Hahaha! Si VP ay isang taong nakakapagpagaan ng lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Okay. Sayang. It was a missed opportunity. Eh di sana natupad na yung isa sa nasa bucket list ko na "to travel with someone special"
Hahaha! Geeez! Siya pa naman nang alok! SIYA at hindi AKO! *tumbling* Hahaha! Sayang, naman kasing medical yan, nadelayed tuloy pag-uwi ko. Yun na e! Nandun na! Pinaghintay ko na siya ng ilang oras...ssssh! Kaloka! Nasa harap ko na e, kaso ang dialog ko naman, "Sorry. Hindi ako makakasabay umuwi. Bukas na lang ako uuwi after medical."
Letsugas! Pffft. Hahaha!
Anyway, keribells! Kumakanta na ko ng Jai ho sa bus nang magtext siya, ayun, waley. Di naman natuloy. Pati siya nanghinayang. Solo flight tuloy. Hahaha.
Okay na yan. Sadyang hindi talaga kami meant for each other. Wahaha!
-------
Salamat na lang VP sa POSITVE VIBES na binigay mo. Thank you for ALWAYS being there to cheer me up. Thank you sa pagiging mas excited mo pa saakin dun sa interview. It means so much to me. Alam mo namang minsan eh aanga-anga ako. Buti na lang nandiyang ka para palakasin ang loob ko. Ayos ka talaga! Sana nakapasa ka rin sa interview mo. I know you will! Hahaha! Dapat lang para may libre akong kape sa Seattle's.
Pero...Sad. Kelan ka pa natuto manigarilyo, aber? Pagnakakawala ka talaga sa Naga...tssk..anyway. K lang yan, bahala ka sa baga mo! Hahaha!
No comments:
Post a Comment