and just like that, you steal away the rain and just like that... You make me smile like the sun. Fall outta bed. Sing like a bird. Dizzy in my head. Spin like a record. Crazy on a Sunday night. You make me dance like a fool. Forget how to breathe. Shine like gold, buzz like a bee. Just the thought of you can drive me wild. Oh, you make me smile... ^_____^
Finale: Last Part
Ilang oras na lang at tapos na ang taong ito.
Eto na rin nga pala ang last post ko sa ever-loyal na blog ko. New Year's resolution ba kamo?
Teka ano nga bang akin? Wala eh, ako yung tipo ng tao na walang ganyang kaartehan. Sus.
Magbabago ako kung kelan ko gusto magbago. Walang pakialamanan.
(pasensya kung walang kalatoy-latoy ang last post ko. wala na talaga akong gana eh.)
Ganito na lang, kasabay nang pagtatapos ng taon pasasalamatan ko rin ang mga masusugid kong mambabasa hanggang sa huling post na 'to.
Special mention si Naxcz, salamat sa pag-introduce sakin ng blogger. The best. Wala na kong rason para magbigti at maglaslas dahil sa blog na 'to. Malaking tulong sa aking emotional growth. Thank you friend! I love you!
Sa Xing & Co.- Of course alam niyo 'to. Salamat sa pag-effort na maging updated despite our distance. Hahaha. Mahal ko kayo!
Sa mga kapwa ko blogger- Siyet! Mababawasan ang blogger sa mundo. Hahaha. Salamat sa paminsan-minsang pagbisita sa mundo ko, at sa pagiging bukas din sainyong mga mundo. Huwag kayong mag-alala magbabasa pa rin ako ng mga blog niyo.
Sa mga kaibigang nabulungan ko ng URL ng aking blog. Salamat sa pag-aaksaya ng oras sa pagbasa ng baliw kong isipan.
Sa mga stalker na nagsariling sikap para mahanap ang blog ko, mabuti man o masama ang mga intensyon niyo, SALAMAT ng bonggang-bongga! Tumaas man ang mga kilay niyo, wala akong paki, salamat pa rin! Ngumiti man kayo ng abot langit, mas salamat! Hahaha! Believe me, mahal ko rin kayo. Tama na kasi insecurity, ako lang 'to o. Diyosa lang. Pasensya na. Hahahaha! Kidding!
Sa mga lalaking nabida sa blog na 'to- Magpakalalaki kayo! JOKE! I mean, salamat, hindi tuloy nauubusan ng kwento ang blog ko. Hahaha. Salamat sa mga iniyakan kong gabi dahil sainyo. Salamat sa mga kilig moments. Salamat sa mga hindi ko makakalimutang tuwa na minsang ibinigay niyo sakin.
Sa lalaking mahal ko, (ambaduy pakinggan. hahaha. nagbabasa ka kaya nito?) salamat! Salamat sa pagbibigay kulay sa last quarter ng taon ko. Salamat sa pag-doodle ng puso sa mga mata ko. (siyet, makeso! hahaha.) Salamat sa mga mahihigpit na yakap. Salamat sa mga morning greetings at sa mga good night. Salamat sa sorry na inulit-ulit mo nang masaktan mo ko. *geez* Salamat sa pagsshare ng ilang pangarap mo sa buhay. Salamat sa mga kwentong Brandon Boyd at Incubus. Salamat sa pagbibigay permiso na maging boyprend ko si Cloud. (buti pa si Cloud!) Hahaha. Salamat sa honesty. Salamat sa pagsama sakin sa SM kahit ayaw mo masyado dung pumunta. Salamat sa friendship bago ang lahat-lahat ng mga nangyari. Hahaha. Salamat sa pagsama sakin kapag gusto kong libutin ang university. Salamat sa mga pagtambay sa gym. Salamat sa saglit na paglaro mo ng table tennis. (sa hindi ko malamang dahilan, kinilig ako nun.syet!) Salamat sa sweetness. Salamat sa pagtawag ng hot fudge sundae sakin. Salamat! Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano nga ba ang naramdaman at nararamdaman mo para sakin. Hindi ko na nga siguro malalaman. Naman! Unfair! Hahaha! Sabi mo kasi dati, hindi mo alam. Sana pagtinanong kita sa 2011, alam mo na ang sagot. Hahaha! Pasensya na kung medyo nakapagpagulo ako ng isip mo. Pasensya kung naabala ko kayo ni lady love mo. Paulit-ulit kong sasabihin 'to, NO REGRETS.
-----
So, pano ba 'yan mga ka-blog? Hanggang dito na lang muna. PAALAM! ^____^

No comments:
Post a Comment