Eto, ako pa rin ang babaeng baliw.
isang matapang na paglalahad kung sino at ano na ko ngayon.
>random<
-third year na sa kursong AB-Communication
-hilig ko pa rin ang sumulat at magbasa, from Bible to FHM(na matatagpuan ko lang sa mga parlors.haha) extremes..
-liniligawan ng ilang ka-department na maging presidente nila,oh noes!isa malaking responsibility yan..haha..baka di ko kaya..haha
-devoted table tennis player, team captain (di naman kelangan talaga ng label,sus)
-uunahin ang paglalaro kesa sa pag-aaral.hahaha
-DL,DL,DL,PL(tsamba lang yata 'to)
-iskolar pa rin ng mga kamag-anak ni fr.dolan
-isang bote ng gilbey's premium strength lang ang kaya kong inumin..lagpas dyan.gagapang na ko pauwi
-18 years ng wala pa ring boyfriend, seryoso.
-18 years ng hindi pa nakaranas ng bulaklak galing sa kung sinong kaangkan ni Adan..haha
-ilang beses nang nagmahal at nasakatan
-pangarap ko pa rin ang makapagpaaral ng kung sinong mapalad na bata dyan
-hindi ko alam kung gusto kong magturo sa ateneo pagkagraduate,pumuntang singapore para mag-aral,bumyahe ng australia papunta ki tita at dun maghanap ng trabaho,maging manunulat ng kung anong article o libro,maging isang researcher para makagawa ng sarili kong teorya sa communication,maging magaling na photographer o film maker, o di kaya'y mag-artista..hahaha..ano nga ba?
-yellow pa rin favorite color ko
-hinahanap ko pa rin ang sarili kong diyos(walang pakialamanan dito!)
-mahal na mahal ko pa rin sina mama,papa at shen.haha
-hindi ko pa rin ipagpapalit ang science high sa ateneo..ibang iba.malayong malayo..
-naka move on na ko kay six years!wohoo!(i-congrats nindo ko friends!haha,sa wakas)
-environmentalist pa rin ako.diwata ng kalikasan..haha
-makabayan pa rin hanggang ngayon
-maganda pa rin ako,tulad ng dati..hahaa..(kapal!)
-naniniwala pa rin ako na marami pa kong dapat matutunan sa buhay...
-si dick gordon nga pala binoto ko ng nakaraang halalan
-naging maingat na ko sa pagtitiwala sa mga tao,lalong lalo na sa mga lalaki..hahaha
-frustration ko pa rin ang pagkanta..hahaha
-turn off pa rin ang mga lalaking nag-aatempt manligaw gamit ang modernong paraan..hindi kagad ang sagot sa kanila.gwapo man o matalino.mayaman man o maabilidad.wala akong paki.hahaha
-may sapatos akong bilhin...hahaha..pinag-iipunan. :)
-first love ko ang table tennis.walang makakapalit sa pers lab kong yan.
-hindi po ako pusong lalaki.alam ko lang kung anong klase ng babae ang pwede mong tawaging "CHIX" "PRETTY" "MAGANDA" iba-iba yan para sakin
-badtrip pa rin ako sa ipis.tsk..pinaka marumi silang creature ever!
-medyo may konting alam na ko sa paglangoy
-nagmature ako ngayong mga nakaraang buwan
-hindi pa rin kasama sa vocabulary ko ang havaianas,ipanema o crocs..(mahal,hindi praktikal at sunod sa uso--big NO!
-paminsan-minsan ay nasasagot ko pa rin ang mga magulang ko..(sorry na..)
-mahalaga sakin ang respeto..respeto sa sarili at respeto sa kapwa
-pantay-pantay pa rin ang tingin ko sa babae at lalaki.
-Sidney Sheldon loyalist pa rin ako
-Harry Potter fan
-matakaw at mahilig pa rin ako sa chocolate,ice cream at cake..hahaha
-parte pa rin ako ng asiawise..masaya akong nagtututor dun minsan. :)
-mukha akong mataray pero mabait ako.sobra!
-mukha akong matapang pero duwag din naman ako
-mukha akong malakas pero mahina rin ako
-medyo adik na ko sa facebook..haha
-natitipalok ako pag naka flat shoes..pero pag nakaheels ay hindi..ahha..as in never pa..haha
-madaldal nga pala ako...hahhaa
woosh..ano pa ba?
hay.saka na yung ibang bagay...as usual,wala akong makausap sa oras na to..haha