Wednesday, December 22, 2010

Si Mutya, ang kapatid ni The Ideal.

Namiss na naman tuloy kita dahil sa wall post mo sakin sa fb. Siya nga pala, VP din sya. Hehehe. Maraming tumatawag sa kanyang Nica. Tawag sa kanya sa bahay ay Kikay. (Forgive me.hihihi) But I call her Mutya.

Dahil lahi sila ng matatalino, sadyang pasaway lang kuya niya, sa Sci High ko rin 'to nakilala. Well, hinahanap ko rin siya. Geez, ano ba yan. Nahahalata talagang. Grr. Anyway, eh parang may prior knowledge na siya sakin dahil na kwento ni ate niya na may crush ako kay kuya VP nya. Hahaha.

Pumasok siya ng CAT. Since opisyal din ako, hindi niya man nahalata (hindi nga ba?) pero I made sure na alaga siya at walang manttrip na ibang opisyal sa kanya.

She's sweet and charming. Pagngumiti to ng tunay, takte, panalo. (I talk like a stalker. hahaha.) Anyway. Kabaliktaran nung akala kong suplada siya. Mukha lang. Smart and pretty. Pero inosente pa rin 'to sa maraming bagay. Hindi ko lang sigurado kung nagkaboyprend na siya. Boylet siguro marami. Hahaha!

Tulad ng lahat ng tao may sarili rin tong sumpong at kiliti. Kelangan mo lang alamin para di ka mapahamak. Hehehe.

Maliban sa katotohanang kaya kami naging close eh dahil kay kuya nya, may mga bagay din naman siguro kaming pinagkakasunduan. We like Harry Potter more than Twilight. Ay mali! We love Harry Potter. We hate sparkling vampires. Am I right? Pareho rin kaming blogger. Mas magaling nga lang siya sakin magsulat. Sayang at hindi 'to nag-Communication. Tiyak magagamit nya lahat ng skills niya.

We don't get to talk often. We have our own set of friends. Hindi ko nga alam kung kaibigan ako nito. Hahaha. Ay oo! Sisters kasi kami. Kidding.

Basta. Basta. Kahit di na ko in lab kay kuya niya. Love ko pa rin 'to. ^_____^

No comments: