Wednesday, January 19, 2011

Truth hurts. Reality bites, big time!

"Bakit ang lungkot mo ngayon? Hindi ka ba tine-text ng boyfriend mo?"

Naku naman Sir! First subject ko sa day 4 at yan pa ang tinanong mo. Hahaha. Ganun ba kahalata na malungkot ako? Ano ba yan. I should act better next time.

----

anyway,

thank you, MARC!

nahold-up yata kita. ano ba yan. nakakahiya. hehehe. salamat sa nyum-nyum na pancit at sa pagpayag na uminom ako ng isang bote ng tanduay ice. sabi mo hindi ako namumula! ang pula-pula kaya! pfft! geez. pero thank you! hayaan mo next time sasabihan kong magluto si papa ng dinuguan at dadalhan kita! salamat! namiss kita kausap.


thank you KUYA FELIX!

salamat sa biglaan nating pagkikita. soo happy, hindi nawawalan ng tao ang week na to. oo na, ako na ang nakainom. ako na ang media studies. hahaha!


thank you KEVIN!

buti naman at hindi ka pumipitik. hahaha. joke lang. im glad at nakita ulit kita ngayong week. at least, kanina hindi mo ko nakitang palaboy-laboy sa centrow. hahaha. salamat sa jacket, malamig nga. at oo, ako na ang magulo! at kahit hindi ko kwinento ang dahilan ng pag-inom ko, salamat pa rin. pero bad ka! pfft. ansakit naman yata nung pambungad mong sinabi na, "wag ka na dun. hindi ka nun mahal." wala naman akong kwinentong kung ano pero natumbok mo! hahaha. alam ko naman, pero hahaha.. oo, ako na ang masyadong mabait. pfft.

-----

whew! akala ko ikamamatay ko na ang day 4. buti na lang at mabait sakin ang pagkakataon at nakita ko pa ang tatlong lalaking to. at least, im not alone.

yeah, i must say that things are never easy for me. tulad kanina, nakikita mo sya, kahit malapit na malapit lang, gusto mong yakapin pero hindi mo naman magawa. kahit hi o hello, cannot be. ang SAKLAP. pero ganun na nga siguro talaga. sabi nga ng walang kamuwang-muwang na si kevin, "hindi ka nun mahal."

pero bumanat naman si kuya felix ng, "mukha kang bothered. kausapin mo na kaya, kung sino man yan. ikaw na ang lumapit."


hmm, this time pwede bang mag-inarte at hayaang siya ang lumapit kung may balak man siyang lumapit. haay. :(

No comments: