Showing posts with label reklamo. Show all posts
Showing posts with label reklamo. Show all posts

Monday, April 4, 2011

Matabang ang timpla ng kape.

Ewan. Eto na nga ba yung sinasabi ko e. Hindi raw grade-conscious. Pwe! Ewan. Sadyang mayabang lang talaga siguro ako. Hay. Pero bakit ganoon? Bakeeeet? Okay. Here's the truth. Masyadong mababa ang 86 na grade sa major. Yes. Major subject po yun. At pagsinabing MAJOR, SERYOSO ako, WALANG BIRO. Pfft. Hindi ako nagpapabaya sa mga ganoon bagay. Haay. Ewan. Hindi ko na rin alam. Baka sadyang nag-eexpect lang ako ng mataas. Mayabang lang siguro talaga. Haay. Parang nangyari na 'to sakin dati. Yung PEYBORIT subject ko na talagang pinaglaanan ko ng panahon at talino ay nauwi rin sa ganitong kwento. Mabuti pa yung iba kong kaklase na kapareho ko yung nakuha na hindi naman masyadong nag-effort e solb na sa ganoong grade. Paano naman akong nagbuhos ng effort? Ganoon na lang yun? Hay. Ewan. Magmumukha naman kasi akong tampalasan kung tatanungin ko kung bakit ganon yung grade ko di ba? Haay. Baka isipin nila nagmamagaling ako. Baka ihampas pa sa mukha ko lahat ng mga pinagtapusan nila. Haaay. Minsan tuloy kahit hindi ka nag-e-effort antass pa tuloy ng grade mo. Ayoko pa naman nang ganoon. I feel bad about it. Para kang sinasampal sabay sabing, "O walang hiya ka! Matapos mo akong i-take for granted, hayan ang kelangan mong grades! Manggagamit!" Haaay. Nawawalan na tuloy ako ng ganang magsumikap pa..since cum laude na rin lang naman talaga ang bagsak ko. Wala ng chance para mag-magna pa. Okay na sigurong magpaka-mediocre. Para hindi na rin ako naii-stress. E tutal wala naman akong balak ibaba pa sa B ang mga grades ko, lampas ng 3.2 ang magiging general QPI ko. Ayoko na.

Haaay. TAGLAGAS.

---------

Mga mahal kong guro,

Sa mga pagkakataong ganito ay wala naman akong intensyong kwestsunin ang kredibilidad niyo sa pagtuturo. Maging ang karunungan ko ay utang ko sa inyo. Ngunit sana naman, please lang o, paki-double check yung grades ko. Pramis wala akong gustong palabasing masama. Gusto ko lang malaman kung talagang hanggan dun lang ba ang resulta nang lahat ng pagsisikap na inaalay ko sa pag-aaral.

--------
Syet.

Nakaka-depressed naman.

Hindi naman ako nagpapa-impress sa mga tao e. Wala rin akong pakialam kung bobo o tanga na tingin sakin ng iba, kahit na nga ng mga magulang ko pa. Pramis, ISAng tao lang gusto kong bumilib sakin e. SARILI KO. Sa mga oras ngayon, hindi ako bilib sa sarili ko. Pwe. Magaling your face! Pfft. Anlungkot, lungkot, lungkot. I never wanted to please anybody but myself. Pero bakeeet, nagkakanda letsu-letsugas ang mga pangyayari? BAKEEEET?

-------

Ano ba yan? I sound like an over reacting grade-conscious student! Crap. E sa mahirap mag-mind set kapag alam mong 'yung hindi dapat sukatan ng pagkatao mo, e sukatan naman ng kung anong pinaggagagawa mo sa loob ng klase. Asar talaga.

Tapos idagdag pa yung OTHER FEES ( registration, medical&dental, athletics, library, internet, library enegry fees at kung anek-anek pa.) na hindi naman namin magagamit pero hindi pwedeng kaltasin sa bayaran ngayong summer. LOKOHAN ba 'to? Sige nga pano ko mag-iinternet sa lib? Aber? Ni minsan di ko pa nasubukan magpatingin ng ngipin sa infirmary. At anong registrationg kalokohan yan? HA? Meron pang SPECIAL DEVELOPMENT FEE. Letsugas. Buti yung mga may kaya sa buhay walang tanong kung magbayad. Pfft.

Hay, ang concern ko lang naman. Magastos mag-intern. Hindi na nga pumayag magulang ni Chan dun sa nakita naming condo na pinakamura na. Masyadong magastos nga naman. Ayun, gusto tuloy uwian siya. Si Shen naman, mukhang tagilid na at pinapapili na ng nanay niya. Hindi kasi na-approve yung appeal niya for scholarship. Haay. Ano ba 'yan?

Sabing POSITIVE VIBES!

Wala. Malungkot. Kung yung buong fees ko lang sana yung na-cover ng scholarship ko eh di kahit kalahati nun isshare ko kay Shen. E kaso, hindi e. Kelangan ko rin naman.

Apartment. NASAN KA NA BA? Sana kahit tig-2500 kami o! Please. Bothered na talaga ako.

Haaay.

---------
Nga pala, hindi ko kelangan ng kahit anong words of wisdom. I know this isn't the deepest shit ever. Arg, gusto ko lang ilabas. Whew.


Alam ko namang lilipas din 'to e. Hahaha!

Saturday, April 2, 2011

Not cool.

Ayoko sa mga taong may hidden agenda.

Ayoko ko rin sa mga taong kulit ng kulit.

Ewan ko ba kung ano ang pakay mo pero nakakaloko na ang laging pag-pop out ng chatbox ko na laging mula sa'yo. Pasensya na hindi ako friendly. Pasalamat ka at paminsan-minsan ay kinakausap pa kita. Ang mga one-liner na sagot ay may iisa lang na ibig sabihin, "NOT INTERESTED." Kung ako ang unang makipag-chat 'yun ibig sabihin di ka annoying. Kaya utang na loob tantanan mo ko. Suplada na kung suplada, wala kang paki. Wala kang paki kung saang lupalop ako napadpad nang mga nakaraang araw. Wala kang paki kung sino-sino ang kasama ko. Wala kang paki kung anong ginagawa ko. WALA!

Pfft.

Nakakapang-init ng buhok. Nameeen!

Andaming tanong!!! Boyprend? Asawa? Tatay?

Sows!

--------

Good vibes.

Buti pa si Nicole, madaling kausap. Nang sabihin kong friends eh talagang friends. Hindi yung tipong may hidden concern na ewan. True to his word. Kahit HINDI PA naman ako nakukulitan eh alam niya na ang mga katagang, "DO NOT CROSS THE LINE." Nakakatuwa kasi alam niyang may blog ako pero ni minsan eh hindi namilit o nagtangkang hanapin ang link ko. Nakakamiss ang mga ganyang tao. Mga taong ansarap maging kaibigan poreber. Oh yes! I'm one of the boys. :))

Tuesday, October 19, 2010

Lecheng kahirapan

subukan niyo kayang gumawa ng chapter 4 na pagkahaba-haba habang nagbibigay ng sabaw tapos sukli, ngayon sumisigaw ang nanay ko ng yelo.lintik. naiinis ako.hndi naman kasi dapat ganito.hndi ako maka-concentrate sa paggawa.hindi makapag-aral ng maayos. eh bawal naman magreklamo, ano nga naman ang kakainin namin kung hindi rin ako kikilos.the eff na buhay. punyeta talaga. o cge. ayos. kasi may deadline akong hinahabol. mag-aaral pa para sa exam mamaya. at tamang tama para dagdagan lahat ng dapat kong isipin, nagtext pa ang gabay..hay, utang na loob, please naman po..hndi naman sa engrata ako, pero ayoko mg miss gabay...please...hay..ayoko na..i wanna die, as in now na. leche. leche, kung mayaman lang kami. lecheng kahirapan. lecheng kahirapan!!!! grrrr..

Tuesday, September 8, 2009

Put the blame on me.

I've never been a good daughter.

I am the one who does not understand her parents.
I am the selfish girl who doesn't seem to care about the things around her.
I am the brat who is very ungrateful to her parents' hardships.
I am the bitch who thinks highly about herself.
I am the daughter who anwers back her parents given any condition.
I am the unthoughtful one.
I am the lazy one.
I am the irresponsible one.

I am the one to blame.

Or am I just overeacting about all the shouts and scolds from my mom?

Who would want to eat dinner while someone's giving you a long and loud litany?
Who would want to study while someone's putting all the burdens of the world in a miniature?

Heck.

It's always me.

Hay, this may be the reason why I prefer to stay late and wandering around the town. Sometimes it's hard to find serenity inside your sanctuary.