Wednesday, February 2, 2011

Information overload.

Nakakataas ng antas ng libog sa imahinasyon ang mga speakers ng Bicol conference. Mahuhusay silang magsalita at alam talaga nila kung ano man ang mga binibitiwan nila. Nakakalungkot lang isipin na maraming tao sa department ang hindi pa rin magawang pahalagahan ang okasyong ito. Sayang. Nakakapanlumo. Paano pa kaya namin babaguhin ang mainstream, sinungaling at corrupt na media kung ngayon pa lamang ay hindi na buo ang pakikiisa ng mga estudyante sa mga bagay na tulad nito. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maitulong. Siguro wala rin akong magagawa. Baka matulad na lang ako sa pagkarami-raming Atenistang ang alam lang ay magreflect o kaya magsulat ng mga artikulong hindi nagbibigay ng konkretong aksyon. Puros utak, puros salita, nakakabinging reklamo ngunit heto't paikot-ikot pa rin sa ganitong uri ng mundo at walang ginagawa. Napaisip ako ng magtanong si direk Jim Libran kung sino ba raw sa amin ang gustong pumasok sa industriya ng pelikula. Hindi ko itinaas ang aking kamay dahil alam kong may pagdududa akong nararamdaman. Siguro hindi para sa akin ang pelikula, siguro sa ibang larangan ako maaring sumabak at makatulong. Ngunit sa puntong iyon, hindi naman mahalaga kung malakas ang libog mo sa pelikula o hindi. Ang importante lang sana eh yung kahit sa unang baitang makaabot ka. Kahit sa unang antas masubukan mo, mapakinggan mo kung ano ba ang tunay sa mga kathang-isip na kadalasan mong nakikita.


Ewan. Para akong lasing kung makapagsalita. Epekto lang siguro 'to ng pinagsamang naglulumiyab na pagnanais kong gumawa ng isang makabuluhang bagay at ang mga maaangas pero intelihenteng mga speakers namin ng tatlong araw. Kung may taong pwede kong sabihan ng tigas (na mas kilala sa salitang, ASTIG) eh walang iba kundi ang mga speakers na sina Tolentino, Yapan, Libiran, Gracio, Valiente at Santos. Hindi naman lahat sila ay heterong lalaki pero sila yung mga may bayag para ikwento at pahalagahan ang kultura ng bansang kanilang kinabibilangan.

Mabuhay kayo mga ginoo! Bakit kaya wala man lamang galing sa lahi ni Eba? Tssk. Knock-knock para sa mga femista, mukhang dapat na tayo naman ang sumubok magkwento sa masang Filipino.

-------

sabi nga ng tag line sa ACTIVE VISTA, "true revolution begins in the imagination."

-------

isang tanong lang kailangan kong sagutin, how far am i willing to go? how much am i willing to give?

sana masagot ko na agad ang tanong na yan. ay basta..basta.

I'm gonna make history. Panghahawakan ko yung, "Well-behaved woman RARELY makes HISTORY."

-------

-pero sana, inspired na lang muna ako magpinta dba? hahaha. takteng kanbas yan. heto puti pa rin naman siya. walang ibang kulay ang nakalapat kundi ang malinis na puti. ewan. bahala na.

No comments: