Friday, January 21, 2011

It kills me as I lay awake at night, remembering the last kiss that we shared doesn't feel right. Is it impossible for me to win this fight?

*Kina Grannis' Stay Just a Little

-----
DAY 6!

Yes! Bitter na ako. Nasa stage na ko ng bitterness. Pffft.

Oo, kayo na. Kayo na. Sige mag-i-love-you-han kayo ng bongga.
Ako na, ako na ang left behind. Ako na ang hindi chosen one. Ako na. FINE.
Bwisit na fb, ang ganda maglabas ng news feed. Nananadya lang eh.
Dati nung sina 17 tska girlfriend nya, ngayon naman si four-leaf clover and lady love nya.
Takteng life. Darn it!

Nakaka-bitter talaga. Pffft. Hahaha.

Kanina pa naman, play ng play sa utak ko yung mga first days na ka-kwentuhan ka. Yung mga araw na ako yung tinetext mo. Ako yung hinahanap mo. Yung mga araw na hindi ka pa niya naiisip kausapin.Haha. Hay, buhay. But that was yesterday. Pfft. Sige, puros memories na lang, mga bagay na dapat ibinabaon na sa limot.

Minsan ganyan talaga. Lilipas din naman lahat ng 'to. Lahat ng sakit, pangungulila at pagmamahal. Ganyan talaga kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Wala kang ibang magagawa kundi sumuko at maghintay na maghilom ang sugat na iniwan niya sayo.

Whew! What am I saying?

------*dahil grabeng kalungkutan ang nararamdaman ko, buhok na naman ang napagbuhusan*

No comments: