Tuesday, August 10, 2010

Chill.

Buong araw walang pasok.
pagulong-gulong sa kama habang iniisip siya


Tatlong oras na tambay sa library. Nagbasa ng mga libro at nagmasid sa mga magsing-irog na naglalambingan sa loob ng silid-aklatan.
nag-imagine na katabi ko rin siya

Nagtanghalian sa Coko ng Sisig, kasama sina Pat at Aiks.
natuksong itext siya para sumabay kumain

Tumambay ng Xavier ng ilang minuto at nakipagkwentuhan kay Aiks.
humiling na sana mapadaan siya

Umuwi, nagbukas saglit ng FB.
umasang on line siya

Bumalik ng alas-tres para maglaro ng table tennis.
humiling na sana mapadaan siya

Nagmeeting ng alas-sinko kasama ang mga ExecutiveProducers ng tatlong theater companies.
nagbakasakaling makasalubong siya

Nag-exam ng alas-sais.
lumingon sa labas ng pinto, baka dumaan tulad ng dati

Natapos ng alas-siyete. Bumalik ng Xavier para muling maglaro.
nagbakasakalig makasalubing siya

Naghapunan ng alas-nuebe kasama si Aiks.
gustong itanong kung kumain na ba siya

Naglakad pauwi kasama si Aiks.
sana magtext siya

Nagbukas ng FB.
nag-on line siya
ay...off line na.

No comments: