Pfft. Hindi pa rin maka-get over sa nakita kagabi. Heck. Eh ano na naman sa akin di ba? Hahaha. Parang tanga lang eh. Nakakaloka.
Hay. Waley. Sayang na yung Legazpi trip sana. Pfft. Desidido pa naman ako, pero mukhang waley talaga. Hahaha. Details. Details.
I hate remembering all those details! Jerk!
Bat kasi nauso ang flashback? Hayan tuloy, punong-puno ngayon ang isip ko. Leche. Hindi na ko natutuwa. Wala. Wala. Badtrip. Hindi na. Di bale na lang. Porke mahal kita. Hahaha. Sows. Sino ba kasing nagsabing mahalin kita di ba? Eh sabi mo nga, asshole ka. So dapat, tigilan ko na talaga 'to.
Ewan. Pakiramdam ko hindi naman pala talaga kita kilala. Nag-aassume lang talaga ako dati. Sadyang feelingera lang ako nung mga oras na tuwang tuwa tayo sa isa't isa. Sadyang ewan, hindi ko alam. Tsamba lang siguro yung mga pagbasa ko sa iniisip mo. Baka hindi ko naman talaga na-a-appreciate yang mga pinaggagagawa mong art works. Baka hindi naman talaga para sa'yo yung pangalang Four-leaf Clover. Baka para yun sa iba.
-------
Oo na. Namimiss talaga kita. Kaso anong gusto mong gawin ko? Araw-araw mag-i miss you sa'yo kahit parang tanga akong nagbabasa ng reply mong mukhang hindi naman natuwa sa sinabi ko.
Hay, ewan. basta.
Sige, salamat na lang sa lahat. Good luck sa bago. Keri lang, just stay happy, okay na ko niyan kahit kanina pa ko naglilitanya dito. Basta masaya ka, ayos na. :]
No comments:
Post a Comment