Monday, April 4, 2011

Matabang ang timpla ng kape.

Ewan. Eto na nga ba yung sinasabi ko e. Hindi raw grade-conscious. Pwe! Ewan. Sadyang mayabang lang talaga siguro ako. Hay. Pero bakit ganoon? Bakeeeet? Okay. Here's the truth. Masyadong mababa ang 86 na grade sa major. Yes. Major subject po yun. At pagsinabing MAJOR, SERYOSO ako, WALANG BIRO. Pfft. Hindi ako nagpapabaya sa mga ganoon bagay. Haay. Ewan. Hindi ko na rin alam. Baka sadyang nag-eexpect lang ako ng mataas. Mayabang lang siguro talaga. Haay. Parang nangyari na 'to sakin dati. Yung PEYBORIT subject ko na talagang pinaglaanan ko ng panahon at talino ay nauwi rin sa ganitong kwento. Mabuti pa yung iba kong kaklase na kapareho ko yung nakuha na hindi naman masyadong nag-effort e solb na sa ganoong grade. Paano naman akong nagbuhos ng effort? Ganoon na lang yun? Hay. Ewan. Magmumukha naman kasi akong tampalasan kung tatanungin ko kung bakit ganon yung grade ko di ba? Haay. Baka isipin nila nagmamagaling ako. Baka ihampas pa sa mukha ko lahat ng mga pinagtapusan nila. Haaay. Minsan tuloy kahit hindi ka nag-e-effort antass pa tuloy ng grade mo. Ayoko pa naman nang ganoon. I feel bad about it. Para kang sinasampal sabay sabing, "O walang hiya ka! Matapos mo akong i-take for granted, hayan ang kelangan mong grades! Manggagamit!" Haaay. Nawawalan na tuloy ako ng ganang magsumikap pa..since cum laude na rin lang naman talaga ang bagsak ko. Wala ng chance para mag-magna pa. Okay na sigurong magpaka-mediocre. Para hindi na rin ako naii-stress. E tutal wala naman akong balak ibaba pa sa B ang mga grades ko, lampas ng 3.2 ang magiging general QPI ko. Ayoko na.

Haaay. TAGLAGAS.

---------

Mga mahal kong guro,

Sa mga pagkakataong ganito ay wala naman akong intensyong kwestsunin ang kredibilidad niyo sa pagtuturo. Maging ang karunungan ko ay utang ko sa inyo. Ngunit sana naman, please lang o, paki-double check yung grades ko. Pramis wala akong gustong palabasing masama. Gusto ko lang malaman kung talagang hanggan dun lang ba ang resulta nang lahat ng pagsisikap na inaalay ko sa pag-aaral.

--------
Syet.

Nakaka-depressed naman.

Hindi naman ako nagpapa-impress sa mga tao e. Wala rin akong pakialam kung bobo o tanga na tingin sakin ng iba, kahit na nga ng mga magulang ko pa. Pramis, ISAng tao lang gusto kong bumilib sakin e. SARILI KO. Sa mga oras ngayon, hindi ako bilib sa sarili ko. Pwe. Magaling your face! Pfft. Anlungkot, lungkot, lungkot. I never wanted to please anybody but myself. Pero bakeeet, nagkakanda letsu-letsugas ang mga pangyayari? BAKEEEET?

-------

Ano ba yan? I sound like an over reacting grade-conscious student! Crap. E sa mahirap mag-mind set kapag alam mong 'yung hindi dapat sukatan ng pagkatao mo, e sukatan naman ng kung anong pinaggagagawa mo sa loob ng klase. Asar talaga.

Tapos idagdag pa yung OTHER FEES ( registration, medical&dental, athletics, library, internet, library enegry fees at kung anek-anek pa.) na hindi naman namin magagamit pero hindi pwedeng kaltasin sa bayaran ngayong summer. LOKOHAN ba 'to? Sige nga pano ko mag-iinternet sa lib? Aber? Ni minsan di ko pa nasubukan magpatingin ng ngipin sa infirmary. At anong registrationg kalokohan yan? HA? Meron pang SPECIAL DEVELOPMENT FEE. Letsugas. Buti yung mga may kaya sa buhay walang tanong kung magbayad. Pfft.

Hay, ang concern ko lang naman. Magastos mag-intern. Hindi na nga pumayag magulang ni Chan dun sa nakita naming condo na pinakamura na. Masyadong magastos nga naman. Ayun, gusto tuloy uwian siya. Si Shen naman, mukhang tagilid na at pinapapili na ng nanay niya. Hindi kasi na-approve yung appeal niya for scholarship. Haay. Ano ba 'yan?

Sabing POSITIVE VIBES!

Wala. Malungkot. Kung yung buong fees ko lang sana yung na-cover ng scholarship ko eh di kahit kalahati nun isshare ko kay Shen. E kaso, hindi e. Kelangan ko rin naman.

Apartment. NASAN KA NA BA? Sana kahit tig-2500 kami o! Please. Bothered na talaga ako.

Haaay.

---------
Nga pala, hindi ko kelangan ng kahit anong words of wisdom. I know this isn't the deepest shit ever. Arg, gusto ko lang ilabas. Whew.


Alam ko namang lilipas din 'to e. Hahaha!

No comments: