Showing posts with label anay ng lipunang hindi mapatay-patay. Show all posts
Showing posts with label anay ng lipunang hindi mapatay-patay. Show all posts

Wednesday, June 11, 2008

I play the game of flying solo.

It all started yesterday, I had that feeling of emptiness. Asylum. Solitary. I'm not in peace, though. The thoughts of being with him keeps on nagging me. It haunts me like a ghost. So, I texted him and told him straightly that I was waiting for him to join my wandering. He just told me that he's really sorry because he's still resting (just had a fever) and preparing things. It's an awful thing. Tears were conceived from my eyes. I tried to fight it back but it seems to be useless. I really want to see him. I want to talk to him before he leaves. I want him to know that he's a one of my treasured friends. I want to give him a hug. But these things will never be fulfilled. I think he's leaving tomorrow.Hay. Can't he just stay?hay.



Kagagaling ko pa lang ng bahay. Kumain ng isang hotcake, turon, at piniƱahang manok at kanin. Pasunod-sunod ko 'yong pinagpyestahan na parang isang gutom na halimaw na takam na takam sa kanyang bitikma. Tinapos ang libro ni Bob Ong na MacArthur, naantig ang puso ko sa karumal-dumal at nakapanghihinayang na pagkamatay ni Mang Justo. Kaysaklap talaga ng buhay. Nag-isp ng mga ilang segundo. Isa...dalawa...tatlo... "Ma, punta po akong centro." Himalang hindi nagtanong si Mama. Pero sinabi ko namang maglalakad-lakad lang. Kumuha ako ng biente pesos sa loob ng kaha at umalis na. Binagtas ko ang kahabaan ng palengke. Tulalang nakatingin sa dulo ng bawat eskinitang pinasok ko. Hindi ko alam kung bakit ako nandun. Wala akong napala. Walang kakilalang nakita. Isinunod ko ang ngayong makitid ng Plaza dahil sa dami ng mga nagtitinda doon Hindi namn ako tumingin ng mga paninda nila. Nakiraan lang. Sa wakas nakaisip ako ng pupuntahan. E-mall. Malapit-lapit na rin naman ako ng makadaupang palad ko ang isang dating kamag-aral si Bryan. Konting kamustahan at humayo na rin kami sa aming sariling landas. Pagpasok ko ng loob ng balwarte ng mga estudyanteng walang magawa kundi magpalamig, hindi na rin ako nagtaka na medyo maraming tao. Maya-maya'y naisipan kong magparamdam sa malapit ko nang lumisang kaibigan. Walang sagot mula sa kanya. Kaunting pabalik-balik. Taas-baba, kaliwa-kanan. Pasok dito. Pasok doon. Naispan ko nang bumaba at pasukin ang isang tindahan ng mga libro. Naghanap ako ng libro ni Iles. Sabi kasi nyaong isa kong kaibigan maganda raw ang mga nobela nya. Walang duda. Ni isa wala sa tindahang pinasok at hinalughog ko. nagsawa na rin ako sa pagtingin ng mga damit sa Bench kaya ipinasya kong lumabas na. Ilang saglit pa, nasa loob na naman ako ng tindahan na nagtitinda raw ng ukay-ukay. Oo, ukay-ukay sa halagang limang daan, tatlong daan, at kahit isang libo meron. Alam kong wala akong mapapala 'dun. Ipinasya kong lumabas at maghanap ng panibagong ruta. Pinila ko dito sa loob ng Kompyuteran. Habang pagod sa pag-iisip ng mga walang kwentang bagay ang utak ko walang tigil rin ang mga daliri ko sa kapipindot ng mgamaliliit na kawadradong my nababasang letra ng alpabeto. Key board, pare.

Napagod din sa wakas.