Sunday, February 13, 2011

Tongue out.

Ansakit-sakit pa rin ng aking DILA. Napaso kasi ako. Antanga-tanga kasi. Hahaha

Nagkape kasi ako mag-isa sa aking peyborit place...ang STARMARK CAFE. ^_____^
Dahil malamig kagabi, triny kong uminom ng mainit na kape. Nga pala, hindi ako yung tipo ng taong iinom ng MAINIT na KAPE. Pramis. Pero dahil malamig at para maiba, nagtry ako.

Hindi ko alam kung anong kape yung iinumin ko. Baka masobrahan sa pait yung mapipili ko. Ayun, mukhang hindi kape ang inorder ko pero IT'S LOVEEEE!

Bago ko ng peyborit yung WHITE CHOCO LATTE!
Muntik pa kong bumungisngis, kasi pagdating sa counter narinig ko si kuya waiter na nagsabi kay ate waiter na, "sarong WHITE CHOCO-LATE daa" Bwahahahaha! BAAAD!
Napaisip tuloy ako kung LA-TEY nga ba o LATE
Hahaha. Na-confused na tuloy.

Ewan. Basta PARAISO ang lasa nung WHITE CHOCO LATTE na yun!

at parang gusto ko nun bukas...ooh. Araw na ng mga Puso bukas!

Wala akong ka-date. Hindi naman ako inaalok ni Mr. Smart/Talented/Ma-appeal-pero naka-Globe-na-Guy. Jeeez. Ang landi teh! Hahaha. Eeee. Inaaway niya naman ako sa text. Sagad mampikon. Napikon talaga ako,pramis. Hahahaha.

Kesa naman kasi umasa akong mang-alok yung nang-"Csay ka??" Ayos.
Pasalamat ka, araw-araw kitang namimiss. Pffft.

Anyway, malapit na ring mag-April at malapit na rin kaming maging HOMELESS.
Siyet. Naiiyak na naman ako. Wohooo! Takteng life. Wala ka na ngang LOVE LIFE, pati ba naman tirahan ipagkakait pa. Darn it.


*hugs herself*

Bwisit kasi. Bwisit.

No comments: