Putik.
Hay. Ewan. Ganito ba talaga kapag graduating ka na? Moody, madaling mairita at pakiramdam mo parang wala kang makausap ng matino dahil lahat kayo e lango sa ganitong estado?
Letsugas. Pinanghihinaan ako ng loob sa film and doc. Ewan. Pakiramdam ko tuloy parang hindi ako nag-aral o wala akong natutunan o sadyang hindi lang talaga ako magaling sa kahit isang bagay.
Siguro kasabay ng zero kong buhay pag-ibig wala ring kwenta ang acads ko para sa future career. Siguro hindi lang talaga ako ganon ka-competent para maturingang artist of my own world. Ewan. Siguro kelangan ko ng isuko yung mga pangarap ko kasi hindi ko naman rin talaga yun makukuha. Maybe, it's time for me to accept the fact that this effin world only needs workers. At magiging worker lang naman ako someday.
Hindi kasi kasing bangis ng mga batikang tao sa industriya ang talent, skill, at knowledge ko. Wala. Isa lang akong payaso na trying hard sa lahat ng bagay. Hindi naman talaga ako magaling. Malamang wala akong puwang sa mundong 'to.
Hay.
Malungkot pati na ang buwan na ito. Dapat sana masaya ako. Gusto ko sanang maging masaya kahit ngayong buwan lang. This is a special month kahit papano. Wala. Malas. Sadyang nakatakda siguro akong maging miserable. Iniiwan ng mga lalaki. Lapitin ng disgrasya. Malas sa pera. Napaka-mediocre lang ng talent, skill at knowledge ko. Walang magagawang pagbabago sa mundo. Wala. Walang kwenta.
Hay.
Wala pang makausap na pwedeng pagkwentuhan ko ng lahat ng nararamdaman ko.
Hay.
Kawawang bata. Might as well die.
Wala rin lang naman 'tong patutunguhan.
Bwiset.
Showing posts with label hay. Show all posts
Showing posts with label hay. Show all posts
Friday, October 21, 2011
Wednesday, October 28, 2009
Aw
Matapos ng masayang bday..
hay..
ganyan siguro talaga..kung akala mo okay na..hindi pala..akala mo dun ka magaling..hindi pala.. pakiramdam mo lang pala..maling akala..
may mga bagay na handa mong ibigay lahat pero wala naman palang epekto. akala mo nahanap mo na yung bagay na kaya mo..yung bagay na panghahawakan mo..pero wala din naman pala. ibubuhos mo yung buong puso mo..paghihirapan..pero hindi talaga ganun.. nakulong ka na siguro kasi sa kakaisip na kaya mo..hindi pala talaga..
walang wala ka pala sa mga pasimple lang..relax.. masyado mo kasing dinibdib..isinabuhay..pero wala talaga..ganyan talaga..

Labels:
hay
Subscribe to:
Posts (Atom)