Sunday, August 7, 2011

Of many small things.

Siguro ansarap i-adapt ng Expressionism movement. Parang ito 'yung pinkamagdedefine ng nararamdaman at naiisip ko ngayon. Distorted image. Unchained camera. Surreal background.

Thesis. I love doing it. Kahit komplikado pa sa komplikado e masaya ako sa thesis. Ang pag-ibig parang thesis kelangan mong i-defend ang proposal mo pati na rin ang final output mo. Kelangan one step at a time at hindi nagmamadali. Laging dumadaan sa mahabang proseso na ang involve e ikaw, ang subject, at ang panahong mapanghusga. Sabaw lang. Thesis lang. Sige, umibig ka lang.

Run for Dan. Gasgas na ang ideya ng Fun Run sa Naga. At makailang ulit na rin akong tumakbo para sa mga hindi ko maintindihang dahilan. Marahil isang rason e required ako bilang atleta. Oo, hilig ko rin naman ang kumaripas ng takbo kaya wala namang problema. Balik kay Dan, isa siyang dating mag-aaral ng Sci High. He was diagnosed with leukemia. Ang Fun Run ay isang paraan ng Sci High para matulungan siya. Sa mga oras na 'to, para sa akin, wala ng dadakila pa sa nangyari kanina kahit hindi ako nakatakbo. Hindi sayang ang perang ipinarehistro ko. Sana gumaling ka Dan. Hindi man tayo magkakilala e naniniwala akong kelangan ka pa ng bayan. Be strong lang parekoy.


------------
Golden Knights VS Greyhounds.

WARNING/BABALA: kung FAN/STALKER/ADMIRER/FRIEND/LOVER o kung may balak kang i-tsismis ang sasabihin ko, well, STAY OUT of my WONDERFUL BLOG.

Maraming natuwa sa pagkapanalo nilang 79-73. Nagbubunyi ang buong university, maliban saken. Hahaha. Pasintabi sa mga kaibigan kong Golden Knight. Ewan. Sadyang BITTER mode ako. Hindi ko alam kung bakit masyadong big deal pa ang pagkapanalo nila. Kung ikukumpara nila ang mga training, seminar, IGNATIAN formation, sponsorship, environment at ang kabuuan nila e milya ang lamang. I don't mean to offend the Greyhounds, I'm just making a point. Sa ganitong kondisyon malamang at dapat lang na kayo talaga ang manalo. Tipong, mahiya naman kayo kung hindi, di ba? Ewan ko. O so panalo na kayo. Now what? Alright, alright. Don't rub it in too much. Now, it's time to do your home work, boys.

moral of the bitterness: wag magpapaligaw sa basketball player, lalong lalala ang negative bias mo sa team nila.

Ako na ang bitter.


Oh well, still, CONGRATULATIONS!
Just don't let it get into your balls, I mean, your heads.

-------------

SOMEBODY: Vitamins ka dpt ta puyat ka pirmi bka magkahilang k kyan.

sinong may sabeng kelangan ng flowery words para kiligin ako? sa mga ganitong bagay ako natatats.hahahaha! ^______^

homigoodness, ngayon lang ako ulet KINILIG. hehehe. na-touch naman ako sa concern mo kahit anlayo,layo, layo mo saken. syeaaa. buti ka pa, nagrereply at may initiative na i-text ako. hihihi. nemen yen. hahaha. ngayon ko lang ulit naramdaman yung feeling na may concern saken, tipong nasesense ang aking weakness.yun o! KEEP IT UP! hahaha!

No comments: