Sunday, September 11, 2011

My Ego is Big. I don't give a shhh.

Hay.
Totoo pa rin kaya na sa bawat pagbukas mo ng FB e kasabay nito ang pagbukas ng blog ko?

Makailang ulit kitang kinakalimutan ngunit heto't ikaw pa rin ang laman ng puso ko.
Oo, alam ko, hindi na ikaw ang taong dating nagpangiti sa mga mata ko, hindi na ikaw ang taong yumakap sakin nang mahigpit at hindi na rin ikaw ang taong tumawag sakin nang ika'y nalumbay. Marahil hindi pa rin sapat ang ginagawang paglimot dahil bakas pa sa mga mata ko ang pagsintang abot langit. Mahirap dahil ika'y nagbigay na ng puso sa iba habang ako heto pa rin at ikaw lamang ang gusto.

Makailang ulit ko bang kailangang kalimutan ka?

Ang mga ngiti mo sa Martes at Huwebes ng hapon ang tanging tala na nagbibigay liwanag sa mapanglaw kong panaginip. Ang boses mong madalang ko na lang marinig ang musikang saking mga tenga'y kumikiliti. Ngunit ang bawat paghawak ng kanyang kamay, ang bawat yakap, at bawat dampi ng iyong labi sa labi niya ay parang pana na tumatarak sa puso kong walang laban.

Giliw, tunay ba ang tuwang sakanya'y iyong nararamdaman?
Sa kanyang mga ngiti mo ba nasilayan ang sikat ng araw?
Siya ba ang tanging babaeng tatakbuhan mo sa mga mauulap na panahon?
Matitiis mo bang makipagpalitan lamang ng mga kuro-kuro sa kanya?
Alam ba niya kung bakit nagtagpo ang mga landas ninyo?
Parte ba siya ng mga pangarap at realidad mo?
o kabilang lamang siya sa mga bagay na may hangganan?



Wala na marahil akong mapapala sa pagbuhos ng tunay kong nararamdaman. Tuluyan na sigurong naglaho ang ikaw na minahal ko. Hindi na rin naman maibabalik ang dati nating pagsasama. Siguro ang tingin mo na lang sakin ay isang makulit na taga hanga na patuloy at paulit-ulit kang pipiliin. Wala ka nga sigurong kasalanan kumbakit hanggang ngayo'y mataas pa rin ang pagbibigay halaga ko sa'yo. Bahala na nga marahil ako.

-----------
Hindi ko binabawi,

...hindi ko pa nakikitang kumikislap ang mga mata mo sa tuwing kasama siya

er, and one thing more, kapag in a relationship na, talaga bang hindi na kelangang maging gwapo kasi wala ng papagwapuhan? er, contrary to that i think you should be glowing. you look stressed, dear.
TOOOOOO STRESSED and i'm not exaggerating.
you need a rest; you work too much.
don't be too hard on yourself, man!
you can die young if you want but not too young.
please, take care of your health.
wala akong pakialam kung mag-yosi jamming kayo ni gf mo,
basta, kahit papano alagaan mo ang sarili mo.

why do i care so much. fuck.

No comments: