Eto na naman ang walang hanggang litanya.
MAMA: O bakasyon tapos lalayas ka na naman? San ka na naman pupunta?
AKO: Sa centro, maghahanap ng prosti, adik, pusher, ex-convict, mamatay tao...
MAMA: Tumigil ka nga Maria Eleanor!
AKO: Totoo naman. O sige, pupunta na lang tuloy ako sa simbahan at magsisimba. Pwede na?
MAMA: Umayos ka sa pagsagot mo.
Hay, bakasyon.
Gusto mong lumabas kahit di naman masyadong gagastos, kaso bawal. Kasi ano? Dapat nasa bahay lang, maglinis, tumulong sa tindahan na maghugas, magbigay ng sabaw. Eeeee.
I get it. Alam ko lahat yan, pero, I don't find it worth doing. Ewan. Masyado lang siguro akong mayabang. Ewan. Darn. Screw me. *sigh*
Ang gusto ko lang eh tunay na bakasyon, yung mag-eenjoy at pag-aari mo ang oras. Hindi yung ganito. Hay, nakalimutan ko, mahirap nga pala kami. Bawal mag-astang prinsesa. Bawal. Hay buhay.
No comments:
Post a Comment