Sunday, September 5, 2010

Alam ko na...

Ang galing-galing talaga ng anak ko. Pati ako nahahawa sa paggawa ng realization. Hahaha. Isang tanghali na lang na isip ko na naman si Mr. Recently. Anyway, hindi sya para sakin. Ayoko na siya para sakin. Hahaha. At yun, kung ano-ano na lang na bagay at kung sino-sinong tao na lang ang dumaan sa isip ko.

Usaping relasyon at pag-ibig.

Sabi nga ng aking mahal na anak na si Chan, "Dae. Iba kaya 'to si El. Basta, dae ko ma-explain. Basta, kaipuhan mong makipagsabayan saiya kung gusto mong makahaloy na kaiba siya," ng minsang gawin nila kong pulutan ng ilan pang mga kaibigan. Hahaha. "Adventurous pati 'to, kaya mo daw?" pahabol pa niya.

May punto nga naman ang aking anak. Siguro, ganyan nga ako kakomplikado. Pero simple pa rin kung iisipin. I follow guidelines of my own. I have my own rules. I play my own game. If you can't catch up that's not my fault. I don't have time to explain myself every time threads loose.
I can be the most fatal venom or the most effective cure.

Naalala ko tuloy yung isang lalaking akala ko'y mahal ko na, pero akala ko lang pala. Haha. Okay, sabi ni Rica baby, nasaktan ko raw 'yun, as in bonggang OUCH. Sabi ko naman, alam kong kasalanan ko at humingi ako ng tawad sa katangahang ginawa ko. BUT, I can't go back. Ayoko pala sa kanya. And even the angels in heaven nor the demons below can never ever make me go back to him. PERIOD. At, oo, nakakahiya man ang ginawa kong pambabasag ng puso ng iba. Wala akong pinagsisisihan. Naloka rin ako noon, I can't even accept na may ginanon ako. The damage has been done. Let go. Move on. Find another. Yeah, easier said than done, but what else would he choose?

Anyway...

Tulad nga ng sabi ko. Komplikado pero simple. Kung hindi ako masakayan at masabayan, walang problema, umalis at maghanap ng iba. Masasaktan ako pero ayos lang parte na 'yan ng pinili kong maging AKO.

Segue nga pala...

Weird at scary daw ako sabi ng isang lalaking BMHP stude.

-WEIRD dahil ang maganda naman ako pero wala akong boyprend. --wala nga kasing tumatagal dahil weird daw ako..haha..ang gulo niyo!haha
-SCARY dahil masyado raw akong matalino. --WHAT THE FUCK?alam ko lang kung pano gamitin ang utak ko..more than that wala na..

Back to what I'm saying...

Yun marami ngang nagtatanong kung ano ba raw hinahanap ko sa lalaki. Hindi ko alam. Pero yung conscious mind ko eto ang gusto niya:

-mahilig magbasa
-marunong magsulat, english o filipino basta tama ang grammar
-sporty
-mas matalino sakin in my own definition ng "mas matalino sakin"
-may isang skill na kaya nyang gawin pero hindi ko kaya
-palabiro pero hindi sobra, lahat ng sobra ay masama
-sweet
-not so expressive, yung tama lang
-magaling tumiming sa kahit anong bagay
-hindi mahiyain
-gwapo malamang..lalaki nga ang hanap maganda..
-mas matangjad sa kin..dapat lang
-cool pumorma... wag lang akong magmukhang basura pag kasama siya
-maganda ang mata...hahaha
-may pangarap sa buhay
-malalim mag-isip
-passionate
-walang hindi kanais-nais na mannerisms...
-and many other more detailed things na sekreto na...hahahaha


well, hindi naman kasi lagi yang nasusunod.ewan.minsan baliw lang talaga ako.

Hahahaha.

Ayoko lang.

Saturday, September 4, 2010

Minsan lumalandi ang Diyosa

9/4/2010
10:08 PM

Hahahaha.


Simpleng banat.
Simpleng biro.
Simpleng pitik.
Simpleng lambing.


Kapag nagpadala ka sa mga konotasyon ng kalokohan, talo ka.
Kapag di mo sinubukan maaring talo ka pa rin.


Magulo.
Hindi.
Simple lang.


Sumabay ka lang sa agos tiyak makakarating ka sa paroroonan.

Sana. Sana. Sana.

Tuesday, August 31, 2010

Nagasgasan ang pakpak ng Paru-paro.

aug31,2010
9:55pm

akala mo minsan pwede, hindi pala.

akala mo posible, mahirap naman.
akala mo may pag-asa, umaasa ka lang pala.
akala mo sa'yo, may nagmamay-ari na pala.

Malala. Inda. Nakakasuya. Nasusuya ako sa sadiri ko. Arg.
Hoping against hope, pero wala, sadyang hopeless.
Jumping the gun kasi, 'yan.
Buti na lang at hindi tuluyang nahulog kasi hindi rin naman pala masasalo.
Sadyang ganyan.
Keri lang 'yan. Okay naman kayong ganyan, huwag ka na kasing humirit pa.
Hayaan mo na lang.

Sadyang it's not me, it's somebody else. :(

I thought wrong.

aug31,2010
9:24pm

At lagi namang walang panama...

Wawa man..hahahaha..assuming kaya. 'yan na naman na papala mo.
Haha. Magsisimula ka palang, FAIL na! Hahaha. Asa!
Okay lang, the earlier the better.
He's in love with somebody else, mahirap makipagsabayan.

Buti na lang at wala naman akong kung ano anong mga nasabi.


Sadyang hindi nga talaga ako lovable. Haha. Takte, nakaka-trauma kayo. Susubok na sana ako ulit, wala, ayoko na. :(

Korni

Weird.

Katatapos ko pa lang i-marathon 'yung Kristine. Hahaha

Takte! Akalin ko ba namang kikiligin ako kay Marco at Emerald. Hahaha.
Don't care with Jaime and Jewel.hahaha

I like Marco and Emerald. Arg.

here i go again.hahaha..pagka-hopeless romantic.hahahaha.

hanggang telenovela na lang..hahaha. baduyun!

REFORMAT. REFORMAT.

focus na lang sa pag-aaral at sa paglalaro. huwag na muna sanang mapana ni kupido. mahirap na...

Sunday, August 29, 2010

KISS ME!

Hahahaha.

What am I thinking?

Hahahaha.

I want to be kissed.
I want a romantic kiss.

Funny. Arg.

This isn't LUST!

I want to be kissed by someone who loves me or by someone who I love.
Either way, that would be romantic. Arg.
I am talking about a kiss on the lips. Hahaha.
A surprise kiss on the lips.

I wont' slap anyone who'll do that.
(As long as I still feel like kissing. But if this feeling passed better get some ice cubes for it will be a hard slap. Haha.)

What am I saying?

Hahahaha.

I just feel like kissing. The hell with anybody! I want a kiss and a TIGHT hug after. Hahahaha.

Nang Malito ang Diyosa

May kakaiba akong nararamdaman.
Isang dadamdaming biglang napukaw.
Tila gusto muling lumukso ng pusong nasugutan.
Ngunit natatakot ng mahulog at mabasag muli.


------
What am I suppose to do?
Nothing.
I'll just go with the flow.

Arg. Emotions do fluctuate.
I'll get over this in no time. If not... then PLAN B. :)

Thursday, August 26, 2010

PAGOD

sabi sakin ni Paul dati, "You're the closest somebody to perfect."
Ayan, wala tuloy sya saking napala, babanat na lang, TAGILID pa.


Hay buhay.

Pwede magmura? Arg.

Lintik kasi!

Bakit ganito kasi ako?

Marami namang iba dyan.

Marami ang handang sumalo sakin!

Marami ang naghihintay!

Pero bakit ikaw ang hinihintay ko?

Utang na loob naman Malean, tama na.

Nahihirapan ka na.

Oo, masaya kang makita siyang masaya pero at the same time, MASAKIT!

Bakit pinagpipilitan mo pang may pag-asa pa?

Malinaw o! In love na 'yung tao dun sa isang babae.

Okay, milya-milya ang layo mo sa kanya. Pero you can't do anything! Bullshit!

Makining ka sa mga kaibigan mo, tama na, sumuko ka na. Please.

May mga bagay na sadyang hindi kaya ng ka-dyosahan mo. Mortal gusto nya, mortal!

Leche! Kelan ka pa bibitiw? Pag-ubos na ang lahat at sa simula ka na naman mag-uumpisa?

Pagnakahanap ka ulit ng tall,dark and handsome na swak sa standards mo?

O makahanap ka ng panakip butas at bigla mo ring iiwan sa ere?

Pagod ka na.

Pagod na pagod.

Oo, alam ng lahat na kayang kaya mong alagaan ang sarili mo pero masarap din namang may nag-aalaga sa'yo.

Bullcrap kasing takbo 'to ng isip ko!

Masyadong radikal!

Masyadong liberal!

Masyadong puno ng ideya at pantasya!

'Takte! Tama na!

Nahihirapan ka na. Hindi mo na nga kaya ayaw mo pang humingi ng tulong.


*kung nababasa mo lang 'to, hay*

Friday, August 20, 2010

T__T

at napapadalas na ang pag-iyak ko tuwing gabi...
nagsisink in na 'yung sakit. oh, this sucks!

T__T

Sunday, August 15, 2010

Miss, bat ang swerte mo?

" you're pretty and smart. boys are the least problem i thought you will have. what else would they ask from you?"

bull crap! gasgas na linyang naririnig ko sa tuwing magrereklamo kung bakit ganito lagi kinahahantungan ng buhay pag-ibig ko. BULL CRAP!


Okay. Bat ganon?
Yes, aminado ako, masakit.
Sino ba namang hindi masasaktan dun?
Oo, nahihirapan akong mag-move on.
Bat kasi ganon?
Hindi ko naman yun ginagawa sa mga tao pero bat paulit-ulit pa ring nangyayari sakin?
Paulit-ulit na iniiwan sa ere.
Hindi naman akong ang unang lumapit, ni hindi ko nga hininging lumapit ka.
Pero bat kung kelan ayos na sa parte ko, tska nawawala yung taong yun.
Bat ano bang hanap mo sa babae?
Hindi ba ko pumasa sa panlasa mo?
Masyado bang matigas ang ulo ko?
Masyado ba kong expressive para sayo?
Masyado bang hindi akma sa tipikal na babae ang kilos ko?
Hay, oo. Madalang kong ipakita na nagseselos ako dahil malaki ang tiwala ko sa'yo.
Hindi ako magagalit o magtatampo kung may pupuntahan kang hindi ka nagpapaalam dahil kahit papano'y buhay mo yan. Pero hindi ibig sabihin nun wala akong pakialam sa'yo.
Kung sakaling hindi tayo ganon kadalas nagkaroon ng oras sa isa't isa hindi ibig sabihin nun na hindi ko inisip o hindi ko ginawan ng paraan para magkasama tayo. Sadyang hindi lang nagtutugma ang mga oras natin nun.
Hindi ko man sa'yo ipakita kung gano ako ka-lambing iyon ay dahil ayokong ibigay muna ang lahat hanggang sa hindi ka pa rin sigurado sa nararamdaman mo. Kitam, diba hindi nga.
Natatakot rin ako sa bilis ng mga nangyayari nun, pero hindi dahilan ang takot para tumigil ako sa pagmamahal sa'yo. Pero tumigil ka, o baka hindi mo nga naman nasimulang mahalin ako.

Alam mo bang sa tuwing hawak mo noon ang kamay ko pakiramdam ko walang pwedeng makasakit sakin?
Alam mo bang sa tuwing kasama kita noon pakiramdam ko'y talo ko pa ang nagkaroon ng matagalang relasyon?
Alam mo bang sa tuwing tinititigan mo ako noon pakiramadam ko'y may paraiso akong natatanaw sa di kalayuan?
Alam mo bang sa tuwing hinahalikan mo ang buhok ko noon para magpaalam na aalis ka na ay pkiramdam ko buong araw pa rin kitang kasama?

Hindi mo nga lang naintindihan ang mga ikinilos ko.
Kahit ako'y nagtaka bigla sa kung anong ako ang lumabas noon.
Alam ko na kasi noon ang gusto ko.
Sigurado na ko na handa na kong tawaging girlfriend (mo).
Alam kong ikaw na yung lalaking makakapag paamo sakin.
Ikaw na yung hinihintay kong makakatalo sakin sa kaka-argue ko.
Ikaw yung magpaparamdam sakin na babae ako at hindi kilos lalaki.
Ikaw yung papakitaan ko kung gaano talaga ako kalambing.
Ikaw yung makakaramdam kung paano ako magmahal.

Pero 'yan, tulad nila...Iba pa rin ang pinili mo. Magkagayun man, mahal pa rin kita't masaya akong nagiging maayos na kayong dalawa. Ang swerte talaga niya.


*naku.naku.tama na malean.kaya mo yan.tuod ka naman baga kayan. bako man lang baga sya kayan naggibo saimo.kaya no big deal na.kaya mo yan.*

Thursday, August 12, 2010

Edited.





Edited churva. Nakatalikod sya. This was during the BACS MEET.


anyway. DOT. DOT. DOT.



I miss him.

Tuesday, August 10, 2010

Chill.

Buong araw walang pasok.
pagulong-gulong sa kama habang iniisip siya


Tatlong oras na tambay sa library. Nagbasa ng mga libro at nagmasid sa mga magsing-irog na naglalambingan sa loob ng silid-aklatan.
nag-imagine na katabi ko rin siya

Nagtanghalian sa Coko ng Sisig, kasama sina Pat at Aiks.
natuksong itext siya para sumabay kumain

Tumambay ng Xavier ng ilang minuto at nakipagkwentuhan kay Aiks.
humiling na sana mapadaan siya

Umuwi, nagbukas saglit ng FB.
umasang on line siya

Bumalik ng alas-tres para maglaro ng table tennis.
humiling na sana mapadaan siya

Nagmeeting ng alas-sinko kasama ang mga ExecutiveProducers ng tatlong theater companies.
nagbakasakaling makasalubong siya

Nag-exam ng alas-sais.
lumingon sa labas ng pinto, baka dumaan tulad ng dati

Natapos ng alas-siyete. Bumalik ng Xavier para muling maglaro.
nagbakasakalig makasalubing siya

Naghapunan ng alas-nuebe kasama si Aiks.
gustong itanong kung kumain na ba siya

Naglakad pauwi kasama si Aiks.
sana magtext siya

Nagbukas ng FB.
nag-on line siya
ay...off line na.

Sunday, June 13, 2010

Kelan ulit?

Kelan mo kaya ulit sasabihing, “mea na sca” sa tuwing sasabihin kong “matulog na tayo”?

Kelan mo kaya ulit itatanong kung delayed ba ang mga messages?

Kelan mo kaya ulit itatanong kung, “bakit now ka lang nagtext?”

Kelan mo kaya ulit sasabihing, “ I wna c u 2nyt”?

Kelan mo kaya ulit ipagpapaalam sakin kung saan ka pupunta?


Kelan ka kaya ulit maiinis dahil nakalimutan kong itext na maglalaro na ko?

Kelan ka kaya ulit magagalit dahil paulit-ulit akong tumatanggi sa tuwing nang aalok kang lumabas?

Kelan ka kaya ulit mag-iinsist pumunta samin kahit pwede ka naman kumain sa ibang lugar?

Kelan ka kaya ulit magiging sensitive sa nararamdaman ko sayo?

Kelan ka kaya ulit magseselos sa tuwing may kasama akong iba?

hahaha..at marami pang kelan..nakakamiss nga lang siguro..boys will always be boys. it's a fact that i must accept.haha..they have unpredictable change of moods that will surely make girls like me go mad..hahaha..most especially because i'm not one of the girls..oh, this sucks..

I miss him.hahaha.and he doesn't even bother to send me any message.hahaha..naku.naku.
samantalang noong una, pag ako hindi nagttext..tinatanong agad ang dahilan..hay buhay.

o kay hirap mo namang i-comprehend mahal ko.

nakakatuwa kasi, isang text mo lang, makakalimutan ko agad lahat ng mga pinagsasabi ko dito.hay.

the bad thing is, i feel like you're taking me for granted. oh dear, make me change this belief please.


on the other hand, baka naman i'm over reacting. maybe, you really have lots of stuff to do..BUT as the cliche goes, "if there's a will, there's a way."

ARE YOU LOOSING YOUR WILL?

Friday, June 11, 2010

Hell scared!

-Unfinished Words-


  • My heart seeks your heart amidst the crowd of lilies.
  • I lost my track. You found it. Are you leading me out of this labyrinth? Or are you leaving me deeper to its center?
  • I'm tired of playing games. Fooling myself to be reciprocated by the love I gave is baloney! They took a piece of me that's irreparable.
  • Time's fleeting. It left me a trail and it's slowly fading.
  • Doubt haunts me. An alarming ghost I cannot escape. Shed me some light or make this darkness our sanctuary.
  • Your harmonic voice engulfs my soul.

Wednesday, June 9, 2010

Self-update

Eto, ako pa rin ang babaeng baliw.

isang matapang na paglalahad kung sino at ano na ko ngayon.

>random<

-third year na sa kursong AB-Communication
-hilig ko pa rin ang sumulat at magbasa, from Bible to FHM(na matatagpuan ko lang sa mga parlors.haha) extremes..
-liniligawan ng ilang ka-department na maging presidente nila,oh noes!isa malaking responsibility yan..haha..baka di ko kaya..haha
-devoted table tennis player, team captain (di naman kelangan talaga ng label,sus)
-uunahin ang paglalaro kesa sa pag-aaral.hahaha
-DL,DL,DL,PL(tsamba lang yata 'to)
-iskolar pa rin ng mga kamag-anak ni fr.dolan
-isang bote ng gilbey's premium strength lang ang kaya kong inumin..lagpas dyan.gagapang na ko pauwi
-18 years ng wala pa ring boyfriend, seryoso.
-18 years ng hindi pa nakaranas ng bulaklak galing sa kung sinong kaangkan ni Adan..haha
-ilang beses nang nagmahal at nasakatan
-pangarap ko pa rin ang makapagpaaral ng kung sinong mapalad na bata dyan
-hindi ko alam kung gusto kong magturo sa ateneo pagkagraduate,pumuntang singapore para mag-aral,bumyahe ng australia papunta ki tita at dun maghanap ng trabaho,maging manunulat ng kung anong article o libro,maging isang researcher para makagawa ng sarili kong teorya sa communication,maging magaling na photographer o film maker, o di kaya'y mag-artista..hahaha..ano nga ba?
-yellow pa rin favorite color ko
-hinahanap ko pa rin ang sarili kong diyos(walang pakialamanan dito!)
-mahal na mahal ko pa rin sina mama,papa at shen.haha
-hindi ko pa rin ipagpapalit ang science high sa ateneo..ibang iba.malayong malayo..
-naka move on na ko kay six years!wohoo!(i-congrats nindo ko friends!haha,sa wakas)
-environmentalist pa rin ako.diwata ng kalikasan..haha
-makabayan pa rin hanggang ngayon
-maganda pa rin ako,tulad ng dati..hahaa..(kapal!)
-naniniwala pa rin ako na marami pa kong dapat matutunan sa buhay...
-si dick gordon nga pala binoto ko ng nakaraang halalan
-naging maingat na ko sa pagtitiwala sa mga tao,lalong lalo na sa mga lalaki..hahaha
-frustration ko pa rin ang pagkanta..hahaha
-turn off pa rin ang mga lalaking nag-aatempt manligaw gamit ang modernong paraan..hindi kagad ang sagot sa kanila.gwapo man o matalino.mayaman man o maabilidad.wala akong paki.hahaha
-may sapatos akong bilhin...hahaha..pinag-iipunan. :)
-first love ko ang table tennis.walang makakapalit sa pers lab kong yan.
-hindi po ako pusong lalaki.alam ko lang kung anong klase ng babae ang pwede mong tawaging "CHIX" "PRETTY" "MAGANDA" iba-iba yan para sakin
-badtrip pa rin ako sa ipis.tsk..pinaka marumi silang creature ever!
-medyo may konting alam na ko sa paglangoy
-nagmature ako ngayong mga nakaraang buwan
-hindi pa rin kasama sa vocabulary ko ang havaianas,ipanema o crocs..(mahal,hindi praktikal at sunod sa uso--big NO!
-paminsan-minsan ay nasasagot ko pa rin ang mga magulang ko..(sorry na..)
-mahalaga sakin ang respeto..respeto sa sarili at respeto sa kapwa
-pantay-pantay pa rin ang tingin ko sa babae at lalaki.
-Sidney Sheldon loyalist pa rin ako
-Harry Potter fan
-matakaw at mahilig pa rin ako sa chocolate,ice cream at cake..hahaha
-parte pa rin ako ng asiawise..masaya akong nagtututor dun minsan. :)
-mukha akong mataray pero mabait ako.sobra!
-mukha akong matapang pero duwag din naman ako
-mukha akong malakas pero mahina rin ako
-medyo adik na ko sa facebook..haha
-natitipalok ako pag naka flat shoes..pero pag nakaheels ay hindi..ahha..as in never pa..haha
-madaldal nga pala ako...hahhaa

woosh..ano pa ba?
hay.saka na yung ibang bagay...as usual,wala akong makausap sa oras na to..haha

Monday, June 7, 2010

Sincerity

months or weeks from now things might change. we might become closer or we might even drift apart. we might meet other people who'll give us happier feelings than what we can give to each other. we might mess up and hate each other; or cuddle and fall in love everyday. day by day things will always be different and we can't fully anticipate what's going to happen next.

you have a life to live, dreams to fulfill, and love to search for. i too, have my own. you have a different experience of life and love; i also have a different story to share. we have different principles and beliefs in life. we are both beings purely different to one another but that doesn't mean that our worlds need to part ways. i can always find a way to make my world collide to your world and i hope that you too can find one.

i'm cherishing whatever friendship we have, though i'm not sure if we really are friends.hahaha..

thank you for crossing my path. thank you for trying to be yourself with me. thank you for all the emotions i have been experiencing since the day i met you. thank you for being one of the reasons why i continue living a life of hopes and dreams.

and if tomorrow will be the end of this great bond, i will not regret the times you made me happy. in spite of somethings i've heard that i will be just one of those girls who passed your way, i don't care and i won't mind. i see a good heart in you and that's what i'm going to hold on to.

---makesong makeso.hahaha.tsk.ang swerte mo.haha.good night! :)



----O diba?makeso tlga..haha..at he's damn lucky.hahaha

Wednesday, May 19, 2010

Shoo, Jealousy, Shoo!

Masakit, leche!

Bakit hindi na lang kaya kayong dalawa na lang ulit?

You'll make a good big brother to her sisters. They look comfortable with you. They like you. Actually, they love you.

So why can't you just pull yourself together, be a man and make her your girl again. And spare me with this nasty feelings.


Oh, I forgot. I love you.

Saturday, May 1, 2010

Mind Twist

I thought it would be the end of our story.

I ended it, anyway. No big deal, I guess.

Are you just being discreet with my friends?

I don't want to be hopeful. It might hurt me.

Did you do all those things just to show them that you're a nice person?

I don't want to be wishful. It might break me.



For some reasons, I know how you feel.

bothered
annoyed
scared
skeptical
unsure


waaah..nakakaloka ka..

you stared at me.
you offered us some bread.
you wiped the choco drink off my lips.
you called my name.
you smiled at me.


waaah..

tama na...baka maniwala talaga ulit ako.. :((