Showing posts with label tron.. Show all posts
Showing posts with label tron.. Show all posts

Saturday, March 3, 2012

Sayang,

Isang maarteng paglalahad ng isang nasayang na something.

Hahaha!

Ewan. Salamat ha? Feeling ko, ang ganda-ganda ko kagabi. Hehehe. Thank you!
E kaso pare, you're with somebody right now e. Pano yan? Hahaha! Ewan. Sadyang wrong timing lagi ang pasok natin. When I first met you sabi ni Aika, bawal ka kasi taken na raw. Tapos nakita kita sa CAO and you were like, uhm, being too friendly to me. Hayan. Nabuko ka pa ng isang team mate mo na may crush ka raw sakin. E sorry, in love talaga ko nung mga oras na 'yun at duh, may girlfriend ka. There, lumipas ang maraming months na hindi kita nakita. Kadalasan e nagkakatextan tayo. Mga friendly nothings as usual binobola mo ko ng mga compliments mo at kung maka-alok kang lumabas e wagas. Sorry, pakipot. Alam ko kasing may somebody else ka pa kaya ayokong umeksena. Ilang linggong walang text at ni hindi kita ma-sight sa campus...tapos malaman-laman ko nag-shift ka pala ng Comm at break na raw kayo ng gf mo. So, agad-agad lang, te? Bongga. Sabi ko, eto na 'to...here na ang boy na pwedeng magbaba ulit ng itinayo kong walls. E pagtinging ko sa fb mo, ang default pic mo e picture nyo ni girlfriend. Hayan, sabi ko false info. Huwag na tuloy saka baka di naman talaga magtugma ang mga hilig natin. Huwag na. Naunahan na ko ng takot at doubt kaya di na rin ako umeksena sa life mo. I just ignored your presence kasi nga baka waley lang. E totoo pala na nag-break kayo, tapos nagkabalikan, tapos nagbreak na raw ng tuluyan. Ang kaso naman parang nawalan na ko ng spark sa'yo e kasi naman natakot akong baka matulad lang to sa iba.

And when the time came na I think I can manage to have somebody in my life again...BOOOM!
...wala ka na sa Media Studies at BOOOOM!
...you're already exclusively dating somebody na.

Tapos kagabi e nagkasama ulit tayo ng wala sa plano. Kung makabanat ka pa naman parang tayong dalawa lang. Nakakahiya man aminin pero kahit papano e pasok yung ibang banat mo. Ayos. May spark. Pero hindi ayos kasi di na pwede. Ganoon talaga e. Sabi mo nga kung maibabalik lang ang oras e gusto mong ibalik. Pero hindi kasi ganoon yun. Ngayon lahat na lang nang nangyari e joke, lahat na lang yun e simpleng asaran at banatan, lahat yun ay walang saysay na.

Naisip ko, bat ka kasi nawala agad?
Bat ba kasi masyado akong natakot?
Bat kasi hindi na lang tayo lumabas ng alukin mo ko nung pareho tayong nasa Manels?
Bat kasi sobra pa kong nagpakipot kahit alam kong gusto rin naman kita?
Bat kasi wrong timing tayo sa isa't isa?

Sayang, mas masaya sana.



*disclaimer: masaya na ko para sa'yo. hindi ako manggugulo. good luck sainyo! :)