----at dahil nalalapit na ang araw ng mga puso eto ang isang post.hihi. hindi ako bitter. actually, na-e-excite ako sa 14 kahit wala NA NAMAN akong matatanggap na kung ano.hahaha. natutuwa lang akong makakita ng mga lovers.hihihi.. gusto ko sana makatanggap ng single red rose, ang tanong san manggagaling. hahaha. ay basta. :)
MALIGAYANG ARAW ng mga PUSO! ^____^
Valentine’s Day for Beginners (FOR MALES ONLY)
By: CY Untalan
Naaalala ko dati sa slumbook noong high school, mayroong question na define love….kung iisipin madali lang ibigay ang dictionary meaning ng love, o ng salitang pag-ibig… ayon kay google “Love is a feeling of strong connection and attachment those are persuaded by extreme delight and admiration; dedication and devotion to each other along with affection and tenderness”. Marami pang ibang definition doon pero yan nalang ang pinili ko kasi parang eto na ang pinakamalapit sa gusto kong sabihin.
Pero alam nating lahat na mas mabigat ang ibig sabihin ng pag-ibig kaysa sa mababasa mo sa libro o sa makikita mo sa internet… kakapusin ang lahat ng naimbentong salita kung ipapahiwatig mo ang nararamdaman mo…at ang makakapagsabi lang nito ay ang mga taong naranasan na na magmahal o mahalin… eto yoong bagay na naramdaman mo kung kaya’t halos baliwalain mo ang sarili mo para lang sa iba…nabulag ka sa itsura ng mahal mo, di mo pinakinggan ang sinabi sayo ng magulang mo, naging pipi ka at di mo sinabi sa mahal mo kahit may nakikitang ka pang kapintasan nya… dahil mahal mo sya…nabaliw ka at nagpaka-STUPID sabi nga ng Salbakuta…(minemorize mo yung kanta diba?)
Hindi ako “love expert”alam ko yan, kung kaya ko nang sagutin lahat ng katanungan tungkol sa pag-ibig malamang di na kami nag-aaway ng misis ko, at malamang gumawa narin ako ng self-help love books (bestseller yun malamang) at nagbigay nalang din ako ng love and relationship advice (malaki kita doon), pero kinokonsider ko ang sarili ko na “experienced” pagdating sa larangan ng pag-ibig o sabi nga sa mga “matters of the heart”. Ngunit hindi ako nagsulat ngayon para ikwento ang istorya ko, may iba akong gustong iparating…
Noong nag-asawa na ako alam kong marami akong skills na magagamit parin kahit kasal na kami, pero alam kong mayroon din naman na mababalewala na…oo skills ko na ituturing ang mga ito dahil aminin man natin o hindi, kakakibang kakayahan ang magpasaya at magparamdam sa kapareha mo na mahal mo sya at importante sya… Wala namang babaeng ayaw na maramdaman na importante sya, lahat ng babae gustong minamahal at binibigyan ng atensyon, kung kaya’t gagamitin ko ang oportunidad na ito para isalin ang konti kong nalalaman…sabi nga legacy. (Hmmm self-actualization?)
February na love month, special month para sa mga lovers at may sinisinta, hehehe pero tortured souls naman ngayon yoong mga mag-isa… Importante ang buwan na ito dahil sa Valentine’s day, isang espesyal na araw para sa mga magsing-irog…kaya napaka-gandang pagkakataon na ipakitang importante ang mahal mo sa iyo… siguro ngayon may naisip ka ng regalo o celebration nyo sa Valentine’s… Bibigyan kita ngayon ng pagkakataon na dagdagan, palitan, o pumili ng magandang ibibigay sa minamahal mo…
Kung wala kang balak magbigay o magcelebrate kasi iniisip mong “BADUY”, “CORNY”, o “CHEEZY”… Nagkakamali ka…Natatandaan mo ba yoong huling movie na pinanood nyong magkasama na kinilig ang mahal mo? At bakit sya kinilig? Hindi ba’t yoong pelikula ay “BADUY”, “CORNY”, o “CHEEZY” ayaw man natin, kung ano yoong baduy yun yoon nakakakilig, ang pag-ibig kung titingnan mo talagang corny at kung ipapaliwanag mo ang nararamdaman mo talagang cheezy… pero walang masama doon…
“Ayaw naming makisabay, tsaka para lang sa mga JOLOGS at mga KATULONG ang Valentine’s”…kung ganito naman ang pananaw mo, isipin mo nalang yun ngang mga katulong o jologs nagawang paghandaan ang araw na ito, ikaw pa… tuwing Valentine’s puno ang mga mamahaling restaurant, sinehan, hotel… malabo namang jologs lahat ang nandoon… Isa pa ubos ang mga imported flowers tulad ng tulips, long-stem roses, at wild daisies… huwag mong sabihin saakin na mga KATULONG o BOY nyo ang bumili noon.
Mayroon akong kakilala noong college na magsyota, yoong lalaki ginagamit nyang dahilan ang relihiyon nya para hindi magbigay ng regalo sa girlfriend nya tuwing pasko, birthday, o kahit ano pa mang okasyon… pero ang totoo lang naman itinatago nya ang kangyang kakuriputan…ginamit pa nya ang relihiyon para gawing sanggalang… naghiwalay din sila di nagtagal… di kailangan ng rason para magbigay ng importansya sa mahal mo, hindi kailangan ng ganun kalaking pera para mapasaya ang isang tao, at lalong hindi kailangan ng dahilan para ipakita na importante sya… kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi ka magiging maramot.
Ok, gets ko na hindi ka nga maramot pero wala kang budget… sige gawan natin ng paraan… o kung makakapagipon ka pa kahit na papano mas maganda… kung ikaw yung tipong kayang magbigay ng IPAD o ng mamahaling alahas, siguro hindi mo na kailangan ng tips ko, basta tandaan mo lang kung magbibigay ka ng mga ganito sa girlfriend mo, kailangan taos sa puso mo, kapag masyado kasing mahal ang ibinigay mo… baka naghahanap ka rin ng kapalit, o kaya naman mahirap na bawiin kung sakaling magkahiwalay kayo…sa asawa mo walang problema..
Simulan natin sa mga pwede mong ibigay na libre at hindi na masyado gagastos pero my dating parin…
First lesson ang mga babae gusto nyan yoong may konting sakripisyo, kahit gaano kaliit kung alam nilang pinaghirapan mo matimbang yun kaysa sa regalong malaki, na alam naman nila na kayang-kaya mo bilihin…
Kung marunong kang magluto ipagluto mo siya ng paborito nyang pagkain, tapos dalhin mo personally sa school, office or sa bahay nya na nakalunchbox style, tapos sabay kayo kumain… kung hindi ka marunong magluto humanap ka ng marunong tapos magpatulong ka, basta importante may ginawa ka doon sa niluto, kahit pa ba magtalop lang ng bawang o sibuyas ayos na yoon… basta iclaim mo na ikaw ang nagluto (mostly), kung halimbawa naman lagi mo na syang pinagluluto hindi ko na iaadvice tong regalong to kasi hindi na special…kailangan kakaiba…ibig sabihin hindi mo laging ginagawa o hindi mo pa nagawa… kakampi mo dito ang element of surprise, yun bang hindi nya expected na gagawin mo pero ginawa mo para sa kanya…doon nila nararamdaman ang sweetness mo…
Iba pang pwedeng ibigay na may kasamang sakripisyo at below 100 pesos… pwede mong imodify to depende sa sitwasyon basta kailangan ng konting creativity, para sa isang lalaki sakripisyo na yoon kasi known fact na mas creative ang mga bakla at mga babae saatin.
1. Mixed tape ng favorite songs nya (hindi sayo)…pero mas maganda kung ikaw mismo kumanta… Tandaan mo, maganda pakinggan ang kanta ng maganda ang boses, pero nakakakilig pakinggan ang sintunado na kumakanta para sayo.
2. 50 pieces yellow paper na sinulatan ng back-to-back ng I love You na paulit-ulit… effective ito lalo na kung maliit ang sulat mo.
3. Umabsent ka sa trabaho o school tapos dumikit ka lang sa kanya maghapon.
4. Collage ng mga pictures nyo... (kaibigan mo technology sa panahon na ito)
5. Sumulat ka ng tula para sa kanya.. tapos i-tittle mo pangalan nya.
6. 100 text messages ng mga love quotes mabigat ito kasi pinapakita dito ang texting skills mo (alpha-numeric keypad), hindi pwede yoong isang quote lang tapos resend 100 times, kailangan bawat isa unique at pinagisipan…pwede rin sa email pero di ganoon ka-effective…
7. Longterm plan ng buhay nyo na naka folder at parang project ang dating, nakapaloob dito kung saan kayo titira, anong kulay ng bahay nyo, mas maganda kung may pictures, at anong ipapangalan nyo sa mga anak nyo, hindi ito advisable sa mga bago palang, baka matakot yoong girl pero pag malalim na ang relasyon nyo, comforting ito.
8. Isang magandang Notebook na may mga love stories or quotes, tapos may mga empty pages… pagbigay mo sa kanya sabihin mo doon sa empty pages nyo isusulat ang lovestory nyo…
9. Kung musically oriented ka gawa ka ng kanta para sa kanya…
10. Memorandum of agreement na kapirma ka at nakalagay na mamahalin mo sya habangbuhay, at pag hindi mo tinupad ipapakulong ka ng 50 years to life… kung sakaling eto napili mo kumopya ka lang ng mga style ng MOA sa internet pero kailangan ikaw lang nakapirma, one way of showing yun na hindi mo sya pinepressure…
Lesson two, Doon sa mga may konting budget you can never go wrong with flowers and chocolates… Siguro sabi mo “Eh sabi ng GF ko hindi daw sya mahilig sa flowers”, Hindi yun totoo, wala pa akong nakitang babae na hindi gusto ang flowers, kahit na yoong anak ko ng 5 years old palang gusto nya na at excited sya tuwing Valentine’s kasi binibigyan ko rin sya…Isipin mo, rationalization lang yoon ng mga babaeng hindi nabigyan o galing sa isang maramot na boyfriend…
Be creative parin sa pagbibigay ng flowers tandaan mo SPECIAL day ito kailangan kakaiba ang gagawin mo sa ibang mga lalaki sa paligid mo… ilang tips ko..
1. Try mo ung mga kakaibang bulaklak o kaya yung nasa paso, minsan mas gusto nila yun..
2. Pag bumili ka ng bulaklak, bumili ka nung hindi pa arranged tapos ikaw ang mag-ayos… doble ang presyo pag arranged na kasi babayaran mo pa yung labor pero kung ikaw ang mag-aayos mas mura at may personal touch pa, kung hindi ka marunong patulong ka sa mga babaeng classmate o kaibigan. Ganun ginagawa ko noon.. (lagyan mo ng plastic tubings sa dulo, nagmumukhang mahal yung flowers pag may ganun)
3. Huwag kang bibili ng plastic flowers, kung wala nang fresh flowers kahit balloons nalang o kaya stuffed toy ng paborito niyang animal, tapos bigyan nyo ng pangalan sabihin mo baby nyo…
4. Sa flowers Kung kaya mong magbigay ng 3 pieces instead of 1, 3 ibigay mo… kung kaya mong magbigay ng 12 pieces instead of 3, 12 ibigay mo…so on.. ang pinakamarami kong binigay sa wife ko is 48 long stem roses… kung kakayanin ko 100 pieces bibigay ko…
5. Hindi kailangan na talagang long stem roses ang ibigay mo, maraming local lang na roses na mukhang mamahalin… kailangan lang marunong kang maghanap…
6. Hindi mo sa bahay ito ibibigay, kailangan sa school or sa work… kailangan makita ng ibang tao… flattering sa kanila yun…mabigat ang dating na ihahatid mo sya sa bahay o uuwi kayo na may dala syang flowers…
7. Kung may ibang babae sa bahay nila, halimbawa nanay o kapatid bigyan mo ng flower kahit 1 piece lang… maapreciate ka nya dahil dito…
8. Be sincere sa card na kasama at huwag kang magkakamali sa spelling ng Valentine’s (Valentimes)
Third lesson, Grand gesture yan ang isang secret sa mga babae, gagawin mo ang isang bagay na hindi pangkaraniwan para lang ipakitang mahal mo sila, sa mga pelikula, hahabulin yoong eroplano para pigilan sa pag-alis, aakyat sa building tapos isisigaw yoong pangalan nya, kakanta sa harap ng maraming tao para iparating ang pagsuyo…pero ang pinakamalaking sekreto para mapasaya sila ay pagiging sincere at sentitive sa kanilang mga nararamdaman… Happy Valentine's day...
(This is dedicated to my wife Emmylou Ann Acacio Untalan…I love you very much)
(Aaron “CY” Untalan is an author, writer, blogger, nurse, lecturer, and a motivational speaker… go to his website www.aaroncyuntalan.com or for speaking engagements you may call or text 0919-286-29-29)
No comments:
Post a Comment