Weeee! I'm sooo DONE!
Una akala ko eh magkakaroon ako ng unlimited session ng pagmumura, na OA naman kung iisipin. Buti na lang, buti na lang at inspired ako buong araw. Hindi ko kinaya gawin yung dream painting ko na lighthouse. Hindi pa kami meant to be, siguro kelangan ko pa ng ilang kanbas bago ko maipinta yang lighthouse na yan. Sabi ng teacher namin maghanap daw sa magazine ng gagayahan, eh sa wala akong kaya dun ipinta dahil hindi ko alam kung paano nila pinaggagagawa yun, youtube ako tumakbo. Voila! May tutorial sa oil painting, o di ba? PANALO! Salamat kay Michael Thompson, kung wala ang instructional video mo, WALEY ang project ko sa Humanities.
Nakakatuwa dahil para akong bata kung mapinta, andumi-dumi-dumi. Buti na lang kahit papano hindi naman pala halata, sana. Hahaha.
Salamat nga pala dun sa nag-aabang ng painting na to. Hahaha. Hindi ko alam kung tulog ka na o sadyang praning lang ang fb kaya, hindi ko alam. Ano daw? Ewan. Ang gulo ko na magsulat. Tama ngang dapat inspired pagnagtatrabaho. Thank you sa pakikipagsabayan sa puyatan.
Teka, ako talaga, punong-puno na ng hiwaga sa'yo. Hindi naman sa minamasama ko ang palitan natin ng kuro-kuro pero ewan, pakiramdam ko masyado kang natutuwa sakin. Sabi mo namimili ka lang ng tao tapos ewan. Basta. Hala. Masama na yan. Hehehe. Biro lang! Feelingera lang ako. Joke lang! Peace! :)) Natutuwa rin kasi ako sayo, kaya lang, sadyang mukhang hindi pwede. Dapat controlled lang. Hihihi.
ANYWAY, heto na ang aking million-dollar painting.
No comments:
Post a Comment