Aw. I miss him.
Parang araw-araw, lalo akong nakakakita ng dahilan para hangaan siya.
Shet. Filipino mode ulit.
Kaso, may mga oras na parang pakiramdam ko balewala lang ako sa kanya. May mga oras na parang natatakot siya sa kung ano mang nararamdaman ko.
Busy siya. Pero okay lang basta alam kong may lugar ako sa puso niya. Maiintindihan ko 'yun.
Leche.Ikaw kaya 'yung manliligaw!Bakit parang patay na patay ako sa'yo?
Magulo utak ko dahil natatakot na naman ako.
Natatakot akong sumuko siya bigla.
Natatakot akong hindi pala ako 'yung hinahanap niya.
Natatakot akong mawala siya sakin.
Natatakot akong pagtapos na naman ng ilang linggo eh magpapaalam na siya ng tuluyan.
Natatakot akong bumalik kami sa pagiging acquaintances lng ng isa't isa.
Natatakot ako kasi...leche.mahal ko na siya.
*Lord,
Salamat po at mag-iisang buwan nyo na ring pinahiram sakin 'tong lalaking 'to. Ikaw lang po nakakaalam kung ano tunay naming nararamdaman. Sana po, siya na. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nasabi,pero sana lang naman po. Kung hindi man po siya para sa akin, please po patagalin mo pa po ng konti. Ayos lang kung masaktan ulit ako pagkatapos sige na po. Salamat po.
No comments:
Post a Comment