Got a bottle of tanduay ice last night. Namula na naman ako ng bongga kahit kalahati palang ang nauubos ko. Hahaha. Oh yeah.
Anyway, mahal na mahal ko kayo. NAXCZ. CHING. NIKKO. JOLS. KC. KHRIS. REUBEN.
Pero. Geeez. May nakita akong profile pic niya, er, ni four-leaf clover...so just let me express my fucking admiration to him. ^_____^
He really cleans up pretty well! Wooot Woot! Yeah, I'm falling. Hahaha! Wala naman, ang swerte lang ng kung sino man ang nasa puso nun ngayon. Geeez. Sabi na, sabi na, una ko palang siyang nakita nung pers year, gwapings talaga. Hahaha! Revelation? Natutuwa lang ako. Tuwang-tuwa.
speaking of gwapings at katuwaan...
-------
Napagkwentuhan na naman namin ang standards ng mga estudyante ng sci high.
Si pareng Reuben at Nikko eh halos ilatag samin lahat ng qualifications of a good girlfriend so I think ako rin.
ang title:
My Decent Boyfriend.
Matalino. Oo. MATALINO. Ganito, yung tipong hindi tatanga-tanga sa tuwing magkwekwento ka ng something out of this planet na topic. Hindi kelangan na laging may argument, basta, hindi lang aanga-anga. IQ level: average-above average
May face value (sabi nga ni Naxcz). Kelangan yun. Yun yung unang tinitingnan. Babae man o lalaki yan ang unang napapansin. Tipong ang pinaka-close to ideal ko eh yung, ob corz, si VP. Tall, dark and handsome. Yung may mga matang mala-jolen kung makatitig at ngiting sadyang nakakatunaw. Eeee. Pero, medyo wa-epek sakin ngayon ang kagwapuhan niya. Hahaha.
May body value. Utang na loob naman baka mas malaki pa katawan ko. Huwag naman. Anyway, lahat naman pala ng dumaan eh may body value at mga nagsusumigaw na maskels. Ang galing ko talaga. Tumambay na lang kaya ako sa gym? Joke. Hahaha.
Walang bisyo. READ: BISYO. Fail ako dito. Ewan. Tama nga si Nix. Nasa tao ang mali sa pagbibisyo. Hindi nakakaadik ang yosi at ito'y napipigilan. Iniisip ko na tuloy mag-try kaso baka magalit sakin baga ko at biglang bumalik ang kahinaan niya, on second thought, wag na lang. Pero yan, hindi naman lahat ng may bisyo ay masama. Tatay ko nga todo manigarilyo pero super KEWWL pa rin. (sadyang ipinipilit...haha) ^____^
Hindi ANTI-SOCIAL pero hindi PARTY ANIMAL. Basic rule, kelangan kaya niyang makisalamuha sa mga super friends ko. Unang-una sa Xing&Co., ikalawa, sa mga kaklase kong uber sa ingay, at ikatlo sa mga team mates ko. Para masaya. ^____^
Sporty. At least eh game makipag-jogging sakin. Yun lang naman kelangan ko. Tsaka syempre, yung marunong humawak ng table tennis racket. Hahaha.
and many other qualifications. tinatamad na ko. ibang bagay na muna gagawin ko.
-------
ulet:
ang gwapo, gwapo, gwapo talaga ni four-leaf clover dun. eeee. hahaha. adik much? ewan, sadyang ma-appeal. yeah. may bago na kong fave pic nya. ^____^
at oo, LILIPAS DIN 'TO. geez. di ako maka-get over. ladies will surely drool over you. lucky one who have your heart.
ciao. ^___^
No comments:
Post a Comment