Kung mahilig kayo sa mga love stories in video, malamang eh kilala ninyo si Marcelo Santos. Marami na siyang posts sa Youtube. Idol siya ng barkda ko, Nikko B. ang pangalan niya. He assumed the pen name of Juan Castro VII at gumagawa na rin siya ng love story sa video. Ginawa niya yung Entablado. Isang love story ng magbestfriend na sinamahan pa ng ex. Neb ang pangalan ng bidang lalaki. Elaine ang pangalan ng bestfriend nya. Trixie ang pangalan ng ex-gf.
Actually, hindi ko rin alam kung bakit ibina-blog ko 'to. Hahaha. Anyway, my friend asked me a favor to edit the third part. Pero nawala sa isip ko at yun na-post na rin naman. Hahaha. Paunti-unting naa-appreciate ng tao yung ginagawa nya. Well, okay na rin yun at para matapos na ang hangover nya kay ex. Hahaha. Yah, maypagka-true-to-life ang kwentong yun.Nakakaloka lang kasi ako si Elaine. Pffft. WALA PO AKONG GUSTO SA KAIBIGAN KO. PERIOD. At ang tinutukoy niyang entablado at pagtatanghal ay yung play namin last September. Okay, hindi na rin naman ako naka-angal dahil hindi naman ako ang sumusulat. Nakakaaliw lang kasi masyadong emotional tong kaibigan ko at pati paggawa ng love story ay hindi na rin inaatrasan. Hahaha. Oh well, enough said.
*kung gusto niyong mabasa yung 3 episodes ng Entablado. Search niyo na lang 'to sa Youtube, AOVreAper.
No comments:
Post a Comment