Tuesday, July 12, 2011

Ikaw, ako at ang ating malalanding mga puso.

Genuine ba kamo o brutally honest lang? Eto basahin mo ang mga bagay na isang buwan nang naglalaro sa isip ko.

Kelangan ko ba silang pakinggan o kelangan na lang kitang obserbahan? Ano ba ang pagkakaiba kung parehong sagot din naman ang makukuha ko?

Nagbago ka na raw sabi nila. Lumandi? Mas lumandi? Ano bang tamang salita? Kung sino-sino na lang daw. Sabi ko sa kanila, nasaktan lang 'yun. Ganoon naman talaga di ba? Kapag ang tao nasasaktan e lumalandi. Kaso sabi ng kabilang parte ng utak ko, ang taong lumalandi dapat sinasaktan. Huwag na raw ako sa'yo kasi kung sakaling may puwang at halaga ako sa'yo e hindi ganito ang sinapit natin pareho. Sabi ko naman, baka kasi iba ang pagpapakita niya ng nararamdaman. Sino ba naman tayo para bigyan ng batas ang pagpapahayag? Malay naman natin, ganoon ang paraan niya para di niya ko masaktan. Gusto ko pa ring paniwalaan na kahit papaano e parte pa rin ako ng buhay mo. Ewan. Subukin mo kayang ako na lang landiin mo? Hahaha! Baka sakaling umubra at hindi ka na lumandi ng iba. Hay. Magulo. Kelan ba naging hindi?

Ewan. Hindi ko rin alam. Pero sigurado pa rin ako sa isang bagay. Naniniwala pa rin ako sa'yo at kahit papaano pakiramdam ko e kilala pa rin kita. Nagbago ka man sa paraang hindi ko maunawaan e okay lang. Hindi naman ako dapat apektado di ba? Cool lang dapat ako. Cool lang.

Nakakatuwa lang. Aries ka nga siguro talaga. Ugaling hindi maipinta, mga pagkakamaling hindi maamin sa iba at maikli mong pasensya. Tama ba? O sadyang arogante lang ako dahil ganyan ang tingin ko sa'yo.

Gustong-gusto na kitang kausapin. Gustong-gusto ko ng isigaw ang pangalan mo sa tuwing makikita kita. Gustong-gusto na kitang muling yakapin. Gustong-gusto ko ng tumitig sa'yo ng walang pag-aalinlangan. Sayang, mukha malabo po sa putik ang mga kagustuhan ko.

Nasasaktan ako kahit hindi na dapat. Masakit kahit mukhang OA na. Iniisip ko pa rin kung anong problema sakin at nakakalungkot kasi kahit sabihin mong wala, mukhang meron. Oo, hanggang ngayon hindi ko magawang kalimutan 'yung lecheng isang buwan na puno ng masasayang araw kasama ka. Hindi ko pa rin magawang walang maramdamg kahit kaunting lumbay sa bawat araw na malalaman kong lumalabas ka kasama ang iba. Siyet. Matuwa ka, marunong na ko magselos. Pero ano pang kwenta? WALA.

Ilang ulit ko na ring binalak humanap ng iba, pero sa tuwing makikita kitang nakangiti parang hindi ko na kelangan ng iba. Mahirap lumandi kapag ikaw lang ang gusto kong kausap. Ewan. Tinamaan lang. Hehehe. Bad trip kasi pakiramdam ko, nakakahiya na sa'yo. Para akong naghahabol sa wala. Para akong naghihintay ng ulan sa gitna ng desyerto. Mahiwaga. Takte. Hay.


Diskurso. Diskurso. Diskurso.


Salamat sa lahat.

No comments: