Hindi ko alam.
Ewan. Siguro namamalikmata lang ako. Siguro grabe na talaga ang pag-iilusyon ko.
Pero tsong hindi! Nakita ko talaga ang mga mata mong nakangiti nang ika'y di sinasadyang mapatingin sa akin...o ako na sinasadyang tumingin sa'yo.
Kinilig ako. Parang gusto ko nang tumambling. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga mata mong ngumiti. Ngayon na sabi nila'y mukhang matamlay at wala ka sa kondisyon. Ewan ko ba.
Binuo ng ngiti mo ang araw ko. Pero, ewan. Pinagdududahan ko pa rin ang nakita ko.
Baka nga talaga sobra na ang pagkahibang ko sa'yo. Shet. Oo, may gelplend ka. K-ness. Ewan ko sayo. Bahala kayo. Basta, basta masaya ko ng makita ang mga mata mong nakangiti sa akin. wasoy lang.
Haaaay. Kitam, gwapo ka talaga kapag ganun. Kanina'y gusto na kitang yakapin, pero syempre tulad ng dati, BAWAL.
Hay, Four-leaf Clover.
Why do you still make my heart skip a beat? ^______^
Thank you! I hope everything's all G with you.
No comments:
Post a Comment