Showing posts with label Baliw sa Kompyuteran.. Show all posts
Showing posts with label Baliw sa Kompyuteran.. Show all posts

Thursday, May 22, 2008

Im saving all my englishes for the start of classes

Huwag na kayong matugatog sa pamagat ng blog ko. Isa lang naman ibig sabihin nyan. Ang wikang Filipino muna ang gagamitin kong lengwahe sa mga susunod kong isusulat hanggang sa dumating ang pasukan. Mahirap din naman ang gagawin ko kaya wala na munang kokontra.

Nandito nga pa la ako para magkwento ng kung anu-ano na naman. Kung ano lang maisip ko, iyon na. Wala lang. Alam ko na.

Magsisimula ako tungkol sa kwento ng pangalan ko. Maria Eleanor Marchadesch Haig, pambihirang ngalan hindi ba? O, anung kwento dyan? Ganito...

Sa isang malalim na gabii,(awooh) sa klinica sa lungsod nga Makati isang sanggol ang isinilang. Isa syang babaeng sanggol. Dahil sa pagod sa panganganak ay nakatulog ang ina ng sanggol. Maya-maya'y dumating ang isang babaeng nakasuot ng puti at nag wika, "Ginoo, ano po ba ang ngalang ibibigay ninyo sa sanggol na ito?" Napaisip ang ama ng sanggol. Naglakad-lakad, at biglang sumigaw..(Darna! Ano? Bakla ang tatay ko?) "Maria Eleanor, iyon ang pangalang ibibigay ko sa kanya. Maria dahil ito ang unang pangalan ng nakababata kong kapatid at Eleanor dahil ito ay sa yaong nakatatanda. Napatingin sa kanya ang dilag na nakaputi, tumango na lamang ito at inabot ang isang pagkahaba-habang papel upang dito'y isulat ang ibang impormasyong kinakailangan ng klinika.
--wakas--

Ganun lang 'yon kasimple. Tulog si Mama. Si Papa ang nag-isip. Buti na lang at hindi Maria Magdalena, Maria Teresa, Maria Leonora, at kung ano pang masaklap at karumaldumal na tunog ng pangalan.

Anu pa bang pwede kong ikwento?

Ting!!!Alam ko na..(naman)
-----
Mula sa Lungsod ng ParaƱaque papuntang "Maogmang Lugar"

Paano ko ba sisimulan?

ah, eh..teka lang..huwag na muna kaya..Hindi pa ako handa.(ang arte!)
Basta,hindi muna nagyon. Iba na nga lang..

Wala na akong maisip. Kainis naman. Pang-asar.
Ah eto meron na..

Ah, sabi pa pala sa Internet, ang Eleanor daw ay orihinal na nang galing sa Greyegon, ito ay binibigkas ng /El-a-nor/. Ang ibig sabihin daw nito ay "shinning light", nakakasilaw pala ang pangalan ko.Haha! O eto pa, sikat na sikat ang pangalang ito sa iba-ibang sulok ng daig-dig ngunit hindi ginagamit bilang apelyido. Konektado din pala ito sa Griyegong salitang eleos na ang ibig sabihin ay "compassion". Sa Arabic naman ay "God is my light" ang ibig nitong sabihin; kung sa Hebrew naman ay "My God is light" naman. Ganun? o,tama na nga yan.