Sunday, October 24, 2010

SIMPLE

Simple lang naman 'tong napasukan kong sitwasyon eh.

Ganito...

Nalulungkot siya kasi nagkaboyplend yung mahal nya. His ex for this matter. Ako naman mabuting kaibigan. Pinakinggan siya. Nakipagkwentuhan sa kanya. Pinayuhan siya. Nagshare rin ako ng problema ko ki 17, yun nakinig din naman siya.

Lagi na kaming nagkakasama. Kumakain ng sabay, nagmaMcdo, nanood ng sine, tumatawa at nagkwekwentuhan. Lagi lang kami nandyan para sa isa't isa. Masaya. Nawala yung pagkahumaling ko kay 17, pero siya patuloy pa rin yung sakit at pagmamahal niya kay ex. Wala na kong masabi. Bakit wala na akong masabi? Eh kasi mahal ko na pala siya. Ang gaga. Ambilis lang eh nahulog kagad ako. Lecheng yakap yan! Leche talaga. Doon nagsimula ang lahat. Nagpayakap naman ako. Eh ano naman kasi ang magagawa ko. IT FEELS SO RIGHT! MASAYA ako, bakit ba?

Eh kaso. As usual, ang kasiyahan ko ay laging sa umpisa lang. UMPISA. Hay, yan, nakipag-usap si ex. Well, sabi daw nya, eh friends. So, nothing to worry. Pero yan, nang mag-usap kami, well kahit hindi, na-sense kong it's not what he really wanted. Ahm, ganito. Tipong gusto nya makipag-ayos sa ex nya as in tipong balikan, PERO, hindi ayaw nya. Hindi raw kasi sigurado. Hindi sigurado. At yan, ayaw nya kong masaktan. So, nakokonsesya siya. Hay, eh ganon pa rin yun. Ayaw niyang i-let go. Ayaw niyang mag-move on. Ano naman kasi ang laban ko? Wala.


So yan, ang simple lang. Mahal ko na siya. Nagke-care lang siya sakin. Mahal niya pa si ex. Si ex mukhang mahal pa rin siya. Kelangan ko pa bang hadlangan? O sige, kayo na! KAYO NA ULIT.

Arg, on a second thought. I decided to stay, despite of it all. Hihihi. Matigas talaga ulo ko.

BAHALA NA. EWAN. BASTA. ^_____^

No comments: