ako. Baka ihampas pa sa mukha ko lahat ng mga pinagtapusan nila. Haaay. Minsan tuloy kahit hindi ka nag-e-effort antass pa tuloy ng grade mo. Ayoko pa naman nang ganoon. I feel bad about it. Para kang sinasampal sabay sabing, "O walang hiya ka! Matapos mo akong i-take for granted, hayan ang kelangan mong grades! Manggagamit!" Haaay. Nawawalan na tuloy ako ng ganang magsumikap pa..since cum laude na rin lang naman talaga ang bagsak ko. Wala ng chance para mag-magna pa. Okay na sigurong magpaka-mediocre. Para hindi na rin ako naii-stress. E tutal wala naman akong balak ibaba pa sa B ang mga grades ko, lampas ng 3.2 ang magiging general QPI ko. Ayoko na.

Haaay. TAGLAGAS.

---------

Mga mahal kong guro,

Sa mga pagkakataong ganito ay wala naman akong intensyong kwestsunin ang kredibilidad niyo sa pagtuturo. Maging ang karunungan ko ay utang ko sa inyo. Ngunit sana naman, please lang o, paki-double check yung grades ko. Pramis wala akong gustong palabasing masama. Gusto ko lang malaman kung talagang hanggan dun lang ba ang resulta nang lahat ng pagsisikap na inaalay ko sa pag-aaral.

--------
Syet.

Nakaka-depressed naman.

Hindi naman ako nagpapa-impress sa mga tao e. Wala rin akong pakialam kung bobo o tanga na tingin sakin ng iba, kahit na nga ng mga magulang ko pa. Pramis, ISAng tao lang gusto kong bumilib sakin e. SARILI KO. Sa mga oras ngayon, hindi ako bilib sa sarili ko. Pwe. Magaling your face! Pfft. Anlungkot, lungkot, lungkot. I never wanted to please anybody but myself. Pero bakeeet, nagkakanda letsu-letsugas ang mga pangyayari? BAKEEEET?

-------

Ano ba yan? I sound like an over reacting grade-conscious student! Crap. E sa mahirap mag-mind set kapag alam mong 'yung hindi dapat sukatan ng pagkatao mo, e sukatan naman ng kung anong pinaggagagawa mo sa loob ng klase. Asar talaga.

Tapos idagdag pa yung OTHER FEES ( registration, medical&dental, athletics, library, internet, library enegry fees at kung anek-anek pa.) na hindi naman namin magagamit pero hindi pwedeng kaltasin sa bayaran ngayong summer. LOKOHAN ba 'to? Sige nga pano ko mag-iinternet sa lib? Aber? Ni minsan di ko pa nasubukan magpatingin ng ngipin sa infirmary. At anong registrationg kalokohan yan? HA? Meron pang SPECIAL DEVELOPMENT FEE. Letsugas. Buti yung mga may kaya sa buhay walang tanong kung magbayad. Pfft.

Hay, ang concern ko lang naman. Magastos mag-intern. Hindi na nga pumayag magulang ni Chan dun sa nakita naming condo na pinakamura na. Masyadong magastos nga naman. Ayun, gusto tuloy uwian siya. Si Shen naman, mukhang tagilid na at pinapapili na ng nanay niya. Hindi kasi na-approve yung appeal niya for scholarship. Haay. Ano ba 'yan?

Sabing POSITIVE VIBES!

Wala. Malungkot. Kung yung buong fees ko lang sana yung na-cover ng scholarship ko eh di kahit kalahati nun isshare ko kay Shen. E kaso, hindi e. Kelangan ko rin naman.

Apartment. NASAN KA NA BA? Sana kahit tig-2500 kami o! Please. Bothered na talaga ako.

Haaay.

---------
Nga pala, hindi ko kelangan ng kahit anong words of wisdom. I know this isn't the deepest shit ever. Arg, gusto ko lang ilabas. Whew.


Alam ko namang lilipas din 'to e. Hahaha!

Saturday, April 2, 2011

Not cool.

Ayoko sa mga taong may hidden agenda.

Ayoko ko rin sa mga taong kulit ng kulit.

Ewan ko ba kung ano ang pakay mo pero nakakaloko na ang laging pag-pop out ng chatbox ko na laging mula sa'yo. Pasensya na hindi ako friendly. Pasalamat ka at paminsan-minsan ay kinakausap pa kita. Ang mga one-liner na sagot ay may iisa lang na ibig sabihin, "NOT INTERESTED." Kung ako ang unang makipag-chat 'yun ibig sabihin di ka annoying. Kaya utang na loob tantanan mo ko. Suplada na kung suplada, wala kang paki. Wala kang paki kung saang lupalop ako napadpad nang mga nakaraang araw. Wala kang paki kung sino-sino ang kasama ko. Wala kang paki kung anong ginagawa ko. WALA!

Pfft.

Nakakapang-init ng buhok. Nameeen!

Andaming tanong!!! Boyprend? Asawa? Tatay?

Sows!

--------

Good vibes.

Buti pa si Nicole, madaling kausap. Nang sabihin kong friends eh talagang friends. Hindi yung tipong may hidden concern na ewan. True to his word. Kahit HINDI PA naman ako nakukulitan eh alam niya na ang mga katagang, "DO NOT CROSS THE LINE." Nakakatuwa kasi alam niyang may blog ako pero ni minsan eh hindi namilit o nagtangkang hanapin ang link ko. Nakakamiss ang mga ganyang tao. Mga taong ansarap maging kaibigan poreber. Oh yes! I'm one of the boys. :))

Friday, April 1, 2011

♥♥♥

Sa hindi malamang dahilan, ako'y punong-puno pa rin ng PAG-IBIG.

Oha! Oha! Oha!

Ewan ko ba. Wala akong kadala-dala. Keribells!

Mahiwaga!

Hahaha!

Ako'y tuwang-tuwa! ^_____^