Tuesday, August 31, 2010

Nagasgasan ang pakpak ng Paru-paro.

aug31,2010
9:55pm

akala mo minsan pwede, hindi pala.

akala mo posible, mahirap naman.
akala mo may pag-asa, umaasa ka lang pala.
akala mo sa'yo, may nagmamay-ari na pala.

Malala. Inda. Nakakasuya. Nasusuya ako sa sadiri ko. Arg.
Hoping against hope, pero wala, sadyang hopeless.
Jumping the gun kasi, 'yan.
Buti na lang at hindi tuluyang nahulog kasi hindi rin naman pala masasalo.
Sadyang ganyan.
Keri lang 'yan. Okay naman kayong ganyan, huwag ka na kasing humirit pa.
Hayaan mo na lang.

Sadyang it's not me, it's somebody else. :(

I thought wrong.

aug31,2010
9:24pm

At lagi namang walang panama...

Wawa man..hahahaha..assuming kaya. 'yan na naman na papala mo.
Haha. Magsisimula ka palang, FAIL na! Hahaha. Asa!
Okay lang, the earlier the better.
He's in love with somebody else, mahirap makipagsabayan.

Buti na lang at wala naman akong kung ano anong mga nasabi.


Sadyang hindi nga talaga ako lovable. Haha. Takte, nakaka-trauma kayo. Susubok na sana ako ulit, wala, ayoko na. :(

Korni

Weird.

Katatapos ko pa lang i-marathon 'yung Kristine. Hahaha

Takte! Akalin ko ba namang kikiligin ako kay Marco at Emerald. Hahaha.
Don't care with Jaime and Jewel.hahaha

I like Marco and Emerald. Arg.

here i go again.hahaha..pagka-hopeless romantic.hahahaha.

hanggang telenovela na lang..hahaha. baduyun!

REFORMAT. REFORMAT.

focus na lang sa pag-aaral at sa paglalaro. huwag na muna sanang mapana ni kupido. mahirap na...

Sunday, August 29, 2010

KISS ME!

Hahahaha.

What am I thinking?

Hahahaha.

I want to be kissed.
I want a romantic kiss.

Funny. Arg.

This isn't LUST!

I want to be kissed by someone who loves me or by someone who I love.
Either way, that would be romantic. Arg.
I am talking about a kiss on the lips. Hahaha.
A surprise kiss on the lips.

I wont' slap anyone who'll do that.
(As long as I still feel like kissing. But if this feeling passed better get some ice cubes for it will be a hard slap. Haha.)

What am I saying?

Hahahaha.

I just feel like kissing. The hell with anybody! I want a kiss and a TIGHT hug after. Hahahaha.

Nang Malito ang Diyosa

May kakaiba akong nararamdaman.
Isang dadamdaming biglang napukaw.
Tila gusto muling lumukso ng pusong nasugutan.
Ngunit natatakot ng mahulog at mabasag muli.


------
What am I suppose to do?
Nothing.
I'll just go with the flow.

Arg. Emotions do fluctuate.
I'll get over this in no time. If not... then PLAN B. :)

Thursday, August 26, 2010

PAGOD

sabi sakin ni Paul dati, "You're the closest somebody to perfect."
Ayan, wala tuloy sya saking napala, babanat na lang, TAGILID pa.


Hay buhay.

Pwede magmura? Arg.

Lintik kasi!

Bakit ganito kasi ako?

Marami namang iba dyan.

Marami ang handang sumalo sakin!

Marami ang naghihintay!

Pero bakit ikaw ang hinihintay ko?

Utang na loob naman Malean, tama na.

Nahihirapan ka na.

Oo, masaya kang makita siyang masaya pero at the same time, MASAKIT!

Bakit pinagpipilitan mo pang may pag-asa pa?

Malinaw o! In love na 'yung tao dun sa isang babae.

Okay, milya-milya ang layo mo sa kanya. Pero you can't do anything! Bullshit!

Makining ka sa mga kaibigan mo, tama na, sumuko ka na. Please.

May mga bagay na sadyang hindi kaya ng ka-dyosahan mo. Mortal gusto nya, mortal!

Leche! Kelan ka pa bibitiw? Pag-ubos na ang lahat at sa simula ka na naman mag-uumpisa?

Pagnakahanap ka ulit ng tall,dark and handsome na swak sa standards mo?

O makahanap ka ng panakip butas at bigla mo ring iiwan sa ere?

Pagod ka na.

Pagod na pagod.

Oo, alam ng lahat na kayang kaya mong alagaan ang sarili mo pero masarap din namang may nag-aalaga sa'yo.

Bullcrap kasing takbo 'to ng isip ko!

Masyadong radikal!

Masyadong liberal!

Masyadong puno ng ideya at pantasya!

'Takte! Tama na!

Nahihirapan ka na. Hindi mo na nga kaya ayaw mo pang humingi ng tulong.


*kung nababasa mo lang 'to, hay*

Friday, August 20, 2010

T__T

at napapadalas na ang pag-iyak ko tuwing gabi...
nagsisink in na 'yung sakit. oh, this sucks!

T__T

Sunday, August 15, 2010

Miss, bat ang swerte mo?

" you're pretty and smart. boys are the least problem i thought you will have. what else would they ask from you?"

bull crap! gasgas na linyang naririnig ko sa tuwing magrereklamo kung bakit ganito lagi kinahahantungan ng buhay pag-ibig ko. BULL CRAP!


Okay. Bat ganon?
Yes, aminado ako, masakit.
Sino ba namang hindi masasaktan dun?
Oo, nahihirapan akong mag-move on.
Bat kasi ganon?
Hindi ko naman yun ginagawa sa mga tao pero bat paulit-ulit pa ring nangyayari sakin?
Paulit-ulit na iniiwan sa ere.
Hindi naman akong ang unang lumapit, ni hindi ko nga hininging lumapit ka.
Pero bat kung kelan ayos na sa parte ko, tska nawawala yung taong yun.
Bat ano bang hanap mo sa babae?
Hindi ba ko pumasa sa panlasa mo?
Masyado bang matigas ang ulo ko?
Masyado ba kong expressive para sayo?
Masyado bang hindi akma sa tipikal na babae ang kilos ko?
Hay, oo. Madalang kong ipakita na nagseselos ako dahil malaki ang tiwala ko sa'yo.
Hindi ako magagalit o magtatampo kung may pupuntahan kang hindi ka nagpapaalam dahil kahit papano'y buhay mo yan. Pero hindi ibig sabihin nun wala akong pakialam sa'yo.
Kung sakaling hindi tayo ganon kadalas nagkaroon ng oras sa isa't isa hindi ibig sabihin nun na hindi ko inisip o hindi ko ginawan ng paraan para magkasama tayo. Sadyang hindi lang nagtutugma ang mga oras natin nun.
Hindi ko man sa'yo ipakita kung gano ako ka-lambing iyon ay dahil ayokong ibigay muna ang lahat hanggang sa hindi ka pa rin sigurado sa nararamdaman mo. Kitam, diba hindi nga.
Natatakot rin ako sa bilis ng mga nangyayari nun, pero hindi dahilan ang takot para tumigil ako sa pagmamahal sa'yo. Pero tumigil ka, o baka hindi mo nga naman nasimulang mahalin ako.

Alam mo bang sa tuwing hawak mo noon ang kamay ko pakiramdam ko walang pwedeng makasakit sakin?
Alam mo bang sa tuwing kasama kita noon pakiramdam ko'y talo ko pa ang nagkaroon ng matagalang relasyon?
Alam mo bang sa tuwing tinititigan mo ako noon pakiramadam ko'y may paraiso akong natatanaw sa di kalayuan?
Alam mo bang sa tuwing hinahalikan mo ang buhok ko noon para magpaalam na aalis ka na ay pkiramdam ko buong araw pa rin kitang kasama?

Hindi mo nga lang naintindihan ang mga ikinilos ko.
Kahit ako'y nagtaka bigla sa kung anong ako ang lumabas noon.
Alam ko na kasi noon ang gusto ko.
Sigurado na ko na handa na kong tawaging girlfriend (mo).
Alam kong ikaw na yung lalaking makakapag paamo sakin.
Ikaw na yung hinihintay kong makakatalo sakin sa kaka-argue ko.
Ikaw yung magpaparamdam sakin na babae ako at hindi kilos lalaki.
Ikaw yung papakitaan ko kung gaano talaga ako kalambing.
Ikaw yung makakaramdam kung paano ako magmahal.

Pero 'yan, tulad nila...Iba pa rin ang pinili mo. Magkagayun man, mahal pa rin kita't masaya akong nagiging maayos na kayong dalawa. Ang swerte talaga niya.


*naku.naku.tama na malean.kaya mo yan.tuod ka naman baga kayan. bako man lang baga sya kayan naggibo saimo.kaya no big deal na.kaya mo yan.*

Thursday, August 12, 2010

Edited.





Edited churva. Nakatalikod sya. This was during the BACS MEET.


anyway. DOT. DOT. DOT.



I miss him.

Tuesday, August 10, 2010

Chill.

Buong araw walang pasok.
pagulong-gulong sa kama habang iniisip siya


Tatlong oras na tambay sa library. Nagbasa ng mga libro at nagmasid sa mga magsing-irog na naglalambingan sa loob ng silid-aklatan.
nag-imagine na katabi ko rin siya

Nagtanghalian sa Coko ng Sisig, kasama sina Pat at Aiks.
natuksong itext siya para sumabay kumain

Tumambay ng Xavier ng ilang minuto at nakipagkwentuhan kay Aiks.
humiling na sana mapadaan siya

Umuwi, nagbukas saglit ng FB.
umasang on line siya

Bumalik ng alas-tres para maglaro ng table tennis.
humiling na sana mapadaan siya

Nagmeeting ng alas-sinko kasama ang mga ExecutiveProducers ng tatlong theater companies.
nagbakasakaling makasalubong siya

Nag-exam ng alas-sais.
lumingon sa labas ng pinto, baka dumaan tulad ng dati

Natapos ng alas-siyete. Bumalik ng Xavier para muling maglaro.
nagbakasakalig makasalubing siya

Naghapunan ng alas-nuebe kasama si Aiks.
gustong itanong kung kumain na ba siya

Naglakad pauwi kasama si Aiks.
sana magtext siya

Nagbukas ng FB.
nag-on line siya
ay...off line na.