" you're pretty and smart. boys are the least problem i thought you will have. what else would they ask from you?"
bull crap! gasgas na linyang naririnig ko sa tuwing magrereklamo kung bakit ganito lagi kinahahantungan ng buhay pag-ibig ko. BULL CRAP!
Okay. Bat ganon?
Yes, aminado ako, masakit.
Sino ba namang hindi masasaktan dun?
Oo, nahihirapan akong mag-move on.
Bat kasi ganon?
Hindi ko naman yun ginagawa sa mga tao pero bat paulit-ulit pa ring nangyayari sakin?
Paulit-ulit na iniiwan sa ere.
Hindi naman akong ang unang lumapit, ni hindi ko nga hininging lumapit ka.
Pero bat kung kelan ayos na sa parte ko, tska nawawala yung taong yun.
Bat ano bang hanap mo sa babae?
Hindi ba ko pumasa sa panlasa mo?
Masyado bang matigas ang ulo ko?
Masyado ba kong expressive para sayo?
Masyado bang hindi akma sa tipikal na babae ang kilos ko?
Hay, oo. Madalang kong ipakita na nagseselos ako dahil malaki ang tiwala ko sa'yo.
Hindi ako magagalit o magtatampo kung may pupuntahan kang hindi ka nagpapaalam dahil kahit papano'y buhay mo yan. Pero hindi ibig sabihin nun wala akong pakialam sa'yo.
Kung sakaling hindi tayo ganon kadalas nagkaroon ng oras sa isa't isa hindi ibig sabihin nun na hindi ko inisip o hindi ko ginawan ng paraan para magkasama tayo. Sadyang hindi lang nagtutugma ang mga oras natin nun.
Hindi ko man sa'yo ipakita kung gano ako ka-lambing iyon ay dahil ayokong ibigay muna ang lahat hanggang sa hindi ka pa rin sigurado sa nararamdaman mo. Kitam, diba hindi nga.
Natatakot rin ako sa bilis ng mga nangyayari nun, pero hindi dahilan ang takot para tumigil ako sa pagmamahal sa'yo. Pero tumigil ka, o baka hindi mo nga naman nasimulang mahalin ako.
Alam mo bang sa tuwing hawak mo noon ang kamay ko pakiramdam ko walang pwedeng makasakit sakin?
Alam mo bang sa tuwing kasama kita noon pakiramdam ko'y talo ko pa ang nagkaroon ng matagalang relasyon?
Alam mo bang sa tuwing tinititigan mo ako noon pakiramadam ko'y may paraiso akong natatanaw sa di kalayuan?
Alam mo bang sa tuwing hinahalikan mo ang buhok ko noon para magpaalam na aalis ka na ay pkiramdam ko buong araw pa rin kitang kasama?
Hindi mo nga lang naintindihan ang mga ikinilos ko.
Kahit ako'y nagtaka bigla sa kung anong ako ang lumabas noon.
Alam ko na kasi noon ang gusto ko.
Sigurado na ko na handa na kong tawaging girlfriend (mo).
Alam kong ikaw na yung lalaking makakapag paamo sakin.
Ikaw na yung hinihintay kong makakatalo sakin sa kaka-argue ko.
Ikaw yung magpaparamdam sakin na babae ako at hindi kilos lalaki.
Ikaw yung papakitaan ko kung gaano talaga ako kalambing.
Ikaw yung makakaramdam kung paano ako magmahal.
Pero 'yan, tulad nila...Iba pa rin ang pinili mo. Magkagayun man, mahal pa rin kita't masaya akong nagiging maayos na kayong dalawa. Ang swerte talaga niya.
*naku.naku.tama na malean.kaya mo yan.tuod ka naman baga kayan. bako man lang baga sya kayan naggibo saimo.kaya no big deal na.kaya mo yan.*