Hay. Potek. Pinapalayas na kami ng relihiyosong may-ari ng bahay. Ayos. Ang dahilan e naaabala raw ang motor nyo sa pagdaan dahil andaming nakapark na tricycle. Nyemas! Ambabaw! Hay. Ngayon, mabaliw-baliw na naman ang tatay ko, kasi wala na naman nga kaming ibang source of income, at isa pa ayokong mag-self pity na naman siya. Hay.
Kelangan ko na talagang makatulong. Iwas muna sa mga magastos na bagay. Kelangan ko munang unahin sina mama at papa at ang pagkakaroon namin ng sariling bahay. Yung tipong wala ng magpapalayas sa amin. Hay. Ayoko ng may gumaganoon sa magulang ko, ayokong ginigipit sila ng kung sino. Kelangan maging selfless ako at maging mabuting anak. :((