Thursday, February 3, 2011

consider film acting as a possible career... you're very pretty in photos :)

ninakaw kong picture sa fb. kuha nung magpunta sya dito.
(mukhang stalker lang ang kumuha eh.haha.joke!)


- sabi lang naman sakin yan ng batikang direktor ng TRIBU at HAPPYLAND na si Jim Libiran. whew! o di ba? nakakalaki ng mata kapag nakabasa ka sa inbox sa fb ng ganyan. kung sa ordinaryong kaibigan, okay lang. tipong tamang compliment. pero dahil sa kanya galing, siyet, baka nga talaga maganda ako. hahaha. sshhh. quiet lang. hihihi.

hayaan niyo na ko, minsan lang may maka-appreciate sa kagandahan ko. weeee. soo happy. nakakataba ng puso kahit hindi naman talaga ako sigurado kung may aabutin ba ako kung sakaling sumubok ako sa film acting. oha! oha!

-------
anyway, may realization na naman ako. hahaha. nakakatuwa na nakakahiya.

Nagpi-freak out pala ako MINSAN kapag may nang-aalok sakin lumabas. Kahit friendly date lang, feeling ko itatali na ko't hindi na makakaalpas pa. Hahaha. Ano ba 'yan! Bakit kaya? Hahaha. Arg, right this very moment eh nagpi-freak out ang lahat ng nerves ko sa katawan. Weee. Nakakahiya. Ewan. Bigla akong inaabutan ng hiya.

Eeeee. ano ba yan. inhale-exhale. inhale-exhale.

Nasan kasi yung lalaking dapat nag-aalok sakin lumabas? NASAAN? antagal naman! hahaha.


-------

okay. nagka-ngitian kami kanina ni four-leaf clover. (feeling ko naman parang pag-uusap of a lifetime na yun.)haha. para akong tanga kung makangiti. nagpipigil humalakhak sa mga ginagawa niyang panglamlambing at pangugulit sa ilang kaibigan. hahaha. ewan. hahaha. try niyong magwalk out ng nakangiti tiyak magmumukha kayong tanga. pero masaya. ewan. hahaha.

patay. namimiss ko na naman siya. ang saklap naman o.

No comments: