Ewan. Praning lang talaga ako.
Nasasaktan pa rin ako kahit wala ka namang sinasadyang gawin para masaktan ako.
Nakakainis. Siguro nga, kelangan ko talagang magalit sayo ng todo para hindi na kita pinapansin ng ganito. Siyet. Dyahe naman o.
Kelangan yata kitang itulad sa ibang lalaki para makalimutan kita. Kasi habang ganito na pilit kong sinusubukang ibalik yung pagkakaibigan natin lalo lang kitang minamahal. Siyet, ang keso. Paki mo?
Lintik na buhay 'to. Ang hirap namang magalit sayo, trying hard na nga ako, wala pa rin. Leche flan. Eh sa ikaw nagpapaganda ng Lunes at Miyerkules na tanghali ko. Kapag nagrereply ka, pakiramdam ko, sulit yung pagload ko. At sa tuwing nakakasalubong kita, nakokumpleto na ang araw ko. Hay. Peste kasi. Pesteng puso. Kinikilabutan na ko sa mga pinagsasasabi ko pero yun kasi nararamdaman ko.
Bakit kasi..grrr. Ano ba naman kasi nakita ko sayo? Alam ko naman na may ex ka dating kahit halos isigaw mong hindi mo babalikan eh wala, binalikan mo rin. Ngayon break kayo, ewan ko lang, siguro miss mo na rin yun. Eeeee. Takteng buhay ko 'to!
Ako kaya, hindi man lamang ba ko sumasagi sa isip mo? Hindi mo man lang ba ko namimiss kasi yung mga reply mo sakin para kang nakikipag-usap sa ngayon mo palang nakilala. Ganun ba talaga yun?
Hay.
Kunwari na lang galit na galit na ko sayo. Bakit ba kasi pakiramdam ko hindi ka katulad ng ibang lalaki? Duh. Bakit ba siguradong-sigurado ako na isa kang nilalang na punong-puno ng buhay, tuwa at pag-ibig. Ewan.
Miss na miss na kita, walang biro. :[
No comments:
Post a Comment