Sunday, January 30, 2011

Hindi ko mabuo-buo ang puzzle dahil ikaw ang missing piece.

^_____^

Self-talk.

Plano mo bang poreber magtext sa taong ang reply sayo eh malamig pa sa yelo?

Ewan. Siguro. Hanggang sa matunaw yung yelo.

Paano yung ibang naghihintay sa'yo?

Wala namang naghihintay sakin.

O sige. Paano kung may lumapit at magpaalam na ikaw naman ang hihintayin?

Depende. Depende sa haba ng pasensya niya, sa talas ng utak niya at sa buti ng puso niya.

Bukas ka naman palang magmahal ulit o bakit pilit ka pa ring nagsusumiksik sa taong yun?

Kasi alam kong siya yung makakapagpasaya sakin.

Ikinakahon mo kasi ang kaligayahan mo. Sabi mo nga hindi siya ang center ng solar system, ano ng nangyari?

Hindi naman. Kelangan lang talagang lubusin kung anong pagmamahal ang meron ako para sa kanya.

Bakit nga? Tumigil ka na kaya?

Para wala akong pagsisihan. Para kung dumating man yung oras na bibitiw na ko, masasabi kong kahit papano ginawa ko ang dapat kong gawin.

Kelan ka titigil?

Paghindi na ko masaya sa ginagawa ko. Titigil ako.

Masaya kang ang reply sa'yo eh yung epic na "K."?

Hindi.

Hindi naman pala eh.

Masaya ako sa ginagawa ko pero sa reply nya hindi. Hahaha. Kuha mo?

Naku, kung umasta ka parang naging kayo. Hahaha. Gaga!

Kelan pa naging requirement ang maging "kayo" bago ka magmahal ng totoo? Syet. Mekeso na tuloy.

Baliw ka. Tama na yan. Ang drama mo na. Hayaan mo, kakausapin ka rin niya. Namimiss ka rin naman nun. Hayaan mong mapag-isa muna siya. Darating din yung oras na magiging magkaibigan ulit kayo. Ayaw niya lang sigurong lumala ang sitwasyon. Ayaw niyang makasakit pa lalo. Ayaw niyang magmukha komplikado ang mga bagay-bagay. Hindi ka man niya mahal, mahalaga ka pa rin sa kanya kahit papano. Kahit hindi ito ang pinakamainam na paraan para maayos ang lahat, siguro eto yung sa tingin niyang tama.

Bull shit naman. Bumenta na yang ganyang bagay. Bahala siya. Basta ako, nandito lang, hanggang kaya ko pa. ^____^

No comments: