Tunaw na ang hot fudge sundae.
Linipad na rin ng hangin ang four-leaf clover.
Black hole na ang magandang bituin sa kalawakan.
Rumaragasa na rin ang dating kalmadong alon sa dagat.
Di bale na, tuloy pa rin ang buhay.
Hindi lang naman hot fudge ang flavor ng sundae sa Mcdo.
Swerte rin naman kung makapulot ka ng barya sa kalsada na head's-up. Lucky coin?
May bituin sa di kalayuan ang unti-unting lumalaki.
Tahimik at kalmado ang alon ng lawa.
Tuloy pa rin ang buhay.
Siyet.
Tuloy pa rin nga ba?
Hindi ko alam kung sinong ginagago ko? Oo. Nakikipaglokohan ako sa sarili ko.
Ano pa ba naman kasi ang silbi? Mas mainam na 'to. Sadyang ganito.
PERO, bullshit naman pare! Ano 'tong nararamdaman ko?
Hindi ko gusto ang nababasa ko. Ang aking nami-mind read.
Okay, gusto ko pala.
Pero. Marami ng pero. Pero.
Leche. Pahirapan. Eh ano na naman?
-life will turn for the better. PLEASE.
No comments:
Post a Comment