Sunday, January 31, 2010

Naku naman.

Pag-ibig naman, bakit ka ba ganyan?
Iyong ipinakita'y iba sa mga binigkas.
Puso ko tuloy' walang mapaglagyan.
Sisidlan nito'y pait; hapdi ang ibinalangkas.

Diwa ko'y lito sa iyong kilos,
Salita mo'y iyong panangga.
Wari ba akong inosenteng musmos,
na kahit matigas na pader ay binabangga?

Pag-ibig naman, 'wag kang ganyan,
Sabihing matapat iyong nararamdaman.
Ito'y di hambambuhay na hintayan.
'Wag mangamba; ako'y iyo naman.

No comments: