At maraming salamat VP, malamang wala ka na namang alam. Hindi mo alam kung gaano mo pinapaganda ang mga mapapanglaw na sandali sa buhay ko. Haha. Seryoso, bigla na lang akong sinipag na naman dahil kelangan kong umalis mamaya at makipagkita sayo (with friends). Haha. Kahit kelan talaga ang hirap mong tanggihan. Pero natanggihan na rin naman yan ng ilang beses. Hahaha. At dahil single ka, ulit, malamang na ima-match tayo ng mga baliw nating kaibigan. Natuwa naman ako. Joke!
Antagal na rin na hindi kita naibibida sa blog ko. At mabuti na rin ito para sakin. Para sa mga baguhan sa blog ko let me introduce to you a very special friend.
Si VP, matagal ko ng kaibigan. High school pa lang nahuhumaling este mabuti na kaming kaibigan. Siya yung tipo ng lalaki na malapit na sa pagiging ideal, base on my standards. Tall, dark and handsome ang kumag. Athletic masyado, swimmer, nagtataekwondo, nagvo-volley ball pati basketball. Katulad ko, mahilig din siyang kumain ng libro, like hell! Tapos niya na rin ang Harry Potter series at karamihan sa libro ni Dan Brown. Dahil mahilig siyang magbasa, may sense rin sya magsulat, lalo na kung poetry. Musikero rin siya, hindi kasing galing ng mga local guitarists pero tiyak may ibubuga.
Maraming alam sakin ang lalaking 'to. Halos takbuhan at subungan ko 'to ng lahat ng galit ko sa mundo. Alam niya kung kelan ako badtrip at alam niya kung kelan ako high. Alam niya ring minahal ko siya. Hahaha. Yeah, I know, I have the guts to tell him. Umpisa palang alam niya na. Pero masyadong gentleman ang mokong ayun, friends for life talaga kami. Globe user 'to. Kaya hayan sya yung dahilan kung bakit nagka-globe ako nung high school. Pagnagmissed call na siya, alam kong dapat na kong mag-unli sa globe at kelangan niya ng kausap. Pagnagmissed call naman ako gamit ang globe, tiyak na maya-maya naka-unli na siya. Ganyan kami ng maraming taon. Tuwing kinakabahan ako sa mga laro ko, gabi palang itetext ko na sya, he never fails to send me "Kayang-kaya mo 'yan! Make me proud!" O diba? kaya paniwalang-paniwala naman akong invincible ako. Kasi kahit matalo, andyan pa rin sya to comfort.
Nung mga kasagsagan na nasa buhay ko pa si 17, kinkulit nya ko kung sino daw yun. Kung nakita nya na ba, kung anong ugali. At ang laging paalala, "Mag-ingat ka, yan na naman." At nung mga oras na falling apart na kami ni 17 at hindi ko alam kung sinong tatakbuhan, isang text ko lang sa kanya eh nakaset na ang date and place ng aming kwentuhan. Kahit pagod galing sa trabaho, anyway, chef/cook sya sa Avenue, basta off nya na, Kopiroti na ang punta nya. Actually, hindi ko naman naikwento sa kanya ang nangyari samin. Magkakape lang kami niyan, magtititigan at pagkwekwentuhan ang ibang bagay. Bigla na lang siyang magsasabing, "Hibi na, kala ko baga problemado ka? Joke! Dae parainitindihon yan. Kadakol pa." Tatahimik na lang ako at hihigop ng kape. Hihirit na lang siya bigla ng wala niyang katapusang litanya na, kumilos naman daw kasi ako na babaeng-babae, mag-inarte raw ako kung minsan, huwag masyadong suplada, at itigil na ang pagiging amasona. Yeah, thanks for summing that up.
Matatapos ang gabi na hindi namin napagkwentuhan ang problema ko. Ayaw niyang marinig, mas mabuti sa pakiramdam ko. At yan kahit mas mauuna dapat siyang bumaba pauwi, ihahatid niya muna ko at bawal tumanggi. Hindi naman talaga ako sa kanya tatanggi.
Naikwento ko na sya sa mga kaklase ko. Tinanong nga ako dati ni Kuya Topsy na kung ira-rank daw ba, sino yung una. Hindi ko kailangang mag-isip, si VP syempre.
Kulang pa ang isang post na 'to para sa kanya.
Walang tatalo sa exchange of books, of notes, of stories, of fears, of dreams namin. Noon.
Bakit sya biglang naging bida na naman? Wala, bigla kasing nagtext at nang-aalok magbeanbag mamayang 8pm. Pagmi-meetingan namin ang gift giving na gagawin sa 25. Ikalawang taon na 'to. Lilibot ulit kami ng Naga to share gifts. O san ka pa? May busilak pang puso.
*to clear things out hindi na ko in lab sa kanya. i had enough. what we have is enough.*
http://ebboflife.blogspot.com/2009/08/after-six-loooong-years.html
check that out para dun sa unang encounter namin after niyang maglagi sa manila.
No comments:
Post a Comment