Sunday, January 16, 2011

Pensive mode.

magdamag gising. hay. ewan.

-----

Kuya Sharky: I was just waiting for him to stand up, to step up. Nakakainis, hindi niya ginagawa. Kanina pa. Chances. Opportunities.
Ako: *speechless*
Kuya Sharky: Sana lang.
Ako: Asa pa ako. :|

-----

Kuya Sharky: Gusto mo talaga siya no?
Ako: ^______^ *doing silly face movements*
Kuya Sharky: Hahaha! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Para kang anime!
Ako: ^______^
Kuya Sharky: Oo na. Gusto mo nga siya.

-----

I was drunk last night. Thanks for that 2 bottles of Tanduay Ice. Hahaha. Basag. Okay so far, naalala ko pa naman lahat ng sinabi at ginawa ko kagabi.

Thank you Kuya Sharky for the coffee turned into liquor. Hahaha. I would never thought I'd be drinking in front of you. Yeah. Lume-level up na ang ating kapehan session, inuman na.

Ahm, so more than 5 times ko binanggit ang putang ina, more than 10 times ang gago at shit, makailang ulit din na fuck at namura ko rin si Kuya Sharky ng ilang ulit. Sorry for that. I know you understand me. Hehehe. Geez. Ilang beses ko ring tinanong sa kanya kung mukha na kong tanga. Sabi naman niya hindi naman, medyo malakas nga lang ang boses ko.

Sorry din at bigla kitang na-hold up.

Thank you nga pala for tolerating all my crap. Thank you for the undying friendship. Geeez. Kahit may nagtatanong kung tayo ba ay may something, naku, malamang wala. Hahaha. Sabi mo nga, "two intellectual and prideful individuals...NAH" at kahit maraming nabibigla sa underground friendship natin, THANK YOU for the time you waste just to listen to all my rants. *bows*

So there, mukhang break muna kami sa intellectual conversations. Na-sesense nya namang wala ako sa mood for those things. Hahaha. Ano nga ba? Eh di as usual, linatag ko sa kanya ang medyo tangled ko ng sitwasyon. Sabi nya hindi niya naman daw ako kelangang payuhan kasi alam ko naman kung ano ang dapat gawin, big girl na raw kasi ako. Pero yun ng lumalim ang aming conversation medyo na carried away ako ng alak at bigla na lang lumuluha at tumatawa at the same time. Nang matapos ang kwento ko ayun, tinanong nya ko ng walang kamatayang, "So, ano plano mo?" at tulad ng dati ang sagot ko ay, "Wala. Hindi ko alam pero masaya ako."

Mahirap daw ang sitwasyon. Wala akong pinanghahawakan kundi ang nararamdaman ko. Kaya ko raw ba ipaglaban 'to?

Medyo nag-iba ang ihip ng hangin dahil yung dating be-the-most-rational-creature-on-earth na advice ay naglaho. He advised me to do something crazy and stupid.
Magbakasakali, subukan at tanggalin lahat ng takot sa mga what ifs ng buhay.
Ituloy ko lang daw pero alamin kung hanggang saan ang limit. Tipong, HOW FAR? WHAT THEN? WHY SO? WHO NOW? WHEN WILL? Ewan. Masakit sa tenga marinig ang mga sagot sa tanong na yan. Haay.


Sabi ko sa kanya, sabi nga ng paboritong tula namin na sinulat ni Jose Corazon de Jesus, "Pag-umibig, pati hukay aariin mong langit!" At yun paulit-ulit kong inemphasized sa kanyang, "putang ina, inaari ko ng langit ang hukay na 'to, cloud nine."

Wala, ayun tinuloy-tuloy niya ang pagpapayo sa kin ng mga kabaliwan. Mas masaya raw minsan kapag hindi ka nag-iisip. Tama nga naman. He told me to do something na ONE-TIME-BIG-TIME at huwag ko raw sayangin yung 2 bote ng alak na pilit kong ininom. Gawin ko na daw yung mga pang-telenovela scences. Okay lang naman daw magpaka-praning.
Lundagin mo, baby!


Sa palagay ko naman, nagawa ko kagabi ang one-time-big-time na 'yun. Linundag ko yung matarik na bangin, baby! Inalis ko yung lahat ng metaphors at pinakawalan yung tatlong makapangyarihang mga salita. Pero, mukhang ewan. Mukha akong ewan. Leche. Wala. It won't matter. Things would still be the same. Hay, pakiramdam ko, pinahiya ko lang sarili ko. Ewan. Hindi epektib.

I did my part.


Will there be a positive response?
I do not know.

----
Lumundag ka rin kaya?

No comments: