Sad na naman dito sa bahay.
Eeee. Bat kasi ganitow? Syet. Wohoo. Inhale-exhale. Keri lang. Gora lang! Kaya natin 'to!
Pagdating ko, nag-uusap sina papa at mama.
Ako: *all smiles* ^_____^ Hello there! (kiss kay papa at mama)
Papa: Ang aga mo ah...
Mama: Kumain ka na?
Ako: Lalabas ulit ako. Dumating na si Maria Sheena?
Mama: Wala pa. Mamaya pa yun.
*lumabas si papa*
Mama: Lean...
Ako: Ow! Huwaaay?
Mama: San na tayo Lean sa April?
Ako: *speechless*
Mama: Wala pa rin kasi kaming nahahanap ni papa mo na lilipatan natin.
Ako: Malawak naman ang plaza ma. Magpalaboy-laboy muna tayo dun! (trying to sound cool)
Mama: Gaga! Plaza ka dyan! Tapos ibebenta kita? Gusto mo?
Ako: Nagjojoke lang naman. Makakahanap din tayo nyan.
Mama: San mo gustong lumipat?
Ako: Sa ParaƱaque. Balik tayong Manila? JOOOKKKE!
Mama: Gaga! O tapos ano, titigil kang mag-aral? Papalipatin mong high school si Shen?
Ako: *speechless*
Mama: Hay. Ang sakit sa ulo, Maria Eleanor. Ang lapit na ng April.
Letsugas. Hindi ko na rin naman alam ang dapat gawin. Hay. Iniisip kong huwag ng umattend ng PMC pero sabi ni Papa, sige lang daw. Sabi ko kay Mama, okay lang naman kung dito na lang ako mag-iinternship sabi naman niya, wala akong mapapala dito. Kelangan ko rin naman daw matutong mag-isa sa malayo. (Mag-isa ba yung, anytime pwede akong tumawag sa kahit sinong pinsan ko para humingi ng tulong kung kelangan?) Hay. Bawal din namang tumigil ako sa pag-aaral. Duh. Scholar naman ako. At walang maidudulot na maganda kung titigil ako. Tsaka konting tiis na lang naman gagraduate na rin naman ako. Hay.
Mauudlot lahat ng personal na plano ko sa buhay. Kelangan munang unahin sina papa, mama, at shen.
Ang hirap maging panganay lalo na kung dukha lang kayo. Syet.
----
naiiyak na ko. ika-5 na tong restart. potek. naku maria sheena! pfft. lecheng flashdrive yan. potek. may gagawin pa naman ako.
when it rains it pours. pero binabagyo na ko.
my world is falling apart
No comments:
Post a Comment