Friday, February 4, 2011

Parang chant, kelangan paulit-ulit, paulit-ulit-ulit-ulit.

Dapat wala akong pakialam.
Pfft.
Buti na lang pinigilan ako ni Chan magkape mag-isa sa paborito kong lugar.
Buti na lang naisipan nilang lahat mag-SM at sumama ako.
Buti na lang naubos yung pera kong pangkape sa Shakey's.

Pero wrong! na-wrong kami ng pinuntahan ni John. WRONG na WRONG.

Pfft.

Okay. Una, tawang-tawa ako sa nangyayari. Para akong bata kung kumain ng ice cream. Pero nang mapansin kong hindi nakakatuwa ang napuntahan kong sitwasyon, takte, nag-init ang mahaba kong bangs. Pfft. Oo, dapat wala akong pakialam. Dapat wala akong sinasabi ngayon, pero takte naman bakit kasi ganun? Nakaka-bitter tuloy. Kagabi lang, feel na feel ko pa namang maganda ako, pero ngayon, shet. maputi na naman. Ano ba kayo? Ano bang problema niyo? Nagkakataon lang ba? O talagang gusto akong sampalin ng mga pangyayari. Pfft. Takteng mga mapuputing babae yan oo. Pasensya na, hindi ko kasi hilig mag-ayos ng sarili. Hay.

Sa susunod huwag ka masyadong tumingin sakin dahil nakatingin sayo yung kausap mong maputing nilalang at mukha siyang nag-wa-wonder. Bahala kayo.

Buti na lang talaga at hindi ako natuloy magkape ng mag-isa. Buti na lang...

Madali lang naman kasi ang solusyon. Get over him. Stop thinking that whatever you had will come back to life. Arg. Hay, buhay.

For the second time he had he's choice and again, it wasn't me.


So, inhale-exhale.
Duh. It's not the end of the world, Mal.

-------

PARTEEEEY! PARTEEEEY!

No comments: