anyway, lunukan na ng pride. hindi ko kinaya na hindi magblog. pero pinipilit ko naman. minsan inaatake lang ng mga milyong kaisipan at walang mapagsidlan. yown.
-----
sunday?
wala. yung community outreach program orientation kong 8am ay naging 1pm dahil late na ko ng 30 minutes at strikto ang mga taga-CCD. okay lang. feeling ko eh hindi orientation ang napasukan ko. mukhang recollection yun! pambungad ba namang tanong eh, "Natagpuan mo na ba si Hesus?" o! ano! tibag ka no! syempre polite ako kaya ayun nagpaka-poker face na lang. kunwari walang narinig kahit paulit-ulit na itinatanong ng facilitator kung natagpuan na ba namin si Hesus. naisip ko na nang elementary pa ko, naniniwala ako na matatagpuan mo ang diyos sa lahat ng tao. hindi mo kelangan ng kung ano pa man. sapat na yung maramdaman mo na bawat isa sa nakakasalubong mo ay parte ng diyos. NOON yun. ngayon, ewan. siguro nahirapan akong paniwalaan at panghawakan na may diyos sa gitna ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko at ng pamilya ko. (ayoko ng ikwento ang detalyado nito, kasi yung nakwentuhan ko dati, si ate pixie, eh lumuha nang ishare ko sa kanya) wala.
ewan. siguro sadyang hindi lang talaga kanais-nais na sabihing god is good habang lubog ang mga paa ng nanay at tatay mo sa tubig dahil pinasok na ang maliit ninyong kwarto ng baha. hindi rin masayang paulit-ulit na sambiting a family that prays together, stays forever, lalo na kung maririnig mo ang mga magulang mong nag-aaway na dahil parehong na-s-stress kung pano itatawid ang high school na panganay at bunsong nasa elementarya. at oo, wala kasing tamis sanang banggitin ang god is love, pero hindi pa rin. lalo na kung musmos ka pa lang, alam mong mayabang ang kapatid ng tatay mo't kung makasumbat siya parang hindi niya kapatid ang sinasabihan. lalo na kung sa kalagitnaan ng paglalaro mo ng snakes sa 3310 na telepono eh mababasa mo ang text ng kapatid ng tatay mo mula pa sa london na puros masakit na salita lang ang laman.
walang diyos para sa isang panganay na nasaksihan kung pano na wala ang mga materyal na bagay sa kanya kasabay ang pagsakit ng ulo ng mga magulang niya. at nakakaloka rin na sasali ka sa isang beauty contest dahil na nangangailangan ka ng isang libo para makuha yung card mo para magbakasakali sa scholarship na ibibigay ng unibersidad na unang-una eh ayaw mong pasukan. wala ka ng pagpipilian dahil hindi inabot ng talino mo ang pangarap mong unibersidad ng pilipinas. at natanga ka na't nakalimutang marunong kang mag-table tennis at pwedeng maging player ng uste. sayang. nakakatakot yung mga huling araw mo sa high school, hindi dahil mawawalay ka sa mga kaibigan kundi dahil sa tanong kung makakatungtong ka kaya sa kolehiyo. walang masama sa ibang pamantasan pero mataas ka masyado mag-isip, ambisyosa at hindi basta-basta nakokontento sa anong pwede na. sa mga oras na yan, siguradong, napadasal nga ang babaeng 'to. takot sa buhay. mangmang sa trabaho. walang alam kundi mag-aral kahit hindi naman matalino.
pero ulitin man muli, sa tingin niya'y wala pa ring diyos.
naitanong sakin ni John kanina habang nag-gogoto kami nina Nico, kung atheist ba ko. atheist. isang mabigat na salita na may nakaatang na mabigat na responsibilidad. gusto kong maging atheist, pero parang hindi ko kaya. hahaha. hindi kapareho ng IQ ko ang IQ nina Nietzsche, Feuerbach, Hegel, Marx, James at kung sino pang pilosopo. ayoko rin namang gugulin ang oras ko sa walang sawang pagtanggi na walang diyos o kaya'y hindi natin kelangan ang ideya na may diyos. aminado ako, limitado tayong lahat. lecheng kamatayan kasi yan di ba? pero hindi pa rin, kasi kung nagawa mo lahat ng sa tingin mo'y masaya para sayo at nakabubuti para sa iba, eh di solb na. hindi mo kelangan ng eternal salvation o ng ideya ng kalangitan. ang punto ko eh, mahirap magpaka-atheist lalo na kung kelangan mong magpaka-excellent sa lahat ng ginagawa mo. pano na ang katamaran? haha... ewan. hindi ko na rin minsan alam. kung magiging atheist ka kasi dapat kayo mo ang sarili mo. dapat matatag ka. dapat grabe ang inner passion mo sa lahat ng makataong bagay. dapat kaya mong matagalan na sa oras na walang tao para tulungan ka eh huwag ka sa diyos tumakbo; tumakbo ka pabalik sa sarili mo. kaya ba yun ng marami? ang sagot ay HINDI. mahirap mag-isa. mahirap mapag-iwanan ng sangkatauhan. mahirap maghirap sa buhay. kung hindi stable ang emosyon mo, tiyak mababaliw ka. hindi ko nga alam kung bat kinakaya ko pa, eh andaling lumapit sa diyos (kung meron man) para humingi ng tawad at magbalik loob. ewan. mayabang lang siguro talaga ako. hindi ko itatangging nakakaloka mag-isip para sa sarili. minsan sinubukan kong ipasa-diyos ang mga bagay, at takte, oo, epektib siya pare! pero hindi pa rin, sabi ng nagpapaka-scientific kong utak, psychological epek lang yan. tama nga si pareng karl marx, opium of the people. oh di ba, nakaka-high.
paikot-ikot na naman ako. iniisip ko kung magkakapamilya ba ko, pano ko kaya ituturo sa mga magiging anak ko na pwede kang maging mabuti kahit hindi ka naniniwala sa diyos. kung relihiyoso ang asawa ko, mapapadali ang mga bagay, pero kung hindi, ROCK ON!
ewan. eto pa. dahil nga mayabang ako at blog ko 'to, masasabi kong mas makailang ulit akong mabuti kumpara sa maraming naniniwala sa diyos. SUS! nakakainis kasi dahil alam nilang makasalanan na nga sila (on their own context) pero ang kapal ng mga mukhang ibandera sa mundo na naniniwala sila sa relihiyon at diyos nila. aba, mahiya naman kayo. teka, sino ba naman kasing primitive man ang nagdeclare na may sacred? yan tuloy nagka-leche-leche lahat ng bagay sa mundo.
oh shit. pano na kung mamatay ako at may diyos pala? eh di, eternally na ko nitong nasa nagbabagang apoy. hahaha. anyway, saka ko na poproblemahin yan.
------
on seccond thought, baka nagatatampo lang ako sa diyos, siguro, dahil sabi nga kanina ni pareng Reuben, matapos ko siyang sunduin sa simbahan (how ironic), "malean, 1 month na lang valentines na, hanapan mo daw ko." and it hit me! hahaha!
so ikatlong valentines ko na to sa college. yung pers year, celebrated with the team, pumunta kaming iriga at nagkwentuhan, inuman at bilyar magdamag sa bahay nina ate pixie. yung second year naman, akalain mong nagsimba ako kasama sina, reuben, nikko at naxcz pero pagkatapos ay may sarili rin kaming misa sa the tent. na naging bunga nang pag-aaway nina naxcz at nagj, nakalimutan (haha) yatang magpaalam ni naxcz kay nagj na mag-iinuman session kami. anyway, ibang kwento yan. hahaha. third year, okay. so, may one month ako. for what? eh utang na loob, yung mga gwapings na lumalapit sakin ay lahat taken. waley yun. hahaha.
syet. pano kaya kung may manligaw sakin (ASA), tapos-tapos-tapos...ay, malandi teh? hahaha. masama ba mag day dream?
-----
*ibinubuhos ko na lahat ng kwento sa utak ko*
ispiking of ligawan. pano nga ba ligawan ang amasonang katulad ko.
hmm. pano nga ba? eh yung unang lalaking (si 17) pinayagan ko officially eh sumuko within 15 days. harsh ba ko? sabi nya nga habang nakaangkas akong motor niya eh, choosy ako. hahaha. choosy? pwede. dapat lang! hahaha! pero ang galing ng mga pinipili ko, simula college: yung isa, bigla na lang isang araw sabihan ba naman ako ng, "habo ko na..." K. yung sumunod, okay na sana, matalino, gwapo, talented, kaso PLAK! may gf ang kumag. ang haba ng hair ko dahil nakipagbreak sya kay girl na years naging sila.duh, on the rocks sila nung mga panahong yun, inosente ako.PERIOD.pero wrong. sabi ko naman sa kanya simula pa lang, wala kaming patutunguhan kaya i-enjoy mo na lang ang witty exchange of thoughts natin. at tama nga ko, ang galing. nag-nice exit naman siya saying, "hindi ko pa kaya magjump to another relationship..." to cut the long story short, SILA pa rin ni gf nya (na akala eh naging kami!what the!). ON and OFF sila. pero okay na rin. magtatalo lang kami nito sa religious matter. conserbatibo ang lolo mo.hehe..sunod...ahm..ayokong i-kwento, pero sige na nga, yung lalaking long hair, na short hair na ngayon. wala namang problema sa kanya maliban sa nakipagholding hands pa lang ako isang araw eh biglang right away nag dialogue syang "...dahil ikaw ang first girl friend ko ngayong college." okay. sorry na. nagpapanic talaga ako pagtinatawag akong girl friend at hindi mo pa ko girlfriend! DUH! anyway, yun, nasaktan ko siya. ayoko kasi ng nasasakal ako. utang na loob hindi na ko bata. at ayokong pinagpapalit ako ng mahabang palda dahil naka semi-mini skirt ako. nakaka-insulto bro! hehe. pero okay na kami. next? ayan si 17...kelangan ko pa bang ulitin na ipinagpalit niya ko sa mas matangkad at may kaputiang babae? ewan. haha. malabo ata ang mata. fine. kayo na ang in a relationship. er...sunod? si four-leaf clover na..so? haha..andami ko ng nabanggit tungkol sa kanya. tama na yun.
teka..mali na yata..ang tanong eh kung pano ako ligawan...okay back to that..
kung matapang ka at seryoso:
simple lang. maglakas loob kang pumunta samin at harapin ang magulang ko. pero pasintabi lang po, maliit lang tinitirahan ko. mahirap lang kami. at hindi ako tulad ng iba na mahilig magwelcome ng bisita. hahaha.
pag-okay na sa magulang ko o kahit kay mama na lang muna.hahahaha. GORA!
kung seryoso ka pero nahihiya:
kaibiganin mo ko. at utang na loob, wag yung obvious na may motibo. hahaha. anlakas kaya ng radar ko.
kung matalino ka, gwapo, at mabait:
tara! punta tayo kay mama. papakilala kita! JOKE! hahaha.. dahil matalino ka, ikaw mag-isip ng paraan! matalino ka naman siguro eh! hahahaha!
kung puro ka lang kagwapuhan, PERIOD:
sige, ganito na lang, crush na lang kita. okay na yan? pwede? hahahaha!
kung ikaw ay may linalanding iba:
tatawanan kita dahil magiging kayo at hindi tayo. hahaha.
kung ikaw ay may ex, nabasted, pinagpalit ng ka-MU mo sa dati nyang syota o kaya'y may dream girl na hindi maabot:
BETTER MAKE UP YOUR MIND!
kung ikaw ay taken, officially:
baka naman, kainuman ang kelangan mo? o kaya baka kelangan niyong pag-usapan ng gerlprend mo na hindi ka TOTALLY kontento sa namamagitan sa inyo. O kaya, baka na sa'yo ang problema. Sino ba talaga, ako o siya? Dude, bawal ang dalawa. Magastos makipagdate kapag dalawa gerlprend. Nakakalula ang mga petsa na kelangan mong tandaan. Baka madulas ka rin sa pangalang itatawag mo sa amin. At pinka-malaking problema ang COMMON FRIENDS. takte, dyan ka talaga mamamatay. so, BETTER MAKE UP YOUR MIND.
-----
mahaba na 'to. andami ko ng sinabi.
anyway, biglang gusto ko nagmagsummer at i-flaunt sa beach ang aking body. raawr.
hahaha.. tipong naka-two-piece. ewan ko ba. praning ako. hahaha. ay shoot. wala pala akong hinaharap. hahaha. what the! ano ba pinagsasasabi ko? hahaha!
i want to travel! pfft. kahit hindi na beach... basta somewhere na hindi masyadong familiar na place sakin. o kahit maghiking na lang sa isarog. i want stonehouse. pfft. mahal kasi. tska ampangit yata dung magsolo, dapat may ka-date.
----
ina-analyze ang sarili. KEWL.
- balik na naman sa usaping lalaki. alam ko na kung bakit ako choosy! ahhaha! yey! kasi dapat hindi total stranger ang pumuporma sakin. dapat may alam siya sakin dahil ayokong mag-explain ng buhay ko. kaya nga, nahumaling ako kay vp dati.bukod sa nakakatunaw niyang mata.hahaha. at saka, syet. tumitingin din pala talaga ako sa physical appearance. mga gwapings naman kahit papano yung mga lalaking na wrong ako no! bad.bad.bad.
- may pagkaselosa pala ako. PERO. laging tame. hahaha. nadidistinguish ko naman ang mga mga may sopmething na nabagay over fiction. tipong wag ka lang lumandi-back, okay lang. pero pag lumandi-back ka. hindi kita aawayin, iiwanan kita. er, tame ba yun? harsh ata. hahaha.
- language of love ko pala ang pag-TOUCH. not the uber one. yung tamang cuddle at mga surprise na yakap galing sa likod. panalo. cloud 9 feeling nun! pwede na ring isama ang mga walang warning na kiss. o di ba? hahaha! holding hands? hindi ko feel gawin pagnaglalakad, though, nagawa ko na, at masaya kapag siya sa iba, uncomfortable ang feeling. you know who you are. ^____^
- hindi ko talaga gusto ang idea na matawag na girlfriend. ewan. feeling ko nagiging possesion ako at saka parang nawawalan na ko ng freedom. tska parang nagiging ego-booster na lang ako ng lalaki. ang arte lang o!hahaha. o sadyang hindi lang talaga ako ready sa commitment? ay naalala ko, may nagtanong sakin DATI na friend ni four-leaf clover, kung magiging kami daw okay lang ba? er..something like that..bsta yung tipong kung magiging gf ako ni four-leaf clover..tapos sabi ko YES. hahaha what the! ano kayang iniisip ko nun? anyway, hindi na yun mangyayari. tsaka, andali naman ng lahat para sa kanya. dapat pinaghihirapan ako. hahahaha.. feeling chix. wahaha.
- hindi ako takot magfirst move. haha. ang kapal nga ng mukha ko kay vp. haha. pero kay vp nga lang yun! duh! the rest eh, sila na lumapit sakin. hahahaha! pero kung may na-establish namang bond na hindi ako ganon ka-mahiyain o ma-pride para magpakita ng sweetness. syet. keso. hahaha. e ano na naman? duh. in love tapos itatago, siguro tamang discreet pero girls can take the first move whenever they feel like it. tska, what if, di naman ganun ka-sweet yung lalaki eh maghihintay kayo ng poreber pareho nyan.
- para sakin ang sweetest gesture na gagawin ng babae para sa lalaki eh magluto para sa kanya. no matter how awful the taste will be. hahaha. bonus na lang pag sobrang sarap ng luto. at ang sweetest gesture naman eh yung mag-initiate yung lalaking makipag-inuman sa tatay ng babae. ewan.hahaha. parang ang cute tingnan. sa kaso ko, hindi umiinom si papa, so? sigarilyo session na lang? NO! hahaha! so sweetest gesture ng guy eh, ahmm.. ano nga ba? ahh, magastos pero kung resourceful at creative ang lalaki, pwedeng makatipid. ang sweetest eh, throwing a surprise party for the girl on an ordinary day. wala lang. trip lang. epektib siguro to sakin kasi ni minsan eh hindi ko pa naranasanag i-surprise kahit ng mga kaibigan ko.hahaha. drama? bwahahaha!
-----
tama na. andami ko pang gagawin.
CIAO! ^____^
No comments:
Post a Comment