----------
Excited na kong gumawa ng pelikula. Una e ngayong sem at ikalawa e next sem. Hindi ako 'yung tipong aspiring director. Hindi rin ako kasing kritikal humimay ng pelikula kung ihahalintulad sa mga bihasa. Isa lang akong hamak ng film enthusiast. Isang form ng art ang pelikula, visual art, at kahit hindi man ako makagawa ng sarili kong art, na-a-appreciate ko naman ang mga ito. I tried writing a screen play, pero epic fail ang mga naunang subok ko. Still, I'm willing to try it again. Wala namang masama. Sabi nga dun sa nabasa kong note, gawa lang nang gawa.
---------
Bothered ako sa team namin. Akala ko nasolusyunan na ang problema, e mukhang hindi pa pala. Hay. Ewan. Ang hirap lang. Nakakaloka kapag iniisip. Ewan. Hay, table tennis kong mahal.
---------
Napapadalas ang pagsasalubong ng landas namin ni Crush. Napapaisip tuloy ako kung minsan. Ano kaya kung hindi ko siya tinarayan at binara nang minsang makipag-chat siya sakin? Ano kaya kung hindi ko sa kanya pina-realize ang mga dapat gawin para sagutin siya ng girl friend niya? Hmmm. Malabo. Hindi ko na malalaman ang sagot. Okay lang sana kung ako lang may crush sa kanya, e kaso hindi, crush niya rin pala ako. Akalain mo yun? Parang high school lang. Haha. Erase. Erase. Erase. Masaya si crush at si gerplend nya, nuff said. :)
---------
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga taong may ATTITUDE PROBLEM. 'Yung tipong shet, ikaw kelangan mag-adjust para sa mga kaartehan at kadramahan nila sa buhay. Ano ka Hari ng Sining o Reyna ng Siyensya para maginarte?Ubod ng unfair. Hindi ba nila alam na dahil sa attitude problem nila e they hold power over people. Tipong, okay dahil mas rational ako sa kanya, ako iintindi, ako magpaparaya, ako ang hindi makikipag-away. Andaya nga e. Pagnakipagtalo ka sa kanila, lugi ka pa rin, dahil pumatol ka sa may problema, it goes to say na may problema ka rin. Anlabo.
Sabi raw sa psychology, e sila yung mga taong INSECURE at KULANG sa PAGMAMAHAL. Sus. Yung iba naman, sobra-sobra sa pagmamahal, minsan di sila sanay na nasasapawan ng iba. O ang iba naman, sadyang, nag-iianarte lang, ayaw magbago. Pakilawakan naman sana ang pag-iisip. Sana lumugar. Sana hindi mababaw. 'Yung iba naman, ayaw makarinig ng pintas sa sarili nila. On rare occasion may mga tao rin naman na pag tarantado ang tingin mo sa kanya, instead of proving otherwise e mas lalo kang tatarantaduhin. Hay.
Isama na natin diyan ang lahat ng taong mahilig magbitaw ng masasakit na salita gamit ang FB. Ewan. Akala ko pa naman mga sibilisadong tao na tayo. Yun pala, hindi. Minsan na rin akong guilty rito, pero kelangan magbago, para sa ikatatahimik ng mundo. Maling gawain kasi at masyadong insensitibo sa mga mambabasa. Bueno, sige nga, kung matapang kayo, i-wall-to-wall niyo! Have the balls! O kaya, i-tag niyo para malupet! Hahaha! Minsan nang may mabasa akong status na alam kong ako ang pinariringgan e nakinig naman ako. Hahaha. Pero buti na lang at hindi ako inabot ng kabaliwan. Muntik na kong mag-like at mag-comment. Trip lang ba. Harapan na!
Ewan. Tao nga naman, iba-ibang defense mechanism.
Teka, baka arogante at mayabang lang ako masyado?
------------
Attitude na rin naman ang pinag-uusapan, lulubusin ko na.
Para 'to sa lahat ng ATENISTA na nag-uumapaw ang DUGONG ATENISTA. Utang na loob, huwag masyadong pakabilib sa sarili. Wala akong pakialam kung mahilig ka uminom ng kape sa starbucks, pumarty magdamag sa club, at lumaklak ng alak sa mga inuman. Yuko ng konti katoto, baka kasi maumpog tayo. Hinay-hinay lang. ATENISTA KA LANG, HINDI IKAW ANG KONSEPTO NG DIYOS.
------------
Konsepto ng diyos...
Mahaba-habang diskurso 'to. Huwag muna ngayon.
------------
love does not cease in a blink of an eye...
No comments:
Post a Comment